Chapter 36. Paris

4.6K 231 36
                                    




Paris


Iba ang simoy ng hangin sa airport arrival area ng Paris. Summer ngayon dito at kahit summer ay medyo may kirot na ginaw na dala ang hangin. Hawak ang aking bagahe at suot ang sling channel cross bag. Excited ko nang tinanaw ang waiting area sa arrival at hinanap si Mia.

"Isay! Isay!"

Rinig na rinig ko ang boses niya. At nang makita siya ay mas lumawak ang ngiti ko at kaway pabalik sa kanya.

"Oh my gosh, I miss you bestie!" Power hug namin sa isat-isa.

Matagal na din na hindi kami nagkita, mag iisang taon na. Dalawang taon kasi ang pag-aaral ni Mia sa Paris at malapit na itong matapos. Tinitigan niya ako nang maigi mula ulo hanggang paa. Naging scanner ang mga mata niya.

"Did you loose weight? Ba't ang payat payat mo na? Model ka ba? Di ba Engineer ka?" titig niya sa katawan ko.

"Model na ba ako sa paningin mo? E, bakit noong huli nating kita natin mataba ba ako?" ngiti ko.

"Stress ba sa work, Isay?" kumunot ang noo niya.

"Slight, pero kaya naman ng powers. Super woman 'ata tayo," kindat ko.

"Mabuti nga at ako ang representative sa convention na ito. Sa wakas magbabakasyon na talaga ako," ngiti ko.

"Yay, let's go, Isay! Magsisimula na tayong mag tour around Paris. Tapos masasarap ang mga pagkain dito. Teka, teka, ang pasalubong ko? Hindi mo nakalimutan 'di ba?"

Nawala agad ang ngiti ko sa labi at nag kunwari akong nataranta.

"May pinabili ka ba? OMG! Nakalimutan ko! Joke lang," bahagyang tawa ko. Nagtawanan na kami na parang sira. Mababaliw ka talaga kapag si Mia ang kasama mo. Makwela kasi siya at kikay pa. Naalala ko lang ang kabaliwan namin noon at excited na ulit ako ngayon.

Humawak na siya sa balikat ko at sabay kaming humakbang patungo sa kong nasaan ang kotse niya.

"Isabella Mendoza is in Paris!" sigaw ng bruha at napatingin pa tuloy ang iilang tao sa paligid.

ISANG LINGGO naming nilibot ni Mia ang Paris at ang iilang tourist spots dito. We took photos and selfies in Eiffel Tower. We went to Louvre Museum and explored the place. Lubos naman akong napamangha sa mga guhit at architectong hugis meron ang syudad. Hindi rin maiiwan ang Cathedral Notre Dame de Paris, at mas napamangha ako sa lahat.

"Isay selfie!" Click niya gamit ang cellphone.

"Post ko 'to sa social media at instag ko okay?"

Tumango na ako sa kanya. I never like social media at all, pero hindi naman ako huli. Wala lang talaga akong account sa mga ganyan. I used to have one but those we're the days. I shut my doors for it for some reason.

"Hindi kaba gagawa ng bagong account, Isay? Gawa ka kaya. Hinahanap ka na kasi ng mga ka batch natin sa social media and they can't trace you, unless if they asked me."

"Tingin mo?" ngiwi ko.

"Mabuti na rin siguro ang wala, Mia. Para wala rin silang makitang chismis sa akin. "

"Chismis? Stalker sila kay Sebastian mo ano! And more likely andoon ka sa social media niya," ngumiwi na siya at ngumiti lang din sa waiter nang mailapag ang order namin.

"Grazie Martin," si Mia sa waiter.

Isang matipunong ginoo siya sa paningin ko at malawak ang ngiti nito. Nasa isang restaurant kami, at sa labas kami pumwestong nakaupo ni Mia. Alam kong kilala ni Mia ang tauhan dito dahil noong nakaraang araw na napadaan kami rito panay ang kaway niya sa kanila.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon