Para sa akin
Lumipas ang mga araw. Ganun pa'rin naman. Normal pa'rin. Si Tao lang yung nagbago. Madalas na kaming magkasama 'pag naglulunch. Madalas nya akong hinahatid at sinusundo. Minsan nga ay nagtataka ako kung may asan na ang flavor of the week nya.
"Halika! Tulungan natin sila!" Ani Yesha sabay hila sa'kin patungo sa mga babaeng nagagawa ng kung ano-ano. Nakita kong mga banner iyon para sa laban ng Basketball Team ng School dito mismo sa aming paaralan.
"Mabuti at dito yan ginanap! Hindi tayo makakabawas sa pamasahe!" ani Rayah sabay halakhak. Ayesha and Rayah are very supportive when it comes to their boyfriends! Napapanguso na lang ako. Wala naman akong boyfriend eh.
"Hi!" bati ni Yesha sabay upo din sa hagdanan. Tiningnan nya ang mga banner. Abot tenga ang ngiti nung mga babaeng nagagawa ng banner, may mga beki din pala.
"Hello Ate Yesha!" Sabay-sabay nilang bati. Mabuti na lang at mababait sila. Tanggap nila na may mga girlfriends ang mga idolo nila. Although, may mga taong hindi tanggap.
"Hello Ate Rayah!" Sabay-sabay nilang bati. Tumingin sila sa akin. "Hello Ate Christine!" Biniro pa ako ng mga titig ni Ayesha. Inilingan ko na lang sya at nginitian ko ang lahat.
"Ano yan?" Pinakita nila sa'min ang mga ginawa nilang banner. Magaganda ang mga ito kaya napapangiti ako. May nakita pa ako dun na para kay Tao!
Tuwang-tuwa ang dalawa dahil may nakalagay na picture nila ng kanilang mga boyfriends sa banner. Sayang-saya sila noh? Para daw pala ganahan ang mga boyfriends nila sa paglalaro, kaya ganun..
Hinagis ni Ayesha ang kulay black na lobo. Nasa plastic pa ito at 'di pa nalalagyan ng hangin. Kumuha ako ng isa at binombahan. Tinabi ko iyon. Gagamitin ko mamaya para makapag-cheer.
"Ate, anong gusto mo dito?" May pinakita syang bunch of pictures. Nagulat ako nung makitang sobrang dami nun. Binuklat ko isa-isa. Mga picture namin mula pagkabata hanggang paglaki. Madalas kaming pinipicturan na magkasama dahil anila, bagay daw kami.
Natatawa ako dahil halos sa lahat ng mga pictures ay nagbabangayan kami. Kadalasan ay yung nagkukurotan kami ng pisngi. Meron ding hila-hila nya ang buhok kong nakatirintas. Meron namang nakasakay ako sa kanya. Merong nakapiggy backride. Ayos iyon! Kaso pagkatapos kaming picturan noon, kinalas nya agad ako kaya sumakit ang pwet ko.
Pinili ko yun. Pinili ko ang pic na nagkukurotan kami ng pisngi. Pinili ko din ang Graduation Pic namin nung Elementary na kung saan ay kinurot nya ako pagkatapos. Pinili ko din ang Graduation Pic namin nung High School. Pareho kaming nakaupo sa monobloc chair. Wala syang pang-aasar na ginawa pagkatapos nun.
Puro sina Ayesha at Rayah ang nagtake nun.
"Bagay kayo ni Kuya Tao!" Ngiti nung bakla sa akin. Umiling ako at tumawa naman. B-bagay? Kami? Dati pa naman nyang sinasabi pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?
Tumulong na ako sa pagbobomba ng lobo. Ang samahan nila ay nag-insist na sila na lang ang gumawa nun pero 'di namin hinayaan. Gusto naming tumulong!
Mabilis na natapos ang oras ng klase. Nagbihis agad kami ng kulay black na tshirt. Isang paraan ng pagsuporta sa Exo, ang kanilang basketball team.
Si Tao ang Team Captain nila. Hindi ko alam kung magaling ba sya o hindi. Pero sa tingin ko naman ay magaling. Paano sya magiging Team Captain kung 'di sya magaling di'ba?
Pumalakpak sila paglabas ko. Bagay daw sa'kin. Bagay daw sa'kin ang jersey-like na damit na ito na may nakatatak na "Huang" sa likod, apelyido ni Tao. Agad nila akong hinila. May pinareserve na upuan para sa amin! Hindi ko alam kung sino ang nag-reserve.
Hindi pa nagsisimula ang laban. Kinakabahan ako at 'di ko alam kung bakit.
"Kailan magstart?" Rinig kong tanong ni Ayesha kay Luhan. Nagkibit-balikat si Luhan. "'Pag nakadating na yata ang kalaban." Aniya. Pinirmi ko ang tingin ko sa court. Nagulat pa ako nung sumulpot si Tao sa unahan ko. Sumisigaw pa si Rayah at Xiumin na bigyan ko daw sya ng Goodluck Kiss. Iniirapan ko ang dalawa at feeling ko ay namumula ako.
"G-goodluck.." Sabi ko at nginitian sya. Umiwas na agad ako ng tingin. Nakakahiya! Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko!
"Saya tingnan ng apelyido ko kapag sa'yo.." bulong nya. Nakita pala niya ang suot ko. Nanlaki ang mga mata ko at kinagat ang labi ko. Di ko maiwasan ang tingnan sya!
"Wish me goodluck, please...Kinakabahan talaga ako at ngayon lang ako nagkaganito." Kumunot ang noo ko at natawa. Hindi nya naramdaman yun?
"Goodluck nga, di'ba? Na-goodluck na kita kanina!" Sabi ko at iniwas ulit ang tingin. Umingay bigla ang crowd nung nasa kabila, kung saan naandun ang supporters ng kalaban nina Tao.
Hinawakan ni Tao ng mahigpit ang kamay ko. Inabangan ko ang pagpasok ng kalaban.
Nangatog ako. Sana pala ay hindi na ako pumunta. I didn't know. Hindi ko talaga alam. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kilig, dahil sa galit!
Niyakap nya ako galing sa likod. Doon natuon ang atensyon ko. Hindi na ako makangiti. Hindi ako lumuluha dahil masyado na akong namanhid. Naubos na ata ang luha ko.
"Tao! Magsisimula na ang laban!" Hinarap ko ang lalaking nakayakap sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nya. "Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang ako. Pumunta ka na. Iwan mo na ako. Mag-umpisa na ang game." Hinarap nya ako sa kanya. Hindi ako na-inform na may mga puso pala ang Casanova!
"Hey...look at me," aniya at hinarap ako sa kanya. "Mas mahalaga ka kaysa sa game..." Namaos ang boses nya. Tinitigan ko sya at hindi ako makapaniwalang sobrang lakas ng epekto nya sa'kin! Ano ba ang nangyari? Tila nag-iba ang ihip ng hangin.
"Tao..." tawag ni Luhan. Itinaas ni Tao ang kamay nya para patigilin si Luhan. Hinawakan nya ang magkabilang-pisngi ko. "Umalis tayo!"
Hinila nya ako pababa. "Umalis na tayo!" Sabi nya ulit at hinila ako pababa. Pumunta sya kay Luhan. "Hindi ako lalaro. Sorry." Aalis na sana sya.
Bakit aalis kami? Tinitingala sya ng lahat dahil dito! Mahalaga 'to sa kanya dahil ito ang gusto nya. Mahal na mahal nya ito. Hindi nya dapat biguin ang mga kaibigan nya, fans nya at si Coach ng dahil lang sa 'di ako kumportable.
"Tao, let's go back. I'm okay..." Sabi ko at pinatigil sya sa paglalakad. Mas lalong sumingkit ang mga magagandang mata nya. Umiling sya at natawa. "You can't fool me, Christine. I know you're not!" Ewan ko kung bakit bawat salitang binibitawan nya ay sobrang lakas ng epekto sa akin. Lahat sa kanya ay malakas ang epekto.
Niyakap nya ako. Hinagod ko ang likod nya. "Talunin mo sya para sa akin!" Bulong ko. Pumikit ako at kinagat ang labi. Kung yun ang makakapagpabalik sa kanya sa laro, iyon na lang ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
ФанфикLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...