Chapter 46. Arrival

4.4K 200 35
                                    




Arrival


USAP-USAPAN sa opisina ni daddy ang pangalan ko. Maliban kasi sa OJT ako, special treatment pa. Kaloka. I don't need the attention!

Iyong iba may edad na, iyong iba naman mga bata pa, at oo maraming gwapo! Inhenyero ka nga naman 'di ba.

Martes ngayon at half day lang ang pasok ko kaya dumiretso ako sa opisina ni daddy. Binigyan niya ako ng sangkatutak na trabaho na parang hindi niya ako anak! Puro papeles at papeles na ang e-organisa ko.

Pasulyap-sulyap din ako sa cellphone ko. Nagbabakasakali na makatangap ng mensahi galing kay Charles. Pero nag-alas singko na lang ng hapon wala pa rin. As in, wala talaga! Araw-araw na ako nag me-message sa kanya, pero lahat ng ito ay puro unseen pa. Ang totoo galit na ako. Galit na ako kay Charles ngayon!

"Sebastian," umigting ang tainga ko nang marining ang pangalan niya. Kaya napalingon agad ako sa banda na kung nasaan si daddy nakaupo.

Nasa loob kasi ako ng opisina ni daddy, sa gilid, at inaayos ang sangkatutak na papelis niya. Tumayo siya at sinlubong si Sebastian. Napatitig pa tuloy ako kay Sebastian ngayon at ganoon din siya sa akin. Umiwas na ako at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

Naupo sila sa mesa pabalik ni daddy.

"How long you gonna stay here, hijo?" rinig kong tanong ni daddy sa kanya.

"Good for two weeks, Sir."

Ayaw kong makining sa pinag-uusapan nila dahil project naman ito. Kaso hindi ko makuhang magpabingi-bingihan.  Paminsan-minsan tumutingin din ako sa kanila, at nakikita ko ang mga mata si Sebastian na umiidlip din nang tingin sa banda ko. Napansin siguro ni daddy ito.

"Ahm, she's my daughter. Binibigyan ko ng responsibilidad," ngisi ni daddy na siya namang pagtingin ko sa kanila at ngumiti na ako.

"Kilala ko po anak niyo, Sir," tugon ni Sebastian na nakangiti sa daddy ko.

May pagkabigla sa mukha ni daddy. Ngumiti na ako, ala fake smile. Bwesit talaga to si Sebastian oh! Gusto ko rin sana siyang kausapin, baka sakaling may alam siya sa nangyayari kay Charles. Pero nakakahiya naman atang magtanong sa kanya. Baka sabihin pa na niya atat ako! E, hindi naman.

Nang magpaalam na siya kay daddy at lumabas na ay tumayo agad ako.

"Dad, labas muna ako!"

Mabilis kong binuksan ang pinto sa opisinani daddy para naman maabutan ko si Sebastian. Nakikita ko siyang papasok na sa elevator.

"Sebastian wait!"

Nahinto siya at nilingon ako. Nakapamaywang pa siyang huminto at naghintay sa akin. Nakangiti rin.

"Pwede bang mag tanong?" saad ko, hiningal pa ako.

"Sure," pormal na ngiti niya at titig sa kabuuan ko.

"May balita ka ba kay Charles?"

Kumunot na ang noo niya sa tanong ko. Bakit? May mali ba sa tanong ko? E, magpinsan naman sila 'di ba? Isip ko.

"Hmm? I think he will be here this week," saad niya.

Nabigla ako sa narinig. He's coming home and I don't know? Napanganga akong tumango sa kanya na wala sa sarili.

"A-Ah, okay. S-Sige salamat," sabay yuko at talikod ko sa kanya.

"Isabella." 

Napalingon ulit ako dahil sa tawag niya.

"Is there something wrong?"

"Ha? Wala!" ngiti ko. "Sige salamat, Savy," sabay lakad ko palayo sa kanya.

The Trouble with Love (BBHS1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon