Kabanata XXVIII

79 14 3
                                    

Tanga

Magmamadaling -araw na at iniintay ko na lamang si Ayesha sa terrace ng kwarto ko. Inaantay ko din ang message ni Tao pero masyado yatang natuwa at hindi na ako na-text.

Hindi ko gusto 'to. Nagiging possesive ako! And it's not healthy!

Humiga na lang ako sa kama at inantay na bumigat ang mga mata ko pero hindi ko talaga kayang matulog ng ganito!

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Agad akong bumangon sa pagkaka-akalang si Tao yun. Pero nabigo ako noong nakita kong si Xiumin iyon, tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

"Xiumin..." panimula ko.

Narinig ko ang maingay na tugtog na sobrang nakakahilo. Alam kong sa bar iyon. Ngunit unti-unting humina iyon, siguro'y lumalayo sya para marinig nya ako.

Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. Parang may hindi magandang mangyayari. "X-xiumin..." ulit ko, para malaman nyang sinagot ko na ang tawag nya.

"C-christine..." Hindi na sya mapakali ngayon. Mas lalo akong kinutuban. This seems important. Ngayon ay gising na gising na ang diwa ko kahit na madaling-araw na. "Nasaan ka ba? Bakit parang k-kinakabahan ka?"

He sighed. Buntong-hiningang hindi makakalma. "Nakumpirma ko na. Si Tao at Ayesha nga iyon." Rinig ko sa background, isa siguro iyon sa mga katropa nila.

Ano? Sinundan ba nila si Tao? Anong nangyari doon sa dalawa? "A-ah Xiumin, nandyan ba s-sila? Pwede bang pauwiin mo na sila? M-madaling-araw na kasi, baka kung ano pang--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol iyon ni Xiumin.

"Alam mong magkasama sila? At ayos lang iyon sa'yo?" Medyo galit na tanong nya. Tumaas ang balahibo ko dahil doon. Ramdam ko talagang may mali. Ramdam kong may masamang nangyari.

"B-bakit ka g-ganyan? A-anong ibig mong sabihin?" Alam kong may ipinahihiwatig sya doon. Nagkakaideya na ako ngunit hindi ko kayang tanggapin! Hindi ko kaya! Hindi maaari!

Pakiramdam ko ay nagtitigim na sya ng bagang dahil sa galit. Minsan lang magalit si Xiumin at nakakatakot talaga. "Fuck shit! They're kissing here while you're there waiting for them!" Sigaw nya.

Parang may gumuho sa pagkatao ko. Nanghihina ang tuhod ko at pasalamat na lang sa kama ko dahil nakaupo ako doon. Unti-unti ng nangilid ang luha ko. Hindi! Hindi iyan magagawa sa akin ni Tao! Hindi iyan magagawa sa akin ni Ayesha!

"Xiumin, no... Hindi. Nagkakamali ka lang, Xiumin! Di'ba? Hindi nila sa akin magagawa ito! Hindi nila kayang gawin iyon!" But, then... kahit gaano ko isaksak sa isipan ko na hindi nila iyon kayang gawin, pumapasok din sa isip ko kung naudlot naming date. Mas pipiliin nya nga ba ang makasama si Ayesha kesa sa date namin?

"I wish i was..." Lumabas ako sa terasa ng aking kwarto at doon binuhos ang lahat. Alam kong hindi magsisinungaling si Xiumin sa akin! I ended the call. Ngayon ay nanghihina na.

Maraming tanong na namuo sa isipan ko. Kailan pa naging sila? Bakit wala namang break-up na nangyari sa amin ni Tao? Bakit ang alam ko, hanggang ngayon kami pa din? Bakit sya nakikipaghalikan kay Ayesha? Bakit nagawa nya kaming pagsabayin? Bakit sobrang sakit? Bakit sa lahat ng taong pwedeng magtaksil sa akin ay sila pang dalawa?

Wala akong magawa. Takot akong makagising na iba sa gitna ng madaling-araw. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang ng umiyak dahil sa sakit. Wala akong nagawa.

Pakiramdam ko ay namanhid ako. Pwede bang hilingin na lamang na kahit sa ngayon ay mabura ito?

Itim na kalangitan, mga talang nagtatago, ang bilog na buwan lamang ang nakasaksi ng aking mga hikbi at luha...

May kumalabog sa labas at agad akong bumangon para tingnan kung sino iyon. Baka si Ayesha na iyon.

