Throwback, 3years ago...Maingay ang boung auditorium. Nagsisigawan ang maraming tao. Halos lahat mga babae. Tumitili at sumisigaw.
"Savy! Savy!"
"Savy! I love you!"
Sa sobrang ingay hindi ko na marinig si Mia. Panay ang tili at hila niya sa akin. Kasama siyang nakikigulo at nakikisigaw sa karamihan. Ayaw ko talagang manood ng school concert, lalo na pag battle of the band. Hindi kasi ako makasabay sa kanila. Pinilit lang kasi ako ni Mia na sumama sa kanya, kaya heto ako ngayon. Nakikisali sa kaguluhan nila.
Unang taon pa lang namin ni Mia sa high school. Naninibago pa ako sa mga nangyayari, pero madali naman akong naka-adjust.
Natapos ang busy na second grading at heto kasiyahan na naman. Wala akong ka alam-alam sa mga banda sa school. Ang palaging inaatupag ko ay ang libro at notebook ko lang. Pero iba si Mia, alam na agad niya kung sino at ano ang mga 'in' sa school namin. Sikat daw ang bandang ito. Dahil sa kanilang vocalist at guitarista.
Pilit kong tinatanaw ang harapan ng stage. Hindi ako makakita nang maayos, dahil sa mga katabi kong babae. Kakaloka! Paano ko makikita ang nag p-perform? E, mga buhok at ulo nila nakikita ko! Ang iinggay pa!
Mas malakas pa 'ata tili at sigaw ng mga 'to! Kaysa sa mga kumakanta na banda sa stage. Hindi ko rin makita si Mia. Sa pagkakaalam ko gusto niyang pumunta sa harap. Oo, sa harapan talaga! Iniwan lang naman ako!
"I love you, Savvyyy! Whooa!"
Sigaw nang karamiha, hanggang sa nag microphone test na ang vocalist.
"Hello, mic test 1,2,3."
Sigawan na ulit ang lahat. Hanggang sa nag umpisa na silang tumugtog. Code blue ang pangalan ng banda nila. Hindi ko talaga sila kilala kasi halos lahat sila ay nasa huling taon na ng highschool.
Nang magsimula kumanta ang vocalist ay natahimik ang lahat. May boses nga naman... Lalaking-lalaki at baritono talaga. Pakiramdam ko ang gwapo niya.
Nagsigawan na naman ang lahat at pinilit ko rin ang sarili na tumalon para makita ko ang mukha ng kumakanta. Pero pasa 'ata ang aabutin ko nito! Halos ipagtulakan na kasi ako nang mga babaeng katabi ko. Kaya lumabas na ako at bahala na sila magwala!
Amoy ko agad ang preskong hangin. Dinala ako ng mga paa ko sa likurang bahagi ng auditorium na kung saan ay may malaking puno rito. Mula rito ay makikita mo ang back entrance ng auditorium. Doon dumadaan ang mga performance.
Nag send ako ng mensahi kay Mia, sinabi ko na rito na ako maghintay sa kanya. May upuan naman dito sa ilalim ng puno at tahimik pa. Walang ibang tao maliban sa akin, dahil nagkakagulo ang lahat sa loob ng auditorium.
Inayos ko na ang salamin ko at napalingon ko sa grupo ng mga kalalakihan na kalalabas lang din mula sa likurang bahagi ng gusali. Binalik ko ang tingin sa puno at napasandal ako sa upuan ko ngayon.
"Ang laki mo..."
Nakatingalang saad ko sa puno. Namangha lang din ako sa laki nito.
"Ang ganda niya 'di ba?" baritonong boses niya. Napalingon agad ako sa kanya.
Malapad ang ngiting sumalubong sa akin. Matangkad na matipuno. Inayos niya agad ang sinturon ng sapatos niya. Fair complexion ang balat at gwapo. Pinagpawisan din siya na parang katatapos lang tumakbo.
Hindi ako nagsalita at binalik ang mga mata sa matayog na puno sa harapan ko. Pabalik ko rin na sinandal ang ulo ko sa likurang bahagi ng upuan ko.
"Bago ka? First year?" tanong na siya.
"Oo," saad ko na hindi tumitingin sa kanya.
"What are you doing here?" tanong niya ulit at mas inayos pa ang sinturon ng sapatos niya.
"Hinihintay ko kaibigan ko. Andoon pa sa loob nanonood pa."
"Hindi ka nanood?"
"Hindi. Magulo kasi at maingay. Hindi ko naman sila kilala. Kaya okay lang," ngiwi ko sa sarili ko.
Tumikhim siya na may kasamang konting ngiti.
"Ano nga pala pangalan mo?"
Napatingin na ako sa kanya, at ang lawak pa nang ngiti niya. Pero mukha siyang playboy sa paningin ko at hindi ko siya gusto.
"Kung may extra kang oras e-research mo," wala sa sarili kong sagot sa kanya.
Natawa na siya. Nakakatawa nga siguro ang sagot ko. Pero bahala na siya!
Tiningnan ko ang relo. Lagpas alas kuwatro ng hapon na. Wala pa rin si Mia. Dinukot ko ang cellphone at nag send ako ng mensahi sa kanya. Hindi na ako maghihintay at uuwi na lang ako. Dahil naghihintay naman si Manong sa parking lot ngayon.
Tumayo na ako at inayos ang sarili. Tinangal ko ang salamin at earphones, at nilagay ito sa bulsa ko. at Binalik ko lang din ang salamin ko sa mukha ko.
"You look more beautiful if you don't wear your spectacles," he smile.
At nagsalita pa talaga siya! Nginitian ko lang siya nang konti at naglakad na din palayo sa kanya. Narinig kong tumawa siya nang bahagya.
KINABUKASAN grabe ang daldal ni Mia. Puro mga pangalan na hindi ko naman kilala. Nasa baba ang classroom namin. Tapos sa ikalawang palapag naman ay ang year 11( junior HS) at ikatlong palapag ang year 12(senior HS).
Ang tanging room lang namin at isa pang katabing silid ang nahalo sa building na ito. Kasi under construction pa ang silid namin. Kaya kilalang kilala ni Mia ang mga nag p-perfom kahapon. Halos naman lahat sa kanila ay nandito sa buidling na ito.
"Hindi mo ba nakita si Savy kahapon?" si Mia sa akin.
"Hindi nga ako makakita 'di ba? Ang daming tao," reklamo ko at napailing na.
In short nakikinig lang naman ako sa kanya, pero hindi naman ako interesado.
"Ituturo ko sa'yo mamaya, Isay. Para naman makilala mo," ngiti niya at tumango na ako.
—❤️❤️❤️—
Salamat much
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...