Prologo

687 21 4
                                    

"Dito ka lang muna anak ah?" Tumango-tango ako kay Mama. Sa ilalim ng kanyang maitim at malaking shades ay kitang-kita na sobra siyang seryoso. I let her leave, I don't have a choice. Kapag humindi ako, papagalitan na naman nya ako. Lumabas na sya. Kita ko mula sa kotse na pinuntahan nya ang bahay na tinigilan ng aming kotse.

Maganda ang bahay. Pero parang sobrang tahimik. Umiling-iling na lang ako at binalewala iyon. Kanina ay bigla na lamang pumasok sa kwarto ko si Mama at inempake ang aking mga damit. Sapilitan nya din akong pinaligo at pinag-ayos. I'm old enough to understand that we are leaving our house. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kami nakatigil sa harap ng bahay na ito. Bakit pumasok dyan si Mama?

At bakit... bakit hindi kasama si Papa?

"Huwag ka ng malungkot," pag-aalo ni Manang Sisa sa akin. Sinama ni Mama si Manang Sisa at isa naming driver paalis ng bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala akong kaide-ideya kung saan.

"Ano po ba ang talagang nangyayari? Hindi ko po talaga maintindihan," Nagsisimula ng mabuo ang mga luha sa aking mga mata. May kutob ako sa lahat ng mga nangyayari, pero hindi! Hindi naman siguro...

"Wala ako sa lugar para sabihin iyan," ani Manang Sisa sabay ngiti at haplos sa buhok ko. "Pero.... Manang Sisa, gulong-gulo na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko maintindihan!" Iyak ko sa kanya.

Ngumiti ulit sya sa'kin ngunit kita ko ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Sasabihin ko sa iyo. Huminahon ka lang." Inabot nya sa'kin ang baon naming tubig. At habang iniinom ko iyon ay hinahagod nya ang likod ko.

"Hindi ko alam ang buong detalye. Ang alam ko lamang ay balak ng maghiwalay ng Papa at Mama mo." Naawa nya akong tiningnan. Umiling-iling ako at ang mga luha ko ay namuo na naman. T-teka...Bakit naman? Maghihiwalay sila? P-paano naman ako?

Niloloko ko ang sarili ko kapag sinabi kong wala akong nakikitang mali sa relasyon nila. Hindi man nila pinapakita sa akin ang mga problema, alam kong may nangyayari na. Araw-araw kong naririnig ang sigawan nila tuwing gabi. Akala nila siguro tulog na ako ng mga panahong yun. May mga pagkakataon din na wala talaga kaming salitaan tuwing kumakain sa hapag. Akala nila siguro, iniisip kong normal lang iyon dahil pareho naman silang tahimik na mga tao.

Marami akong nakikitang senyales ng problema, ang hindi ko lang makita ay ang dahilan. Dahilan kung bakit may problema...

"Pasensya na, Christine..." Niyakap ako ni Manang. Sa panahong ito, sya ang nasasandalan ko. Habang yakap nya ako, tinanaw ko ang bahay na pinuntahan ni Mommy. Ito nga siguro ang dahilan.

"Batid kong alam mo na pinagkasundo lamang ang kasal ng iyong mga magulang." Panimula nya. Ayun ba ang dahilan? Dahil lang sa pinagkasundo sila?

"Dahil po ba iyon sa pinagkasundo lamang sila? Hindi po nag-work out? Bakit po?" Naiiyak kong tanong. Ayaw kong maipit sa sitwasyon. Bakit hindi sila nag-work out? Buti pa ang iba, tulad ni Ayesha. Pinagkasundo din naman ang mga magulang nya, ah? Tingnan mo ngayon, masayang-masaya sila.

"Noong kabataan ng Mama mo, may mahal siyang lalaki. Sobra nya iyong mahal na kahit ang magulang nya ay kaya nyang suwayin. Tutol si Madame Claveria sa relasyon ng dalawa kahit na mayaman naman ito, lahat naman kasi halos ng mayayaman ay gusto ang ka-uri nilang mayaman. Ang sabi, may personal na dahilan si Madame Claveria kaya tutol sya sa pag-iibigan nila." Paliwanag ni Manang. Bawat salita nya ay tumatagos sa puso ko at bumabaon sa utak ko. Sino ang lalaking iyon?

"Matalino kang bata. Alam kong naiintindihan mo ang nangyayari kahit labing-isang taong gulang ka palang," aniya. Nilagay nya ang buhok na tumatabing sa mukha ko sa likod ng aking tenga. Nararamdaman kong namumuo ang galit ko. Who the hell is that man? Balak niya bang sirain ang pamilya ko? Ang lalaki bang iyon ang ipinunta ni Mama dito?

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon