I'm dedicating this part, actually, the whole story to my bestfriend, Christine Faye! She's been with me since day one! Thank you for giving me strength to write every single part of this story. I love you! Hihihi!
Shoot
Halos wala akong ginawa noong dumating ang Martes. Bumisita lang ako sa kompanya namin kasama ang maraming mga bodyguards. Umakyat ako sa office ni Papa para sana doon magpalipas. Someday, i will rule this company. At alam kong magagawa ko ito ng maayos.
I was about to enter but i was interrupted by my father's secretary. "Miss Christine," she called.
I stopped, napakalapit ko na doon at isang pihit na lang sa doorknob ay naandon na ako. Pero hinarap ko siya. Hindi naman porke anak ako ng may-ari ay basta-basta na lang ako papasok at makikigulo. Minsan lang ako hinaharangan ng sekretarya niya at madalas ay sobrang importante ng nasa loob.
"May meeting pa sya? Hindi nya ba lunch?" Napatingin ako sa relo ko na galing kay Kyle kagabi.
"It's not a-a... meeting po," parang natatakot pa ang kaniyang hitsura niya noong sinabi niya sa akin iyon. Naningkit ang mga mata ko at nagkrus ang mga bisig sa harapan ng dibdib.
"Ano bang meron? Don't worry, hindi ako magpipilit pumasok but... you're acting strange," Tumungo siya. Kita kong nagtitinginan na ang mga ibang empleyado. Ngumiti na lang ako.
Tutal ay kausap ko na din naman siya, tinanong ko din kung puwede bang mapuntahan si Mama. "What about Mom? Is she busy?"
Nag-angat na siya ng tingin at ngumiti sa akin. "May kausap po siya ngayon sa office niya si... Mr. Kyle Choi po," Napanganga ako. Bigla akong binuhay ng kuryosidad ko. Ang dami pa'ring tao na nakikiusyuso at hindi ko napigilang mainis.
Why do i feel like I'm a celebrity now?
But... I smirked. Why don't we start the game right here?
Inalis ko ang shades ko, "What? My boyfriend is here!?" Medyo malakas kong sabi, enough to let the audience hear it. Kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang pagbukas ng pinto ng office ni Papa. Agad ko iyong nilingon para sana batiin ang mga panauhin ni Papa, but I was stunned.
Nakatayo sa hamba ng sliding door sina Tao at Ayesha with their own formal attire. Kung titingnan... bagay naman talaga sila.
I can't look at them in the eye. Medyo nairita ako noong nakita na naman ang bulung-bulungan ng mga tao. Saka ko naalala ang sinigaw ko. Huwag nilang sabihin na... akala nila si Tao ang tinutukoy komh boyfriend?
I see Ayesha gulped. "Ate, we need to talk..."
At ang kapal ng mukha niya para tawagin akong Ate!?
Nararamdaman ko ang pagkulo ng dugo ko. Nagwawala na ang loob ko but i remained calm. Napakaraming mga bagay na gusto kong gawin sa kanila... but... i don't think... i can.
Ito ang mahirap sa akin e.
"About the issue? Leave it to me! Actually may interview ako bukas about that. Kaya ko na iyon! Ayoko namang ma-stress kayong... mga malapit ng ikasal," ngiting-ngiti ako kay Ayesha. Saka pa lamang ako napatingin kay Tao. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang tinitingnan ako. Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kaniya.
Nakita kong naintriga si Ayesha. Itinaas niya ang isang kilay nya at ngumiti din ngunit alam na alam kong peke iyon. "You're so thoughtful, Ate. Salamat naman. I'm sad about the wedding. We decided na saka na lamang kami magpakakasal kapag nakalabas na si baby. I want him to be my wedding bearer. Isn't it that sweet, Ate?"
No! Sa kaloob-looban ko ay umirap na ako!
Napatingin ako sa tiyan niya. Halata na pero sobrang liit pa lang. I smiled, a real smile. Walang kasalanan ang batang ito. Walang kinalaman ang batamg ito sa sakit na idinulot ng mga magulang niya sa akin. Wala akong karapatan para magalit sa bata.
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...