Kabanata XXXIV

92 13 0
                                    

Ipaubaya sya

"Wag ka na munang umalis. Dito ka na muna. Please..." Para akong bata na pinipigilan ang magulang nya na umalis. He tapped my head. Napanguso ako dahil sa ginawa nyang yun. It's 7:00 in the evening and he's still here. Balak na nyang umuwi kaya pinipigilan ko sya. Gusto ko syang patulugin dito.

"My Queen is being silly..." He kissed my forehead.

Mas lalo akong napanguso. "Oo na! Silly na! Eh gusto kitang makasama eh!"

Tumango-tango sya at nginisian ako. "I'm hungry..." Aniya sabay hawak sa tyan nya. Oo nga pala... Hindi pa sya nakakakain ng dinner. Napakain ko sya kanina ng umagahan at tanghalian sa kwarto ko.

"Ah, ok. Sige na. Umalis ka na. Bagot ka na yata dito eh at tsaka hindi ka pa nakakakain." Nagtatampong sabi ko. Eh, gusto ko pa kasi syang makasama. Pero baka nga masyado akong mahigpit sa kanya.

Pinaharap nya ako sa kanya at niyakap ako. "Gustong-gusto ko talaga kapag nagtatampo ka..." Bulong nya at inamoy-amoy ang buhok ko.

Kumawala ako sa yakap nya at nginusuan ko sya. Kasabay noon ay ang pagkatok ng kung sino sa pintuan ng aking kwarto. "Tao, magtago ka..." Bulong ko at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Malapit na ako sa pinto ngunit bigla nya akong hinila at binigyan ng pera. Bahagya pa akong nainis at hindi pa sya nagtatago. Gustong-gusto ko syang hampasin dahil tuwang-tuwa sya sa reaksyon ko.

Sinigurado ko muna na nakatago na si Tao bago ko binuksan ang pinto. Tumambad sa'kin ang mukha ni Manang Sisa.

"Oh? Manang!" I tried to sound jolly.

Pinakita nya sa'kin ang isang supot at nakita ko agad ang tatak ng isang fast food chain doon. Paborito kong fast food chain iyon kaya natuwa ako. "Nasa baba po ang delivery boy!"

Kinuha ko sa kanya ang supot. Sino naman kaya ang nag-order? Napatitig ako sa pera at bumaling ako sa C.R. kung nasaan si Tao. Now, i know...

Inabot ko kay Manang Sisa ang bayad at sinabi na sya na lang ang magbayad. Ayaw kong iwan si Tao dahil baka may pumasok dito at hindi sya makapagtago. Inabot nya sa'kin ang sukli pagkatapos.

I locked the door at saktong lumabas si Tao na nakangisi. Pinakita ko sa kanya ang supot. Agad kong pinatong ang supot sa lamesa at naupo sa upuan nito. Lumapit sa akin si Tao. Umupo sya sa isang upuan at nilapit iyon sa akin habang nag-aayos ako ng pagkain namin. He helped me preparing our food. Nakita kong pang-apatan na tao ang kanyang in-order na pagkain kaya nakakaengganyo dahil paborito ko din iyon!

Kitang-kita ko ang multong ngiti sa labi nya. Nakanguso ito at tila pinipigilan na matawa dahil nagniningning na ang mga mata ko.

"What?" I asked. Inirapan ko sya.

Mas lalo syang ngumuso. Mas lalong nagpipigil ng tawa. "Wala!"

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos at kumain pagkatapos. Tama nga ako dahil nakarami ako ng kain. Dahil na rin siguro hindi ako kumain ng snacks kanina.

Nakatitig sya sa'kin habang kumakain. May kinuha sya sa bulsa nya ngunit di ko na lang sya pinansin. Pagharap ko sa kanya ay nakita kong nakatutok ang cellphone nya sa'kin.

Yah! Agad na nanlaki ang mga mata ko at tinabig ang kamay nya. Natawa sya sa naging reaksyon ko. Pinakita nya sa'kin ang nakuha nyang picture. At halos maiyak ako dahil ang pangit ko dun.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon