Revenge
Nagtaka sina Mama kung bakit nagkaroon ng dugo kaya dinala agad ako sa ospital. Sinabi ng doctor na bumuka nga ang stitches ko kaya dapat ulit itong tahiin. Sobrang sakit! At saka ko lamang yun naramdaman pag-uwi ng bahay.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit yan bumuka?" Pinili kong sa bahay na lang magpahinga. Tinitigan ko si Mama. "Ma, napagod lang siguro..."
Dumating ang mga kabarkada ko at pasalamat ko dahil tinantanan na ako ni Mama. Binigyan nila ako ng prutas.
"Takteng Karina yun! Buti nga sa kanya at kandidato na sya sa papaalisin sa school!" Inis na sabi ni Yesha. Hinawakan ni Luhan ang kamay nya at pinakalma si Yesha.
"Bakit? Sino ang nagsabi?"
"Duh! Alam ng lahat sa campus kung ano ang ginawa nya sa'yo. Labag yun sa paaralan 'no! Galit na galit si Tao! Kaya ayun, balak pang magsampa ng kaso!" Ani Rayah na pinandilatan ni Xiumin. Nagkibit-balikat si Rayah at hinintay ang reaksyon ko.
That... name!
Natahimik ang silid ko. I laughed "Teka! Asan nga ba yun? Hindi man lang ako dinalaw noong isang linggo sa ospital! Pati ba naman ngayon!" Napangiwi si Ayesha. Alam nilang may tinatago akong sakit na nadarama! Pero wala akong karapatang ilabas iyon, dahil walang kami! Wala akong pinanghahawakan!
"Nasa bar sya. Araw-araw naman sya dun. Kasama nya ang ilang members ng Exo, Tine.." Ani Xiumin na may matalim na paningin sa akin.
Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa nag-ala sais na. Tumayo na sila at nagpaalam. I waved at them and smiled.
Gumising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Where's Mom? She's usually here to feed me for breakfast.
"Ma!" Tawag ko ngunit walang tumugon. Pumunta ako sa kusina at wala din sya dun. Nadaanan ko pa ang living room ngunit wala din siya dun.
Inakyat ko na ang kwarto nila ni Papa. Kumatok muna ako at tinawag ang pangalan nya. Wala pa'ring sumasagot. Pumasok na ako dun at patuloy siyang tinawag.
Nagulat ako nung makita ko ang lamesa ni Mama na makalat. Hindi naman iyon madalas na makalat, kaya nagtaka ako. Lumapit agad ako dun at nilikom ang mga gamit nya.
Tinaktak ko ang folder dahil hindi ito pantay-pantay. Nagulat ako nung may nagpatak na matigas na papel mula sa folder. Agad ko iyong pinulot.
Nanlaki ang mga mata ko nung napagtanto kong old pictures iyon nina Mama. Tinitigan ko ang unang litratong nakita ko. Isa iyong class picture. Agad kong hinanap si Mama at napangisi ako.
Maraming mga tao ang nagsasabi na kamukhang-kamukha ko daw ang aking ina at ngayon ay napatunayan kong totoo nga talaga. Meron nga lang taling si Mama sa pisngi at ako'y wala.
Napako at nanliit ang aking mga mata sa picture nung matamaan kong may lalaking nakatayo sa likuran ni Mama. Nakaupo si Mama at talaga namang panay ang ngiti. Samantalang ang lalaki ay seryoso at kamukhang-kamukha ni...ni Tao.
Ama nya ba ito? Bakit wala naman syang nasasabi sa'kin? Bakit walang nasasabi si Mama sa akin? Hindi pa naman magkakilala si Tao at si Mama, ngunit madalas namang magkuwento si Mama sa akin noon tungkol sa buhay-eskuwela nya.
Umiling na lang ako at pinagsawalang-bahala iyon. Tiningnan ko ang sunod na picture at nanlaki ulit ang aking mga mata! Shit!
Wacky picture naman ito ng section nila ngunit pumirmi ang mata ko sa balikat ni Mama kung saan ay merong nakahawak. Hawak-hawak ni Mama ang kamay nung lalaki. Ang lalaking kamukha ni Tao...
Magkalapit ang kanilang mga mukha at nakatawa na ang kamukha ni Tao. Kitang-kita ko ang ngiti din sa mata ni Mama. Ano ito?
Kunot ang noo ko at tiningnan ang sunod na litrato. Nanginig ang mga kamay ko at feeling ko ay nawalan ako ng lakas. Hindi na class picture iyon. Sila na lamang dalawa. Kupas na iyon ngunit aninag parin ang kanilang mga ngiti. Nakahawak sa bewang ni Mama ang taong kamukha ni Tao. Tiningnan ko ang likod ng litrato para humanap ng impormasyon. Hindi tulad ng class picture, merong nakasulat dito.
January 21
Carmina Jung Shin and Travis Huang
Happy 1st Anniversary!Napailing ako. Ito ba sya? Unti-unting pumatak ang luha ko. Umalis ako dun at laking gulat ko nung pagbukas ko ng pinto ay andun si Lola. Pinalis ko ang luha ko.
Alam kong nagkaroon nga ng nobyo si Mama at posibleng hanggang ngayon ay mahal nya parin ito, hindi ako makapaniwalang ang ama ni Tao iyon!
"Lola..." Maligaya kong bati at niyakap sya. Like Tita Mari, matapobre sya. Ngunit, katulad ni Tita Leonora, mapaglaro din ito sa lalaki noong bata pa sya.
"My dearest apo..." Bati nya at niyakap din ako. "Nandito po pala kayo?" I smiled at kumalas sa yakapan.
Nilagay nya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. "Oo, apo... Nung narinig ko ang balitang nasaksak ka daw, agad akong bumyahe, apo..."
"Apo, ako ngayon ang magbabantay sa'yo." ani Lola noong pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Sabi nila, ako ang paborito ni Lola. Ngunit, hindi naman ata ganun. Pantay-pantay pa'rin naman ang tingin nya sa'min.
65 anyos na si Lola ngunit 'di mo maitatanging maganda ito. Kamukhang-kamukha daw ito ni Mama noon. Malakas pa'rin ito at nakakapagsuot pa ng mga marangyang bagay.
"La, medyo okay na naman ako. Teka, La! Asan ba si Mama?" Ngumuso si Lola sa tanong ko. "May inaayos lang sa opisina, apo..." ani Lola at umupo sa sofa.
Sinuri nya ako pati na ang kwarto ko. May kinuha sya mula sa table malapit sa sofa. Pinilit kong tingnan iyon dahil nakakunot ang noo ni Lola. Wala naman akong nilalagay na papel dun. Baka isa sa barkada ang naglagay!
Matalim ang titig na pinukol nya sa'kin. Tinaas nya ang litrato at nagulat ako nung si Tao iyon. "Isa ito sa mga Huang di'ba?" Kinagat ko ang labi ko at tumungo. Tumango-tango ako. Galit na galit si Lola.
"May relasyon ba kayo nito?" Umangat ulit ang ulo ko at umiling kay Lola. "Wala, Lola...Magkaibigan lang po kami!"
Humalakhak sya. "Magkaibigan? That line is really familiar! Kay Carmina pa lang?" She laughed.
"Huwag ka ng magsinungaling, apo... Kung wala kayong relasyon, siguro ay nahulog ka na sa kanya?" Natahimik ako. Nahulog na nga ba ako kay Tao? "Madalas ka nyang hinahatid at sinusundo. Ilang linggo ang nakakalipas, ay madalas sya dito. Magkaibigan lang ba ang ganoon?" Naningkit ang mga mata ko. Saan nya ito nalaman? Pinaiimbestigahan nya kaya ako?
"Apo, i've been inlove with Theodoro. This boy's grandpa. And his son, Travis? She's been inlove with your mother, dear. At ikaw, mahuhulog ka sa batang Huang na ito?" Nagulat ako sa rebelasyong iyon. Hindi ko alam. Kaya pala may narinig akong sinabi ni Tita Mari noon, the third generation is me. Napatakip ako sa bibig ko. That man tried to ruin our family! Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang pamilya namin!
"I'm afraid that you'll commit that mistake again. Ayaw kong maging tanga ka, apo... Ayaw kong buksan mo ulit ang librong sinarado ko na noon na binuksan ulit ng Mama mo. Your grandma can't take that. Kaya please, tigilan mo ito hanggang maaga pa!" Hinaplos nya ang magkabilang pisngi ko. Nanlaki ang mga mata nya nung makita ang luhang dumadaloy sa aking mata. "I'm not mad at you, apo.. I'm mad at them! Hindi pa'rin pala tinitigalan ni Theodoro ang paghihiganti nya at hindi ako papayag na ganun! Hindi ako papayag na makasali ka dito!"
Hindi ko alam ngunit gusto ko na lang makasali sa gulo nila at makapiling si Tao!
"Hindi na po mangyayari iyon! Nilalayuan na ako ni Tao!" Giit ko nung maalala ko yun. Sumingkit ang kanyang mga mata at tila sinusuri ako. "Maybe because the damage has done! Maybe the revenge is done! Siguro ay nalaman niyang nahulog ka na sa kanya!" Napamura pa sya.
"Hindi ako makapaniwala sa'yo, Christine. Akala ko si Chanel pa ang magkakaganito..." Bulong ni Lola at niyakap ako.

BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...