Chapter 48. Broken

3.2K 131 3
                                    




Broken


Pumasok ako sa ladies room at wala masyadong tao rito. Naghugas nang kamay at inayos ang sarili. Kinakabahan ako. hindi ko alam kung paano ko ito gagawin, pero bahala na.  Hindi ko yata kakayanin kapag engagement announce ang susunod. Pakiramdam ko kasi ito na ang mangyayari. Mali nga siguro ang pumarito ako. Sana hindi na lang ako pumunta rito.

Kinuha ko na ang cellphone ko at sa huling pagkakataon ay gusto kong mag-send ng mensahi sa kanya. Nabigla pa ako dahil ngayon ay 'seen' na lahat ang mensahi ko kay Charles. Nabasa na niya, at tiyak ngayon lang din ito niya nabasa.

Kinabahan na ako at naghintay ako ng iilang minuto rito sa loob ng toilet. Nagbabasakali na mag reply siya sa lahat ng mga mensahi ko. Pero pagkaraan ng sampung minuto ay wala pa, kaya nag mensahi na ako sa kanya.

My text to Charles:

Charles, babe. Magparamdam ka naman. Ang sakit na... Magpapaalam na ba tayo sa isa't-isa? Ito na ba ang huli natin dalawa?

Nanginig pa ang kamay ko nang ma-send ito. Tumingala na ako at pilit na pinigilan ang luha ko. Tinitigan ko ulit ang mukha sa salamin. Namula na ang mga mata ko, at konting-konti na lang iiyak na ako.

Kaya mo ito, Isabella. Isip ko. Huminga na ako ng malalim at lumabas na.

Nagpalakpakan ang lahat nang maglakad ako palapit sa event hall. Kumalabog ng husto ang puso ko nang makita sa harap ng stage sina Charles at Tracy, at pati na rin ang mga magulang nila.

Napako agad ako sa kinatatayuan ko at parang nabasag lang ang puso ko. Hindi siya nakangiti at seryoso lang din na nakatitig sa harapan ng iilang katao. Nakahawak si tracy sa braso niya at nakaharap sila ng maayos sa lahat. Panay ang kuha ng picture sa kanila at ngiting-ngiti naman si Tracy rito.

Ewan ko kong ano ang nangyayari. Huli na 'ata sa naganap na annonsyo. Wala na kasi akong narinig at parang tapos na ang pinaka-importanteng announcecment. Gusto kong humakbang palayo at umalis na. Kanina, plano ko na gustong kausapin si Charles. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang malabo na ito.

Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko at ang sakit na ng dibdib ko. Ang akala ko kaya ko, pero hindi pala. Ang makita siya sa harap na kasama si Tracy at ang mga magulang nila ay hindi ko kaya...

Pilit na pinigilan ko ang luha at yuyuko na sana ako nang magtagpo ang mga mata namin dalawa. Nahinto ang direksyon niya sa akin na parang hindi makapaniwala na nakikita niya ako ngayon. Nagtitigan kami ng iilang secondo at nagtatanong ang bawat titi ko.

Bakit Charles? Ang tagal kitang hinintay Charles. Hindi mo na ba ako mahal? Gaano ba kahirap na sabihin sa akin ito? At bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Napayuko na ako at mabilis akong umiwas. Tumalikod at mahinang humakbang palayo. Nang makalabas ako sa grand hall ay binilisan ko na ang hakbang ko. 

Panay ay patak ng luha ko at hindi ko na napigilan ito. Halos hindi ko na nga makita ang dinadaanan ko dahil hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Bwesit nga naman! Kamuntik pa tuloy akong madapa dahil sa haba ng heels na suot ko ngayon. Kaya nahinto ako at  tinangal na agad ito. Nakapaa na akong nakaapak sa lupa.

"Bakit ang layo ng parking lot? Kainis!" hikbi ko at reklamo ko. Gusto ko na kasing umuwi at gusto ko nang umalis rito. Kinuha ko ang susi sa pouch ko pero nahulog ito. Kung malas ka nga naman oh! Isip ko.

Napahinto ako at yumuko na. Hindi ko tuloy makita kong saang bahagi ito nahulog.

"Ano ba! Magpakita ka na! Nakakainis ka!" mura ko habang kinakapa ang lupa. Kung may makakakita man sa akin ngayon para akong baliw rito! Hanggang sa naramdaman ko ito at napatayo na ako.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon