DebutAng bilis ng panahon. Sa susunod na linggo ay debut ko na. Tapos na ang laha at kahit ang sukat sa damit na gagamitin ko ay tapos na din. Organise by my Mum as always. Parang siya ang mag d-debut at parang hindi ako.
Pinili ni mommy ang Stellar Hotel&Resort na pag mamay-ari ni Sebastian Delavega. Kilala rin siya ng pamilya ko, as dad designs and built some of his business and hotels. I meet him a couple of times already but like an acquaintance nga lang. Simula ng naging boyfriend ko si Charles ay dumidistansya na si Sebastian sa akin.
Patapos na ang school at hindi na masyadong abala. Iba na ang pinagkakaabalahan ng lahat, ang graduation practice na. Ang saya ko dahil sa wakas magtatapos na ako ng high school. I've already made up my mind and choose the same path where my family line is. In short, Architecture&Engineering ang kukunin ko sa koleheyo.
"Babe, I'll be there on your debut. I promise," si Charles. Kausap ko siya on videocall.
Ang gulo-gulo ng lamesa niya. Nakikita ko kasi ito sa videocall. Ang dami niyang ginagawa. Alam kong palapit ng matapos ang project na ginagawa niya. Kaya abala na rin siya.
"Babe, maiintidihan ko naman kung hindi ka makakarating. Pina-reserve ko si Karl, para maging partner ko. Iyan ay kung saka-sakali na hindi ka makakadalo," saad ko.
"No! I'll be there," tigas na boses niya.
Bumuntong hininga na siya sa kawalan. Alam kong sobrang abala na siya lately. Nagtataka pa nga ako kung paano niya nagagawa ang lahat sa maikling oras na meron siya. Nagsabay pa ang lahat sa kanya. Ang pag-aaral niya at ang project na ito na binigay ng daddy niya. Isa nga naman siyang Delavega. Nananalantay sa dugo nila ang pagiging workaholic, persistence at commitment.
"Babe, mamaya na lang tayo mag-usap. Tapusin mo na muna iyan, para naman makahinga ka na ng maluwag at makapagpahinga ka na rin," saad ko, sa tingin ko kasi nababawasan ang oras niya dahil kausap niya ako ngayon.
Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri niya. Stress siya, sobra, at nakikita ko ito sa mga mata niya. Napayuko siyang nakatitig sa mga nagkalat na blueprints sa harap ng mesa niya. Bumuntong hininga ulit siya at pati na ako.
"Okay, babe. I'll just finish this and I'll call you back tonight okay. I love you," tugon niya at ngumiti na ako.
"I love you too, babe," saad ko at ako na mismo ang nag end call sa videocall namin.
Labing isang buwan na kami. Sa susunod na buwan ay mag-iisang taon na din kaming long distance relationship. Hindi madali ang pinagdadaanan namin. Pero pinipilit naming magpakatatag. Sa kanya ako kumukuha ng inspirasyon ko maliban sa mga magulang ko.
I can see that Charles is soaring so high, and at least I want to go halfway with him. Alam kong hindi sukatan ang ano man ang naabot mo. Pero iba ang pamilya ni Charles at alam kong mamaliitin lang nila ako. Kaya pinaghahandaan ko ang sarili ko kung sakali man.
Like Charles I want to have a name too. Alam kong magagawa ko ito, alam kong kaya ko...
"Ate balik ka raw bukas sa shop sabi ni Mommy. Kasi may ipapakita sa'yo si Santa," tugon ni Xeejay.
Tumango na ako. Si Santa ang designer sa damit ko na kinuha ni mommy. Si mommy na kasi ang nag-organisa sa lahat para sa debut ko. Maliban sa pag-aasikaso ni mommy nito ay may bago rin silang proyekto ng mama ni Mia na tinatapos.
Sumakit ang ulo ko at nang mahiga ako sa kama. Ang daming ganap sa linggong ito at sa susunod na linggo ay debut ko na. Excited akong makita si Charles. Mag-iisang taon na din noong huli naming pagkikita. Naisip ko kong may magbabago kaya? Baka iba na ang mararamdaman niya. Hay naku! Basta ako, mahal na mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
The Trouble with Love (BBHS1) ✅
RomanceMatured content Unexpected love, unexpected feelings. First kiss. High School Sweetheart. He left with a promise to choose you in the future. Paano kapag hindi ka pala kayang ipaglaban sa panahon na kailang mo siya? At ngayong okay na ang lahat, b...