Dugo"Ate, laro tayo!"
"Kyle, i love you!"
Isang malakas na sigaw ang aking ginawa pagkagising ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa likuran ko. Nagising ko yata si Ayesha, Rayah at Mama na naandun. Naandoon din ang Exo na nabigla dahil gising na ako.
"Where's Tao?" Hindi nila ako sinagot. Tiningnan ko silang lahat, humahanap ng sagot. Hindi kilala ni Mama si Tao, dahil hindi naman iyon napunta sa bahay namin.
"We should call the nurse!" Ani Mama at tiningnan ako ng mabuti. Lumapit sya sa'kin. Mabilis pa'rin ang tibok ng puso ko. "Nasaan si Tao, Ma?"
Pumasok ang nurse at doctor. "Wala ba kayong mga bibig? Tinatanong ko kayo! Asan si Tao?" Unti-unti akong nanghina nung may tinurok sa akin. Nangilid ang luha ko at unti-unting bumibigat ang mata ko. Nilalabanan ko para makita ko si Tao ngunit talagang nanghina ako.
Gumising ulit ako at wala na ang Exo dun. "Ilang hours ako natulog?" tanong ko kay Mama na nakapatong ang baba sa kama ko. "14 hours, anak..." Gagalaw sana ako kaso naramdaman ko ang sa'kit sa aking likod. Napamura ako sa sobrang sakit nun!
"Anak, you should rest! Umupo ka!" Ani Mama at lumapit sa akin. Dahan-dahan nya akong hinilig sa higaan. "Ma, kailangan kong makita si Tao! Kailangan ko sya, Ma!" Kita ko sa gilid ko ang pagtawag ni Ayesha sa nurse.
Akmang aalisin ko na ang dextrose ko nung nilapitan ako ng nurse. May tinurok ulit sila sa'kin at dumaan na naman ang pamilyar na aking naramadaman. Unti-unti akong pumikit. Gustong-gusto kong makita si Tao, ngunit talagang hinang-hina na ako...
Sa sumunod na araw ay gumising ulit ako. Hindi ako nagwala dahil natatakot na akong turukan nila ulit ako ng pampakalma. Kating-kati na akong makita si Tao at kapag nag-alburoto ako ay mas lalo ko lang syang 'di makikita dahil patutulugin lang nila ako.
"Ma, where's my sister?"
"Wala pang balita, anak..."
"Where's Kyle?"
"Pinayagan syang magpiyansa, anak..."
"Dapat siyang makulong." Tumingin ako sa bintana.
Sobrang sakit ng likuran ko. Sabi ni Mama ay tinahi daw iyon dahil sa lalim ng sugat. Pinapakain ako ni Mama habang tahimik ako nun. Bakit 'di ako dinadalaw ni Tao? Asan ba sya?
I really want to ask ngunit takot akong patulugin lang ulit ako gamit ang pampakalma nila.
Halos isang linggo din ako dun. Inantay kasi nilang maghilom ang sugat ko. Tuwang-tuwa ako pagkalabas ko ng ospital, sa wakas ay makikita ko na sya. Gustong-gusto ko syang puntahan ngunit naisip kong baka mas lalo nila akong pagbawalan. Papasok na naman ako bukas kaya ok lang! Naisip kong hindi ako makakahabol sa lessons kaya dapat akong magpaturo. Kay Tao na lang kaya?
Ako:
Pumasok ba si Tao nung nakaraang dalawang linggo?
Nakadaan ang ilang minuto bago sumagot si Xiumin.
Xiumin:
Oo.
Hindi ko na sya nireply-an. Nagtipa na ako ng message kay Tao.
Ako:
Hi, Tao! How's your day? Turuan mo naman ako sa mga lessons natin nung nakaraang araw, oh? Sana sagutin mo 'to...
Nakagat-labi ako habang pinindot ang send button. Nag-scroll up ako at nakita ko ang mga text kong halos umabot sa 50 isang linggo na ang lumipas! Wala akong nakuhang reply kahit '.' man lang o 'K'. I wonder kung nagpalit ba ito ng numero?
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...