For You
Sinakay na ako ni Tao sa kotse nya. Nakangisi sya sa'kin habang ako ay nakatingin sa kanya. Pinaandar nya ang kotse at palingon-lingon sya sa'kin dahil tahimik ako.
Hindi ko kaya ang ginagawa nyang trato sa'kin. Ni hindi ko nga sya maipakilala ng ganun sa mga kamag-anak ko. If i can really have the strength...
I hugged him. I made sure na nakikita nya pa'rin ang daan. "Are you okay? Saan kita iuuwi?"
I pursed my lips. Bumagsak ang luha ko. I don't deserve this kind of man. I don't deserve him. "S-sa condo mo na lang muna. Wala akong kasama sa b-bahay..." I hugged him tight.
"May problema nga..."
Nilingon ko sya. "There's nothing. Naiisip ko lang, kaya mo 'kong ipakilala sa buong mundo bilang girlfriend mo. Pero ako? 'Di ko man lang maipagsigawan na boyfriend kita at mahal kita..." Kita ko kung paano tumama sa kanyang mga mata ang street lights. Kita ko din kung paano nagfe-flex ang kanyang muscles tuwing lumiliko kami.
"I think i don't deserve you..." Mahina kong sinabi. Napapreno sya at tinabi nya ang sasakyan sa kalsadang wala na masyadong dumadaan.
Lumuha ako. Hindi ko sya deserve! "Hey, look at me..." Hinawakan nya ang magkabilang-pisngi ko. Nakita ko na naman ang kanyang matang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
"You deserve everything, Christine. You deserve the world. That's why i'm trying my best to give the whole damn world to you. 'Cause you deserve it, baby... You deserve it all..." Aniya. Naiiyak ako nung pinaglapat nya ang mga ilong namin.
"You're being emotional. Iniisip ko tuloy na buntis ka. Kaso, wala pa naman tayong ginagawa!" Tinampal ko sya sa braso nya. Humalakhak sya habang ako ay natatawa na din. Bigla syang nagseryoso. "Yan, Christine... Tumawa ka lang. Masaya na ako, kahit yan na lang ang makita ko sa huling hininga ko..."
Tinampal ko ulit sya. "Tumigil ka nga! Hindi ka mamatay!" Tumawa sya at tumango-tango. Pinaandar nya ulit ang kotse at 'di naman matagal dahil wala ng masyadong sasakyan.
Bumaba kaagad kami at nagtungo sa condo unit nya. "Magsho-shower lang ako!" Paalam ko sa kanya na naga-unbutton ng polo nya sa harap ng salamin. Ngumuso sya "Sabay na tayo!"
"Che! Tumigil ka!"
Kinagat nya ang labi nya. Halatang pinipigilan ang pagtawa. "Mag-half bath ka na lang. Mamaya ay sisipunin ka pa!" Sabagay, tama sya. 12 na ng madaling-araw at malamig na.
Pumasok na ako sa bathroom nya. Kumpleto doon. May shower, bathtub at kung ano-ano pa. Tulad ng sinabi nya, nag-half bath lang ako. Ginamit ko ang shower gel nya. Doon na din ako nagbihis dahil baka manyakin lang ako nung isang yun.
Nakabukaka sya sa upuan, nakatukod ang isang kamay sa kanyang tuhod at ang isa naman ay hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nag-angat sya ng tingin sa'kin at napansin kong iba na ang suot nya pero pang-alis pa din!
Magtatanong pa sana ako ngunit lumapit sya sa'kin at inangat ako patungo sa kama. Napabagsak ako sa malambot nyang kama. Kiniliti-kiliti nya ako. Balak ko sana syang kilitiin din, kaso hinuli nya ang kamay ko. Inamoy-amoy nya ako. "Hmm... You smells like me..."
He kissed my earlobe at unti-unting bumaba hanggang sa nakarating sa leeg ko. He planted a small kisses there! Shit! Nag-init ako at hindi ko alam kung saan ko iyon nahagilap. Buhay naman ang aircon, a?
Tinitigan nya ako. "Tumulog ka na!"
Umayos ako ng tayo. Kinunot ko ang noo ko sa kanya. "E, ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"
Humalakhak sya at nilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tainga. "Meron pa akong pupuntahan. Matulog ka na at baka mapuyat ka..."
Umiling ako. "Saan ka ba pupunta at bakit parang napaka-importante at kailangan mo 'kong iwan dito? May babae ka, no?" Dinuro-duro ko pa sya.
