Jealous
Sa mga minors ay madalas kong kaklase ang barkada. Tama nga ang sabi ni Tao, kaklase ko sya sa lahat ng subject. Madalas syang tumatabi sa'kin at 'di ko matatanging pangit ang paghinga ko kapag katabi ko sya!
"Aalis ka na?" Tanong nya nung ni-dismiss na kami nung last subject. Tinulungan nya pa ako sa pagliligpit ng gamit ko.
Tumango ako. Aalis na sana ako kaso hinila nya ako pabalik. "Hindi ba nagtext si Ayesha sa'yo? Sa tambayan daw muna tayo, ah?" Aniya.
Pinagtaasan nya pa ako ng kilay. Natanggap ko yun pero hindi talaga ako makahinga lalo na 'pag kasama si Tao! Hindi ko alam kung bakit naging ganto. Tila nag-iba ang ihip ng hangin.
Alright! Dati pa ito pero lumalala ngayon.
"Masama nga ang pakiramdam ko!" Pagdadahilan ko. Aalis na sana ako kaso hinila nya ulit ako. Nauntog ako sa kanyang matigas na dibdib. Napahawak ako dun dahil muntik na akong matumba.
Hinawakan nya ang noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat! Ano bang nararamdaman mo?" Naninikip ang dibdib ko dahil sa'yo! Pinilig ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip. Kailan pa ako naging ganito?
"I can drive you home! Hindi na din ako pupunta! Sasamahan na kita--" Agad ko syang pinutol. Umiling ako.
"Kaya ko ang sarili ko, Tao! You don't need to do that!" Giit ko. Aalis na sana ulit ako kaso hinila nya ulit ako.
Umiling din sya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa'kin. "You're tired. Ni hindi ka nga nagdala ng sarili mong kotse!"
Napapikit ako ng mariin. Wala talaga akong takas. "Sasama na lang ako sa tambayan!" Binilisan ko ang paglalakad ko. Ramdam ko ang paghabol nya sa'kin sa likod ko.
"Tine!" bati nila sa'kin nung nakarating ako sa tambayan. Maliit itong kubo. Hindi mainit dito at payapa kaya ito ang napili naming tambayan.
Binigyan ako ng pagkain. Nagtaka pa ako nung wala si Tao sa likod ko. "Where's Tao?" Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko alam kung asan sya. Akala ko ba nasa likuran ko lang sya?
"Guys!" Bati ng isang pamilyar na boses. Hindi ko iyon nilingon. Kilala ko na agad kung sino iyon. Nagulat ako nung may nakitang nakasunod na babae sa kanya, pero hindi ko iyon pinahalata. Hawak-hawak nya ang kamay noong babae. Kanina may bagong babae tapos may bago na ulit ngayon? By hour ba ito?
This is one of the hundred reasons why i hate Tao. He's a Casanova.
Tumikhim si Ayesha at Luhan. Tumabi sila sa akin at hinayaang umupo si Tao at yung bago nyang bingwit sa dati nilang pwesto, sa harap ko... Sa harap ko pa talaga!
Kinain ko na lang ang chicharon na binigay sa'kin kanina. "Guys!" Ani Luhan sabay ngiti. Pinakita ni Ayesha ang singsing na binigay yata ni Luhan. S-sila na?
Ngumuso ako. "Talaga?" Tumango sila. Kitang-kita ko ang ningning sa kanilang mga mata. Hinilig pa ni Yesha ang ulo nya sa dibdib ni Luhan. Napainom ako sa softdrinks ko. Matagal na naman silang nagmamahalan pero ngayon lang sya sinagot ni Ayesha. Pero sabagay, worth it din naman ang paghihintay.
"Kailan pa?" Tanong ko. Ewan ko pero nagmukhang bitter ang tono ko.
"Kahapon lang!" Ngiti ulit nila.
Ngumisi ako. "Congrats!" Kung maayos lang sana ang pakiramdam ko ay marami akong nasabi. Kaso wala eh! Hindi maayos ang pakidamdam ko at sigurado akong hindi dahil sa pagod 'to!
"Everyone! This is Yvette Antonia Guerrero. One of the Dean's Lister in General Engineering!" Pagmamalaki ni Tao. Sinong nagtanong? Sinong may pake? Napairap na lang ako ng palihim. Why am i suddenly like this? I sounded like... like... like a jealous women! Damn!
"Kilala din ang pamilya nya sa Pilipinas dahil sa resort nila. Resort De Guerrero." Oh. Kilala din naman ang mga magulang ko sa industriya ng kompanya. Nagkibit-balikat ako at uminom ulit ng softdrinks. Kunwari'y hindi nakikinig.
"Na-feature din sya bilang isa sa pinakabatang namahala sa kompanya noong nawala ang kanyang Papa." So? Pakihanap ng pake ko! I can manage the company too. And why am i comparing myself to her?
"Marami na din syang napanalunan na mga beauty contest. So far, nanalo sya sa Asian Girls. Champion! Right, Yvette?" Tumawa si Yvette. "Yes, because i want to stand out on my own. Ang pagmomodel talaga ang passion ko. Ayaw kong makikilala lang ako dahil sa pangalan na dala-dala ko!" Tumaas ang kilay ko. I think, she's good. Pero, ewan ko at ayaw ko sa kanya!
Halata namang nakakasali ito sa mga pagandahan na yan. Sa kanyang tindig at aura ay alam mo na kaagad! Kakulay na ng nyebe ang kanyang balat. Ang kanyang buhok ay natural na kulay dark brown at natural ang pagkakulot sa dulo. Ang kanyang katawan na parang bote ng coke. Ang kanyang pouty at natural na pula na kanyang labi. Ang kanyang matangos na ilong. Ang kanyang kulay abelyanang mga mata. Para laging nagniningning ang kanyang mga mata, para laging basa! Her thick eyelashes that make their way to define her eyes. The perfect shape of her eyebrows. Mula dito din ay maamoy mo ang nakakaakit na amoy ng pamango nya! It almost makes me drool! Nakakapangliit tuloy!
She's so perfect. Nasa kanya na ang lahat. Ano pang hahanapin ng iba sa kanya?
"Tao is maybe real serious about you. Pinakilala ka nya ng pormal sa amin!" Tawa ni Rayah. What? Halos maduwal ko ang lahat ng kinain ko! Kita kong medyo siniko ni Xiumin ang nobya.
Baka nga. Hindi naman sya ganto sa babae. Yung ipakikilala nya sa pormal na paraan?
Humagikhik si Yvette. May binulong sa kanya si Tao at 'di ko alam pero feeling ko ay may imaginary na usok ang lumabas sa aking tainga at ilong.
"Tine, ayos ka lang ba? Kanina ka pang namumutla ah?" Napatingin ako sa seryosong si Xiumin. Lumapit pa sya sa'kin at chineck ako. Tinabig ko ang kamay nya. Nagulat pa sya nung ginawa ko iyon.
"P-pupunta lang ako ng restroom. S-sorry!" Agad kong kinuha ang bag ko. Hindi ko na pinansin ang mga reaksyon nila. Umalis na agad ako doon! Fuck! Gusto ko na lang talaga na umalis dun! It's like living in hell!
Humarap ako sa salamin ng C.R. Unti-unting pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Bigla-bigla na lang itong pumatak! Dahil siguro sa pananakit ng ulo na nagsisimula na ngayon.
Agad ko yung pinawi kaso lagi iyong napapalitan ng panibago. Nagulat ako nung padarag na bumukas ang pinto ng ladies C.R. Napakapit ako sa lababo ng C.R. dahil sa gulat.
Unti-unting humina ang tuhod ko. Kitang-kita ko ang dilim sa kanyang mata. Nagagalit ba sya? Nagagalit ba sya sa'kin?
Hinarap ko sya nung wala ng bakas ng luha ang aking mga mata. "Why are you here? Ladies C.R 'to? Lady ka?" I tried to joke. Pilit pa akong tumawa sa sarili kong joke. Pero nagmukha lang akong tanga dahil ako lang yung masaya.
Tumigil ako nung 'di sya natawa. Nanatili ang seryoso nyang mukha. Lumapit sya sa'kin. Umatras ako at muntik na akong madulas kung hindi lang agad na nakaagapay ang matigas nyang kamay.
"Careful!" Aniya. Nakatingin sya sa aking mga mata ngunit 'di ako makatingin sa kanya!
Inayos nya ako. Aalis na sana ako nung hinila nya ako at kinulong gamit ang mga kamay nya. Nanlaki ang mga mata ko. Halos marinig ko na ang heartbeats ko! Ang bibilis nila ngayon! "A-are you jealous, Christine?"
Mas lalong lumakas ang kabog nito. Where's Yvette, by the way? Hindi ba dapat magkasama sila ngayon? Bakit nandito si Tao at sinundan ako?
Hinarap nya ako sa kanya. Tumungo sya para magkatitigan kami. Nilipat ko ang tingin ko sa iba pero inangat nya ang baba ko. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin!
"Are you jealous?" Seryosong tanong nya. Napalunok ako. Hindi na halos ako makahinga. Umiling ako. Hindi ko masabi, kasi parang yun naman talaga ang totoo! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
Unti-unti nyang binitawan ang chin ko. Umiwas agad ako ng tingin at tumikhim.
"Let me drive you home, then. I know you're tired..."
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...