Pamilya Huang
Buong araw kong inisip ang sinabi ni Lola. Hindi ko maiwasang isipin kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Don Theodoro, na napunta kay Mama at kay Travis. Na posibleng mapasa sa'kin? Parang sakit na namamana!
Bakit naman nagkahiwalay si Don Theodoro at Lola? Bakit nagkahiwalay si Mama at Travis?
"Hinding-hindi gusto ng aking ama na ipapakasal ako sa mahirap na Huang. Mahirap pa lang sila noon, apo.. I really love to play with other boys, until i met him. We loved each other dearly. And the rest was history.."
"...Kaya galit na galit ako sa Mama mo noon at agaran ko syang itinali sa Papa mo dahil mahal ko pa'rin si Theodoro. Kahit na may iba syang mahal, kahit na may sari-sarili na kaming pamilya, ay mahal na mahal ko pa'rin sya. Umaasa parin ako na kaming hanggang huli. Ngunit talagang nagalit ako nung nalaman kong nagkaroon ng plano si Travis at Theodoro, na paibigin ang Mama mo para makapaghiganti si Theodoro sa akin. Dahil hindi ko sya nagawang ipaglaban noon. Dahil inakala nyang pinili kong pakasalan si William dahil mas mahal ko sya kaysa sa kanya. Ngunit nagkakamali sya, dahil kong may kapangyarihan man ako o mas malakas ang kapangyarihan ko kay Papa ay matagal ko na syang tinakas at pinakasalan!" Hindi ko maatim maisip na ganun ang nangyari noon. Paano kung nagkaroon ng lakas ng loob si Lola noon at tinakas nya si Don Theodoro? Walang Carmina! Walang Travis! Walang Christine at Tao!
Ngunit, talagang mas napaisip ako. Si Tao. Naghihiganti din sa akin? Bakit? Dahil utos ng nakatatanda?
So, ang lahat pala ay pagpapanggap lang? Lahat ay hindi totoo! Lahat ay may bahid ng kasinungalingan! Kaya pala hindi na nya ako dinalaw sa hospital? Kaya pala nagkabalikan sila ng Yvette na iyon? Kaya pala hindi nya man lang ako pinagtanggol sa mga umaaway sa'kin? Puta lang!
Akala ko totoo. Akala ko tunay. Akala ko lang pala! Akala ko mahal nya ako. Akala ko tunay na ang mga pinapakita nya. At sana, akala lang pagmamahal itong nararamdaman ko.
Tuluyan na nga ba akong nahulog? Tuluyan na nga ba akong naging tanga? Tuluyan ko na nga bang tatahakin ang landas na tinahak ni Lola at Mama noon? Tuluyan ko na nga bang bubuksan ulit ang librong nilikha ni Lola na binuksan ni Mama, matagal na panahon na?
Nung maghapon ay naandun na si Mama na kasama na si Papa pagkauwi. I hugged them. "Are you okay now, my dear?" Tanong ni Papa at inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga.
I smiled at them "Yes, Papa. Hindi na naman po gaanong masakit ang tahi. I'm fine now. Pwede na nga po akong pumasok bukas!" Pagmamalaki ko. He smiled at me too at iginiya nya ako sa kusina para makapag-snack daw kami. Gutom na din ako kaya pinaunlakan ko na sila.
Bumaba si Lola sa hagdanan. Inalalayan ko sya at ngumiti sya sa'kin. Pinaghila sya ni Papa ng upuan. Nagmano pa ito kay Lola. "Francis, buti naman at napauwi ka.." Ani Lola sabay nakaw ng tingin sa akin.
Kinuha ni Papa ang tubig at ininom yun bago nagsalita. "Actually, may sasabihin lang po ako kay Christine kaya ako naparito," Ani Daddy at tinusok ang carbonara na pinili nyang snack.
"Mamayang gabi ay may gaganapin na event. It's a big event. Maraming tao mamaya dun, at ang mga taong iyon ay nasa industriya ng kompanya, syempre. I want you to come with us, Christine. Kailangan nilang makilala ang anak ko! But if you're not okay, i'm allowing you to not to go," Nagmamalaking sinabi ni Papa. Ngumisi ako at umiling. Kinuha ko ang juice at nilagay iyon sa baso.