Natatawa nyang ibinaba ang hintuturo kong tumuturo sa kanya. "No... It's a...G-gangfight..." Mahinang utas nya.
Gangfight? Nakita ko na syang lumaban noong iniligtas nya ako mula kay Kyle. Ngunit, gusto kong makita ang iba pa nyang ginagawa tuwing may laban sila.
Pinakita nya pa sa'kin ang text ni Suho.
Suho:
Underground battle. 1 am. With Tigresses. Rank #7.
Tumango-tango ako at may pagtataka sa mukha. "Anong rank nyo?" Nakangiti sya at sinenyasan nya akong Rank #1 sila. Oo nga pala at nasabi na niya iyon sa akin noon. Kung hindi sya binalaan noon ni Kyle at kung hindi sya nagpabugbog sa kanila, malamang sila ang bugbog kay Tao!
"Sasama ako!"
Nanlaki ang mga mata nya at kaagad umiling. "Delikado dun!"
"Hindi mo naman ako pababayaan diba? I want to see the real you!" Bumuntong-hininga sya at tila walang magagawa.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa labas. Para akong manonood ng laban ng Ateneo at La Salle! Ganun din ang set-up ng court.
Pumasok kami sa isang room. Hindi ko alam kung anong room iyon ngunit nakita ko sa taas ng pinto ang "EXO" na karatola.
Parang gym pala iyon! Nakangising sumalubong sa'min si Chen, Suho at Sehun.
"Oh? Bakit kasama mo ang girlfriend mo? Para may pampagana!" Inirapan ni Tao si Suho at minura. "Mapilit yan eh! Kaya ayan!"
"Sabi naman kasing 'di na kailangan na lahat tayo ay nandito! Kaya namin iyon. Kahit tatlo lang kami nina Kai at Luhan!" Pagmamayabang ni Chen na iniiling-ilingan pa si Tao na natatawa lang. "Sus! Kapag nabalitaan namin na bugbog kayo, 'wag kayong hihingi ng tulong namin! Yabang nito!" Natatawang saway ni Sehun sa kanya.
Inirapan ni Chen si Sehun. "Bitter ka lang! Wala kasi si Aly!" Bulong ni Chen ngunit sapat na para marinig ni Sehun. Si Aly ay ang childhood friend namin na minahal ni Sehun. Kaso nga lang, iniwan sya ng walang paalam. Kaya galit na galit si Sehun! Kaibigan din namin si Aly at maging kami ay nagtatampo dahil sa biglaan nyang pagkawala.
"Whatever!" Sabay walkout ni Sehun.
Napaisip ako. Si Aly. Kailangan sya ni Sehun. Ang alam ko ay nagbreak na sila ni Harrieth dahil mahal pa'rin ni Sehun si Aly! Tama! Pero, asan na sya? Wala kaming contact sa kanya!
Pinaupo ako ni Tao sa tabi ng crowd. Ibinili nya pa ako ng popcorn at tubig. "Are you okay here? Dun na lang tayo magtatagpo mamaya!" Baling nya sa'kin. Tumango ako. Umalis na sya at hinalikan pa nya ako sa cheeks! Nakakahiya! Pinagtinginan tuloy kami!
Kinakain ko na ang popcorn ko nung tumunog ang isang gong. Nagsigawan ang mga tao at nakita ko na lumalabas na sina Tao mula sa kanilang room. Lumabas na din ang kalaban na malalaki din ang katawan.
"Let's all welcome the Defending Champions of the Battle World, EXO vs. The Rank #7, Tigresses!"
"Dahil 5 lang ang member ng Tigresses, magkakaroon ng substitution," mahinang sabi nung babae sa tabi ngunit sapat na para aking marinig.
Substitution? Parang basketball lang!
Unang pumasok si Tao, Luhan, Xiumin, Kris at Suho. Nakangisi sa kalaban si Luhan na animo'y nagyayabang. Sa isang iglap ay nagbubugbugan na ang lahat ng tao doon. Napapalakpak ako noong lahat ng kamao na nagbabalak tumama sa mukha ni Tao ay naiilagan at nababawian nya.
"GO BABY!" Dahil sa lakas ng boses ko ay napatingin silang lahat sa akin. Oh my! Nakakahiya!
Tumingin ulit ako sa baba at nakita ko na sya na hawak ang trophy. Nakangisi sya at nakatingin sa akin. Tinaas nya ang trophy at inilapit ang mikropono sa bibig nya. "For you, my girl..."
![](https://img.wattpad.com/cover/33718327-288-k339653.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...