Unexpected.
.
Today is the day I will confess everything to him. I tool a deep breath while staring at myself in the mirror. Tapos na akong mag-ayos. Sinuot ko rin ang kwentas na ibinigay ni Charles noon, noong mga high school pa kami. Tinago ko ito kasama ang lumang gamit ko.
.
Then I had my breakfast. Pero walang silbe ito dahil isinuka ka lang din. Kaya gatas na ang ininom ko. Ang hirap ng umaga para sa akin, dahil ito ang oras na kumakalan ang tiyan o pero isinusuka ko naman ang lahat. Mas inayos ko na ang sarili at naglinis na din.
.
I prepared and clean everything from my bed to my kitchen. I am still taking my day off from work. Nagpaalam na ako kay daddy at isang linggo muna na hindi ako papasok. Sumang-ayon agad siya sa pagpapahinga ko.
.
Nakita ko ang iilang pregnancy test box at nilagay ito sa basurahan ng banyo. Puno na ang basurahan ko at kailangan ko ng itapon ito. Pero mamaya na lang siguro. Ang mga resulta nito ay tinago ko sa drawer, sa gilid ng kama ko.
.
Napag desesyonan kong alas onse ko siya pupuntahan, at dahil maaga pa ay mas minabuti maglalakad na lang ako. Tutal malapit din lang naman ang building ni Charles dito. It will only take five minutes walking distance. Nakikita ko nga ito sa labas ng balkonahe ng condo ko.
.
Bumaba na ako nag nagsimulang maglakad. Tinatanaw ko ang bawat sulok na nadadaanan ko. And as usual, I love to look at every food shops. I can smell yummy foods and I can't wait to taste those goodies! Pero hindi pa pwede, hindi pa ako pwedeng kumain mamaya na, dahil susuka lang din ako.
.
Tumingala ako sa matayog na gusaling ito. This is the Delavega Tower. Hindi ito kasing taas at kasing laki kagaya ng Del Tower 101. Pero may dala na ang hitsura ng gusaling ito. Sa ama pa ito ni Charles at siguro ngayon ay siya na ang namamahala.
.
Every time I walk passed on this building I don't like to look. Naiinis kasi ako. Hindi ko kainman ito pinasok dahil sa ama niya. Pero ngayon na si Charles na ang humawak ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko.
.
Pinindot ko ika 28th floor. May iilan din akong nakasabay sa loob ng elevator, pero lahat sila lumabas na sa ibat-iba floor at ako na lang ang naiwan. Tumunog na ang bell at bumukas na ito.
.
Nang makalabas nilingon ko ang kanan at kakaiba nga naman ang desenyo sa bandng ito. Sa may information desk agad ako nagtungo. Dalawang sekretarya ang nandito sa malaking mesa. Abala ang isa sa telepono at nakangiti naman ang isa sa akin. Lumapit na ako.
.
"Hello, Miss. I'm here to see Mr. Charles Aragon Delavega. Pero maaga pa ako, eleven o'clock ang appointment ko," ngiti ko. Sabay kaming napatingin sa relo at may bente minutos pa nga bago mag alas onse.
"I'm Isabella Mendoza," ulit na tugon ko.
.
Ngumiti lang siya at tiningnan na ang laptop, pero kumunot lang ang noo nito. Lumapit na ang kasama niya at agad na tiningnan ang pangalan na isinulat ko.
.
"Ahm, kayo po pala si Ma'am Isabella," ngumiti agad siya sa akin.
"Wala pa po si Sir Charles. Pwede po kayo sa loob maghintay, Ma'am," pormal na ngiti niya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomansaMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...