Habang ginagawa ko iyon ay nagsalita si Lola "Nandoon ba ang mga Huang?" Inikot-ikot nya pa ang baso niya. Bahagya akong natigilan ngunit agad na nagkunwaring wala lang sa akin iyon.
Bakit nya tinatanong? Gusto nya bang makita si Don Theodoro na maraming hektarya ng lupa? O gusto nya akong ilayo kay Tao? Mahal nya pa ba si Don Theodoro?
"Lagi po silang nandoon, Mama. Kaya siguradong nandun din sila mamaya." Kita ko ang panginginig ng labi ni Mama at ang biglang pagtungo nya pagkatapos sabihin iyon. Kumunot ang noo ko. Mahal nya pa'rin si Travis, huh?
Matalim na titig ang pinukol nya kay Mama sabay lipat nun sa akin. Hindi ko sya tinitigang pabalik kaya mas lalong naging matalim ang titig nya. Napansin iyon ng mga magulang ko at bahagyang nagtaka.
Tumayo ako at ngumiti sa kanilang lahat. "Maghahanda lang po ako!" Sabi ko at nilisan na ang hapag. Umakyat na agad ako sa taas at pagkasarado ko ng pinto ay napasandal ako doon. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko!
I wear a red sexy dress and put a light make up on my face. Nilugay ko na lang din ang mahaba at kulot sa dulo kong buhok. Exactly, 7 pm ay umalis na kami. Malapit lang naman iyon. Mga 15 minutong byahe lang.
Kita ko na agad ang red carpet na nakalatag papasok sa pintuan ng place ng event. Kita ko din sa magkabilang gilid ang mga taga-media. Paglabas ko ay medyo napapikit ako sa sinag ng flash ng camera na tumama sa'kin. Inantay ko si Papa na inaalalayan si Mama palabas ng limo namin.
Sabay-sabay kaming pumasok doon at agad na dinumog si Papa. Pinakilala nya din ako sa kanila kaya ngumiti na lamang ako. Nakipagkamay kami sa mga businessman na naglalahad ng kamay para sa'min. Halos mangalay na ang aking pisngi dahil sa kakangiti.
Umupo na kami sa assigned seat na iginiya sa amin. Kita kong wala pa ang kasama namin sa table.
Pinagkibit-balikat ko na lang iyon at ngumiti sa taong pinakilala sa'kin ni Papa. "Lahat ay nakuha kay Carmina. Walang-wala syang nakuha sa'yo, Francis!" Natatawang komento ng kausap ni Papa. Here we go again...
Natigilan ako nung makitang may nagtuturo ng assigned seat na kasama namin sa lamesa. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto ko na lang umuwi.
There! I saw the Huang Family! Smiling at the audience! Enjoying the fame! Nakita ko ang malamig na titig sakin ng pinakabatang kasama nila. Lumingon ako sa iba. Hindi ko alam na naattend sya dito!
Nagbatian pa ang pamilya ko at ang pamilya nina Tao na parang walang nangyari noon. Napatayo pa ako. Nakipagkamay si Papa kay Don at kay Travis. Matatanda na sila ngunit maganda pa'rin ang pangangatawan. Ang lahi yata nila ay puro magaganda ang katawan!
Nakipagbeso pa si Mama sa magandang babaeng nasa tabi ni Travis. Probably his wife? Muntik ng mangasim ang mukha ko.
"Ah! I forgot... This is my daughter, Christine Faye Park!" Palihim kong inirapan si Papa. Ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko!
"This is the Huang Family, Christine... Don Theodoro Huang. And his son, Travis Huang. He's with his wife and son. His wife, Zenita Huang. And their son, Zeijano Tao Huang!"
Nakipagkamay ako sa kay Don na nakangiti sa akin at kay Travis na seryosong nakatingin sa akin. Nakipagbeso din ako sa asawa ni Travis. Naamoy ko pa ang perfume nito.
Kailangan kong galingan ang pag-arte! Masyadong ginagalingan ng pamilya ko, edi gagalingan ko din!

BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...