Kabanata XXXII

72 14 1
                                    

Umuwi Ka Na

Nakabalik na ako sa room namin. Naandun na si Tao sa upuan at tila inaantay ako. Hindi namin kaklase ang barkada ngayon, kaya kaming dalawa lang. Masyado yata akong napaaga dahil natanawan ko pang kami lang dalwa doon. Umangat ang tingin sa akin ni Tao mula sa pagkakatungo.

"Anong pinag-usapan nyo? Hindi ko natapos iyon dahil nahuli ako ni Ayesha!" Tanong nya nung nakaupo na ako. Tiningnan ko ang body guards ko sa labas na nakahalukipkip lang at tahimik na nanonood sa amin. Akmang lalapit na ang isa ngunit pinakita ko sa kanila ang pangalan ko sa upuan na nasa tabi ni Tao.

Tinitigan ko sya. Nakapagdesisyon na ako. Magtitiwala ako sa ni-suggest ni Luhan. Alam kong tatalikuran ko ang pamilya ko sa gagawin kong ito, ngunit babalik naman agad kami kapag naglaho na sa kanila ang arrangement, kapag napatanuyan namin sa kanila na mahal namin ang isa't-isa at ipaglalaban namin iyon hanggang huli. Na hindi kami susuko. Hindi lang kami ang magiging masaya dito, sina Ayesha din. Ito na lang ang tanging paraan at umaasa sa akin si Luhan...

Hinawakan ko ang kamay nya. Pinikit ko ng mariin ang mata ko. "Tao, magtanan tayo..." Binuksan ko ang mga mata ko. Nakita ko agad ang pagkabigla nya sa sinabi ko. Shit! Dapat ba hindi ko sinabi iyon? Pero... Hayaan na! Atleast i tried, right? I will take the risk!

Tinitigan ko sya. Mamatay yata ako kapag hindi ko masilayan kinabukasan ang mga mata nya. Mamatay yata ako kapag hindi ko mahalikan ang labi nya. Mamatay yata ako kapag ikakasal sya sa kapatid ko, kay Ayesha...

Ibubuka nya sana ang bibig nya kaso dumating na lahat ng kaklase namin sa subject na iyon pati ang Prof naming mahinhin. Magkahawak-kamay lang kami sa huli naming klaseng iyon. Walang nagsasalita sa amin. Shit! Feeling ko ay namumula ako. Paano kung tangihan nya ako?

Iniimpake ko ang bag ko at talagang sinadya ko na bagalan iyon. Kita ko din si Tao na binabagalan ang pag-aayos ng gamit sa hindi ko alam na dahilan. May tiningnan sya sa likod. Kita kong bumaling sya sa akin kaya agad akong umalis.

Rinig kong nagmura sya at tinawag nya ako. "Christine, wait!"

Hinarap ko sya at pilit na nilagyan ng pagkairita ang mukha ko. Nahihiya talaga ako! Ako pa mismo ang nagyaya na magtanan kami! "Bakit?"

Kinagat nya ang labi nya. Tila nag-iingat sa susunod nyang sasabihin. "Seryoso ka ba sa sinabi mo sa akin kanina?" Hinagod nya ang buhok nya at hindi ko mapigilan na pansinin ang kagwapuhan nya. Nagpakita pa ang black nyang piercing na bumagay sa kanya.

"Oo!" Nanlaki ang mga mata at ginulo nya ang buhok nya. Kinagat nya ng madiin ang labi nya at napamura dahil yata sa sakit niyon.

"Binabaliw mo na naman ako, Christine..." Aniya at tumawa. Umiling-iling pa sya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Masyado ba iyong nakakatawa?

Ngumuso ako. "Kung ayaw mo naman, ayos lang sa akin." Tumalikod na ako. Mukha yatang hindi ako makakatagal sa harapan nya dahil sa kahihiyan. Gusto ko na lamang na lamunin ako ng lupa! Nakakahiya talaga!

Hinawakan nya ang palapulsuhan ko at hinila nya ako palapit sa dibdib nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. "Mamaya. Susunduin kita. 12 midnight. Get Ready. Umurong ka man o hindi, isasama pa'rin kita. Sorry ka! Niyaya mo ako eh! Wala na yung bawian!" Halakhak nya. Feeling ko ang lahat ng dugo ko ay naipon sa mukha ko. Para na siguro akong nakakain ng sobrang anghang na sili!

Umalis na sya at halos ako ay hindi mapakali dahil sa sinabi nya. Dumating ako sa kwarto ko at agad na nag-impake. Tumunganga ako sa ceiling. Iniisip kung ano ba ang mangyayari sa gagawin naming ito. Ang pamilya namin na maiiwan namin. Lahat... Kakayanin ba namin?

Pinikit ko ang mga mata ko. Kakayanin... Kakayanin namin ito ni Tao!

Nung naghapunan kami ay halos hindi ako mapakali. Nabitawan ko ang kubyertos ko kaya napatigil din sina Mama at Ayesha sa pagkain, as usual wala na naman si Papa.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon