Chapter 57. Positive

5.9K 245 19
                                    




Positive


Muntik na akong maduwal. Mabilis akong tumayo sa lamesa at tinakbo ang kusina.

"Ano ba kasi ang kinain mo, Love?" tanong ni mommy.

We're all having our dinner. Kompleto ang lahat at pati na rin si Sebastian. Masayang nag-kwentuhan kaming lahat pero biglang nag-iba ang sikmura ko kaya rito sa banyo sinuka lahat ang kinain ko. Kinatok na ni mommy ang pinto pero hindi ko binuksan ito.

"Okay lang ako, Ma!" tugon ko at mukhang umalis na din siya.

Kinabahan akong bigla at tinitigan ang sarili sa salamin. I started counting when was my last menstruation. I know I'm always on time. Imposible naman. Kinuha ko ang cellpone na nasa bulsa at tiningnan ang huling petsa noong nakaraang buwan.

Shit na talaga! Napamura ako sa sarili. I am two weeks delayed and I didn't even noticed it. Bakita ko hindi napansin? Naging abala kasi ako sa lahat ng project na hinawakan ko. Mas kumalabog nang husto ang puso ko, at hindi pa naman ako sigurado. Kaya inayos kong mabilia ang sarili at lumabas na ako.

"What's wrong?" tanong ni mommy. Naupo agad ako sa pwesto.

"Did you skip your meals again, ate?" saad ni Xeejay.

Ganito kasi ako minsan. I always skip a meal but lately I couldn't. Kilala ng kapatid ko ang ganitong routine ko, kaya inakala niya ito.

"Oo, kahapon. Sobrang busy kasi," pagsisisnungaling ko.

"Huwag mo nga ibigay lahat ng trabaho sa anak mo, Benjamin!" pabagsak na tugon ni mommy kay daddy.

"Ngayon lang naman, Ma. After this week balik routine na naman 'di ba, dad?" ngiti ko kay daddy at natahimik lang din siya.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakatitig na sa akin si Sebastian. Natapos na din kaming maghapunan at sinamahan ko sa labas ng pool si Sebastian at Xeejay na masayang nag-kwentuhan.

"Ate, gimik tayo next weekend. Kasama si Sebastian. Sa El Nido tayo. Scuba diving at beach," tugon ng kapatid ko. Tumaas na ang kilay ko.

"At nag plano na talaga kayo ha?" pamaywang ko.Tumabi na si Sebastian sa akin.

"Sige na. Sumama ka na. Para makapag-relax ka naman," ngiti niya.

Natahimik ako at nag-isip nang saglit. Kung sa bagay wala na naman akong gagawin sa susunod na linggo.

"Okay!" ngiti ko.

Lumiwanag agad ang mukha ng kapatid ko.

"Okay? That's a deal ate and there's no turning back. I'll book straight away!"

Tumayo na agad siya at excited na umalis. I know what is he up to. Alam kong may plano ang baliw na kapatid ko. Sinunod ko siya nang tingin hanggang sa makapasok sa loob. Naiwan naman kaming dalawa ni Sebastian dito.

"Isabella can you please don't skip meals," agad na tugon ni Sebastian sa akin. Ngumiti na ako at umiwas sa titig niya.

"Sorry... Minsan kasi nakakalimutan ko na sa dami ng trabaho."

Natahimik na siya at rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Sana alagaan kang mabuti ni Charles, Isabella. Dahil ako noon sa'yo-" Hindi niya natapos ang sasabihin sana at natahimik na.

"Sorry, Sebastian," titig ko sa mga mata niya. "Sorry talaga..."

Napayuko na siya at pilit na ngumiti nang magtama ulit ang mata namin. I felt sorry for him. I am being honest to myself and I think those decision that I've made back then I have no regrets. Minahal ko si Sebastian at totoong minahal ko siya noon.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon