Banner
Hinawakan nya ang kamay ko. Tila nakuryente ako. Sya lang ang nakapagparamdam sa'kin nito. Sya lang...
"Let's go..." Tumakbo na kami. Baka mahuli na kami sa game! Nagtataka pa ang mga tao nung makita kami. They thought, hindi na lalaro si Tao.
Hindi pa nagsisimula ang laro nung nakarating kami. Agad akong pinaupo ni Tao sa bench. Nandun na din pala si Ayesha at Rayah. "Akala ko dun ang pwesto nyo?" Di nila pinansin ang sinabi ko.
Ngumisi silang dalawa "Ano naman ang sinabi mo at napapayag mong bumalik yan?" Umiling ako. Ayaw ko munang magkwento at bibigyan nila ng malisya.
Napatingin ako sa kalaban ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nung makitang nakatingin si Kyle kahit na may kausap sya.
Kyle is my ex-boyfriend. Galing sya sa isang kilalang pamilya. Ipinagkanulo kami sa isa't-isa dahil parehong tanyag ang aming kompanya sa bansa.
Nagustuhan ko sya at ganun din sya sa'kin. Naging kami kahit na alam kong mapaglaro ito. Alam ko namang nagbago sya. Nagbago sya dahil sa'kin. Pero nung bumagsak ang kompanya nila, nag-iba ang lahat. Hindi na din itinuloy ang engagement. At ang masakit, iniwan nya ako na walang sinasabi na kahit ano!
Hinubad ni Tao ang jacket nya. Nagtry-out na sya kanina kaya nasa harapan ko sya ngayon at nagtatatalon. Pinaiikot nya ang ulo nya habang nakatingin sa'kin. Tinawanan ko sya ngunit nanatili ang seryoso nyang mukha.
Amoy na amoy ko ang kanyang pamango mula dito. I wonder kung anong pamango iyon.
Tumunog na ang buzzer, hudyat na uumpisahan na ang game. Tumango ako sa kanya bilang paalam. He bent down at nagpantay ang titig namin. Umiwas ako ng tingin. "Para sa'yo to!"
Tumaas bahagya ang kilay ko. Nakangisi sya nung umalis sya. Umiling na lang ako at 'di makapaniwala. Bakit ganito kami ngayon?
Kilala kami dahil sa magkaaway kami! Pero bakit iba ngayon? Anong nangyari? Kailan ba nagsimula?
Si Tao, Xiumin, Luhan, Kris at Kai ang first five namin. Naglaban sa jump ball si Kris pati yung isang player ng kalaban. Rinig na rinig ko ang cheer kay Kai noong nakuha nya ang bola.
Sa kasamaang palad, nakuha ng kalaban ang bola. Swift move! Ang bilis naman!
"Malalakas ang Red Warriors ngayon! Dahil na 'rin siguro sa sobrang higpit na training!" ani isang lalaki na nakasuot ng cup ng Exo. Napatingin ako sa direksyon ni Tao na nakatingin din sa'kin. Umiwas agad sya ng tingin at nakangiting nagpatuloy sa game. I know he can do that!
"Lagdameo for 2 points!" Masiglang bati nung Announcer. Unang puntos ang kalaban. Kinuha agad ni Luhan ang bola. Nagtatakbo ito habang chinicheer ng girlfriend nya. Kita ko ang ngiting sumilay sa kanyang labi.
"Luhan for 3 points!" Umingay ang crowd namin. Kita ko pa yung baklang sumali sa pagagawa ng banner na nagsasasayaw! I laughed at napansin nya ako kaya kumaway siya sa akin. Tinuro pa nya si Tao na tinawanan ko na lang.
"Mainit ang laban, Coach. Ni hindi namin alam na nakabalik na pala yang si Choi!" ani Chanyeol sa malalim na boses. Si Kyle David Choi ay magaling na basketball player. Hindi ko maitatanggi yun tuwing nanonood ako ng game nya. Mabilis syang gumalaw at maraming tricks ang kanyang alam. Madalas matalo ang Exo kapag sila ang kalaban.
Nakakakaba! Sana pala ay hindi ko na lang yun sinabi kay Tao! Sana pala ay hindi ko na siya hinamon!
"Dapat pala ay mas natutukan ko kayo sa ensayo. Hindi tayo masyadong nakapag-ensayo! Kaya okay lang sa akin kung matalo ngayon!" ani Coach sabay cross arms. Prenteng-prente sya sa pagkakaupo nya. Hindi na sya nag-aalala kung matalo sila o ano.
Mainit ang laban. Halinhinan lang sila sa pagkuha ng puntos. Mas lalo akong kinabahan nung nasagi nung kalaban si Kai na dahilan ng pagkakasama ng bagsak nito. "Hindi tinawagan ng foul?" Tanong ni D.O. na parang galit na. Hinampas nya pa ang bench gamit ang damit nya.
"Timeout! EXO!" Agad na lumapit sa akin si Tao. Kitang-kita ko ang paglingon ng lahat sa amin. Ang mga teamates nya, fans, pati ang mga nasa kabilang bench. Nakita ko pa ang mata ni Kyle na nakatingin sa amin.
"Pawis na pawis ka!" Sabi ko sabay hablot ng tuwalya nya at pinunasan ko sya. Tumikhim sya at kinuha ang tuwalya. Umiling ako sa ginawa nyang pang-aagaw "Let me..."
Kitang-kita ko ang pagtigil ng lahat para tingnan kami. Siniko pa ako ni Yesha ngunit binalewala ko na lamang sila. Pinunasan ko ang likod ni Tao na nakangisi na ngayon. "Hindi ko alam na hinire kita bilang tagapunas ng pawis ko!"
Tinitigan ko sya ng masama "Kailangan pa pala nun," Ngumuso ako habang pinagtataasan nya ako ng kilay "Pwede po ba akong maging inyong tagapunas, kamahalan?" Ngumisi ako. Willing po ako, kamahalan!
"Edi, araw-araw na lang pala akong magpapapawis!" Nginisian nya ako. Umalis na sya dahil tinatawag na sya ng team nya. Namula ang pisngi ko sa sinabi nya. Seryoso sya dun?
Kita ko ang pag-aalab ng mata ni Kyle kay Tao. "Mukhang nagkaka-initan si Tao at Choi dahil sa laro ah?" ani Coach nung napansin ang labanan ng dalawa. Nagtatawanan silang lahat "Dahil nga ba sa laro, Coach?" Boses iyon ni Kris. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at nakita ko ang mga ngisi nila.
Naintindihan ko yun! Hindi ako slow! Hindi din naman sa nag-assume pero... Ex ko si Kyle at iniisip ng lahat na kami ni Tao!
"Dinaig nyo pa kami!" ani Yesha sabay ngisi sa'kin. Umiling na lang ako sa kanya. Masyado ng preoccupied ang isip ko. Hanggang sa naalala ko kung paano kami nagtapos ni Kyle. M-mahal nya pa kaya ako?
Nagulat ako sa sigawan ng madla. Hindi dahil sa pagpuntos ni Chen kundi dahil sa pagkahilata ni Tao sa court. Agad na tinawagan ng foul si Kyle. Naguluhan ako. Anong nangyari?
Dinala ako ng aking paa kay Tao. "Tao!" tawag ko. Kitang-kita ko ang mariing pagpikit nya habang nakahawak sa kanyang tyan. Anong ginawa ni Kyle?
Umangat ang tingin ko kay Kyle. "It's an accident, Christine. Kasalanan ko bang hahara-hara sya?" Kumulo ang dugo ko. Aksidente? Baka naman sinasadya mo? Hahara-hara? Kasali yun sa moves ng isang basketbolista! Para maiwasan ang kalaban sa pagpuntos!
Marami akong gustong sabihin kay Kyle pero pinili kong harapin si Tao. "Tao! Tayo sa ospital!" Yaya ko. Papatayuin ko sana sya kaso nagsalita si Kyle "Ano ba yan? Konting dagil lang ospital agad? Lamya naman!" Kitang-kita ko ang pag-alab ng tingin ni Tao kay Kyle.
"Halika na, Tao!" Yaya ko ulit. Tiningnan nya ako gamit ang mapanuyong mata. Umiling sya sa'kin "Kaya ko pa! Konting dagil lang naman eh!" Aniya at walang kahirap-hirap na tumayo. Bumalik na ako sa bench ngunit nakakunot pa'rin ang noo ko. If he's thinking about our deal, huwag na nyang ituloy!
"Sabi na nga ba! Tingnan nyo oh! Mas lalong nag-init si Kyle!" Sang-ayon ako kay Kris. Kita ko ulit ang pagtingin nya sa'kin. Binalewala ko na lang ulit yun at tiningnan si Tao na naipasok ang bola.
Tumayo ako at pumalakpak "Go Tao!" Tumingin sya sa'kin pagkatapos ay tumingin din sya sa likuran ko. Ngumisi sya dun at nagpatuloy sa paglalaro. Tiningnan ko kung ano ang tiningnan nya kanina. And then, i saw his banner! Na kasama ang mga pictures na pinili ko kanina!
Agad akong namula. Shit lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/33718327-288-k339653.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...