Ngiti
"Ma'am! Gumising na po kayo! Nakahanda na po ang breakfast nyo!" Nagising ako na hinahabol ang hininga ko. Ang katok ni Manang Sisa ang narinig ko sa labas. What was that?
Bumangon ako at dumungaw sa pintuan. "Ma'am, bumangon na daw po kayo sabi ni Madame. Sasamahan po kayo ni Madame Mariana sa breakfast." Tumaas bahagya ang kilay ko at napakagat-labi.
"Tita Mari is here? Kailan pa?" Tanong ko. Tita Mari is Mama's Sister. I like her pero masyado itong matapobre. Anak nya si Xiumin. Mas matanda sa kanya si Mama pero mas nauna syang nagkaanak. May isa pang kapatid sina Mama, si Tita Leonora. Like Ate Chanel, her daughter, maganda at mabait ito. Pareho nga lang silang mapaglaro pagdating sa lalaki.
"Kagabi pa po. Mga a-alas-onse ng gabi na po," tumango ako. Mapupuna na naman ni Tita ang kabagalan ko sa pagbibihis.
"Sige po. Maliligo lang ako. Pakisabi po kung gutom na sila ay umuna na sila sa pagkain," Ngumiti ako kay Manang Sisa at sinarhan ko na ang pinto.
Agad akong nagpunta sa banyo at naligo. Pinilit kong bilisan pero pakiramdam ko ay ang bagal ko pa'rin.
B-in-lower ko ang buhok ko. B-in-raid ko pa iyon. Sinuot ko ang floral dress na regalo sa'kin ni Tita Leonora noong Christmas. I put a light make-up on my face. Kinuha ko na din ang Sophie Martin kong bag at bumaba na para harapin si Tita.
"Good Morning!" Bati ko sa magkapatid na nagtatawanan na nung nakaapak na ako sa dining area. Kita kong hindi pa sila kumakain.
"'Ma..." Bati ko kay Mama at bineso sya. Lumapit din ako kay Tita "Tita..." bineso ko din sya. Niyakap nya ako. Nagulat pa ako dahil 'di naman nya ginagawa iyon.
"Look at your daughter, Carmina. She's growing too fast," Titig na titig sa akin si Tita. "You really look like your Mom!" Namula ako. Maraming tao ang nagsasabi niyan pero hindi ako sang-ayon. I don't want!
"I wonder kung marami din ang nanliligaw sa'yo," ngumisi ako at umupo na sa tabi ni Mama. Kaharap ni Mama si Tita Mari. "Wala naman po masyado..." Ngumisi din si Tita.
"I'm talking to little Carmina!" She sighed and laughed. No. I'm not like her. And i will never be... "Sana lang ay 'di ka magaya sa kanya..."
"Mariana, don't start with that. Let's just have a peaceful dinner, please," Iniinom ko ang tubig ko. Pero sinubukan mo din kaming iwan noon? Pinilig ko ang ulo ko. Naintindihan ko din naman sya kahit papano.
Masyado lang talaga syang nagmahal...
But like what I've said, I will never be like her. I will never marry someone I don't love so my future family will not suffer. I will marry I man who loves me more than I love myself.
Kinain ko na lang ang lahat para makaalis na din sa harapan nila. "Ano nang balita kay Camilla?" Medyo natigilan ako.
Hinarap ko si Mama. Camilla is my little sister. She was kidnapped during my fourth birthday. That was the saddest birthday I had. Sino nga ba namang matutuwa kung ang kapatid mo ay nakuha ng kalaban mismo noong birthday mo?
My father is good at business. Nagmamay-ari sya ng isang malaking kompanya at hindi maiiwasang magkainitan sila ng kalaban. Dahil sa business na iyon, nawala sa amin si Camilla.
"Still...wala pa'ring balita, Mari," Naibaba ko ang tubig. Nag-init ang mga mata ko at nanginginig ang labi ko. I miss my little sister. I miss her so much. Nasaan na kaya sya? Ayos lang kaya sya?
Biglang may bumusina sa labas. Nagulat ako! Naandiyan na ang mga kaibigan ko!
Tumayo agad ako. "'Ma, I need to go. Tita, it's nice that your back. I need to go. I love you. Take care!" Ngumiti sila sa'kin. Bineso ko ulit sila at lumabas na.
Tanaw ko na sila sa labas. Si Xiumin kasama ang girlfriend nyang si Rayah. Si Luhan naman na katabi ang nililigawan nyang si Ayesha. Umiling ako. Tumingin ako sa unahan at halos maduwal ako nung nakita ko si Tao na may kasama na namang bagong babae.
Ngumuso ako "Tagal mo naman!" reklamo ni Rayah at pabirong inirapan ko. I laughed and shook my head. Pumasok na ako at hinarap si Xiumin. "Hindi mo sinabing naandito na pala ang Mama mo! Nakakakaba kanina habang nagbebreakfast kami,"
He chuckled. "Pasensya na. Hindi ko din alam, e! Ni hindi nga umuwi sa amin! Sa inyo agad dumiretso! Madali lang sya dito sa Pinas, tatlong araw yata?" Inirapan ko na sya.
Tinuro ko gamit ang nguso ko ang nasa kandungan ni Tao sa front seat "Bago nyang pet," tawa ni Ayesha. Magpinsan si Ayesha at Tao. Gaga! Natawa tuloy din ako.
"Bakit mo naman natanong? Selos ka?" Ngumuso ako sa sinabi ni Luhan. Naningkit ang mga mata nya. Bakit naman ako magseselos? Tao is my number one enemy! Why would I?
"Tao! Nagseselos si Tine, o!" Ngisi ni Luhan. Umiling ako. Mataas ang standards ko sa lalaki. Kaya nga ang sabi nila ay tatanda daw akong dalaga. Mas mabuti ng maging matandang dalaga kaysa sa araw-araw kang iiyak dahil sa lalaki.
"Why would I?" Tanong ko. Nakita ko pa ang pag-ngisi ni Tao.
"Gandang-ganda ng araw, o! Nakasimangot ka na naman!" Ngisi ni Tao.
Kita ko pa ang pagsimangot nung bago nyang kasama. Baka sabunutan ako nito! Tanda ko tuloy na dati ay sinugod ako nung ex-girlfriend nya, pinagbibintangan ako kung bakit sila nag-break ni Tao. Malay ko ba at ako lagi ang pinagbubuntungan nila ng galit? Dahil siguro naiisip nila na si Xiumin para kay Rayah. Si Ayesha para kay Luhan. At ako para kay Tao? No way!
"Ako na naman ang trip nyo? Itigil nyo nga ang sasakyan! Stop this fucking van!" Nagulat si Tao sa paghampas ko sa van nya kaya tinigil nya bigla ang sasakyan.
Agad akong lumabas. Magtataxi na lang ako! Kainis! Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko!
Rinig ko ang pagbaba ng isa sa kanila ng sasakyan. Hindi ko iyon tiningnan. Pumapara ako ng taxi ngunit walang nangahas na pasakayin ako!
"Kapag pikon, totoo!" Pinanliitan ko sya ng mata. Inirapan ko sya at nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Wala kang masasakyan! Puno ang mga taxi dahil oras ng pagpasok sa eskwela," binalewala ko ang sinabi nya. May mahahanap ako.
"Just go!" Mariin kong sabi.
Binalewala ang lahat ng sinabi nya. Bumuntong-hininga sya. "Hindi ko hahayaang mag-isa ka dito! Baka kung ano pa ang mangyari. I'm your bestfriend, after all!" Biniro pa nya ako gamit ang last line nya.
"I'm not your fucking responsibility! At higit sa lahat, you're not my bestfriend!" Ngumuso sya. Inaasar pa ako gamit ang ekspresyon nya.
"Hindi ka na ba talaga sasama? Male-late na kami!" Reklamo nya.
"Well, hindi ko naman sinabing makipagbangayan ka sa'kin dito. Pinapaalis na nga kita, e! It's your choice!"
"Taray naman!" Aniya at nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Binuhat nya ako na parang sako! Halos maduwal ako nung binaliktad nya ako!
Pinaghahampas ko ang likod nya "Pakawalan mo 'ko! Sabing magku-commute ako!" Huli na dahil binaba nya ako sa inupuan ko kanina. Sinamaan ko sya ng tingin.
Sumipol si Xiumin. "LQ!" Kantyaw nila. Umirap na lang ako at nagcross arms.
Dali-dali akong lumabas sa sasakyan nina Tao. Ramdam ko ang pagsunod nya sa'kin.
"Ginaya mo ang course na kinuha ko, kaya magkaklase tayo mapa-minor man o major!" Paano nangyari yun? Paano nya nalaman ang schedule ko?
Hinarap ko sya at nagulat ako nung nakita kong may kopya sya ng schedule ko. "Hindi kita ginaya. Why would I do that? E, hindi pa naman ako nahihibang?"
"Hibang ka na, uy!" ngisi nya. Umiling na lang ako kahit na inis na inis na.
"We both have our own family companies. I don't have a choice since I'm the inheritor. Maliban na lamang kung magpresinta ang nawawala komg kapatid," Tinalikuran ko na sya. Kita ko ang pagngisi nya nung tinalikuran ko sya.
Ayaw ko man pero tila nabubuwag ang mga labi ko dahil sa tinatagong nararamdaman. Ramdam ko na namumula na ako. Ewan ko pero kusang ngumiti din ako!
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...