Tama nga ako at si Ayesha iyon na inaalalayan ni Tao. Napagtantong kong lasing nga sya. Agad ko syang dinaluhan ng hindi tinitingnan si Tao.

"Bakit ba kasi ginabi?" Mariing tanong ko kay Ayesha na nakangisi at pulang-pula. Nakapikit na din ito at animo'y hirap na hirap imulat ang mata. Itinayo ko ulit sya at hinila papunta sa kanyang kwarto.

Hinawakan ni Tao ang kamay ko at pinatigil ako sa ginagawa ko. Bahagya kong inalis ang kamay ko sa kamay nya. Para akong napaso. Nagulat sya dahil sa ginawa ko. Hindi nya siguro alam na alam ko na ang ginawa nila ni Ayesha! Namuo na naman ang galit ko dahil doon.

"H-hindi mo naman kailangang gawin yan. Kaya ko naman syang ihatid. Sabihin mo lang sa'kin ang room. Nahihirapan ka lang eh..." Aniya na nanlalaki pa'rin ang mga mata dahil sa ginawa kong pagtabig sa kamay nya.

"Kapatid ko yang nilasing mo. At tsaka 'wag mo kong kausapin. Amoy alak ka!" Ang isiping nilabag nya ang rule ko ay nakakapagpainit ng ulo ko. Nilabag nya din kaya ang pangalawang rule ko? Hindi sa nagpapakababaw ako. Ngunit, naiisip ko na hindi nya iyon pinapahalagahan at parang hindi nya din ako pinapahalagahan.

"Sorry..." Mahinang tugon nya nung pinasok na namin si Ayesha sa kwarto nya at pinatulog.

Umiling ako ng hindi sya nililingon at lumabas na ng kwarto ni Ayesha. Lumabas din si Tao doon.

"Christine..." Aniya at sinundan ako patungo sa aking kwarto. Pagsasarhan ko na sana sya ng pinto nung dumaing sya. "Aaw!" Impit na sigaw nya. Natatakot yatang may magising.

Nakagat ko ang labi ko at binuksan ng maluwag ang kwarto ko. Pinilit kong itaas ang kilay ko. At ito ang mahirap sa akin. Ito ang kahinaan ko. Hindi ko matitiis ang mga taong mahal ko. Ngunit, sobrang sakit nitong idinulot nila sa akin. At ayokong maging tanga! Hindi ko hahayaang ako'y maging tanga! "A-ano bang gusto mo?"

Hawak-hawak nya ngayon ang kamay nya habang nakatingin sa akin ng masama. "Gusto kong makausap ka..."

Umiling ako at inirapan sya. "Kailangan ko ng matulog. Gumagabi na rin. Umuwi ka na. Pagod na ako." Nagtalukbong na ako ng kumot at pinikit ko ang aking mga mata. Kahit na nakapikit ito, patuloy parin ang luha ko sa pag-agos.

"Gusto kong maging boto sa akin ang pamilya mo kaya ko ginagawa 'to..." Mahinang bulong nya. Ramdam kong lumubog ang isang bahagi ng kama. Gusto nya? Na kahit halikan sya ng kapatid ko, ayos lang? Kasi ano? Para maging boto din si Ayesha?

"Ah! Kaya pala nagpahalik ka kay Ayesha! Ano? Para makuha ang boto nya, tiwala nya?" Kumunot ang noo nya. Ngayon ay mabilis na ang paghinga dahil siguro sa gulat.

I smirked. "Nagulat ka ba dahil alam ko? Lagi nyong siguraduhin na kung gagawa kayo ng kasalanan, dapat patago!"

"Nagkakamali ka ng iniisip, Christine!" Mas lalo akong nainis doon. Ayun lagi ang sinasabi ng mga taong nagkasala sa mga mahal nila. Pero minsan ay ginagamit nila iyong salita dahil talagang niloko nila ang mga mahal nila.

"Lasing kami! I'm not aware of what i'm doing! Nagulat din ako noong hinalikan ako ni Ayesha. I tried to stop her---" Pinutol ko sya.

"You tried? Sinubukan mo lang? Sinubukan mo lang na pigilin sya dahil kalaunan ay nasarapan ka, ganun ba?" Nagulat na naman sya. Ni hindi ko din naman alam kung saan ko nakuha ang mga pinagsasabi ko. Nabibigla na din ako sa mga lumalabas sa bibig ko.

"No... no. Baby please, calm down... Hindi natin 'to maayos kapag mainit ang ulo natin!"

Ngunit hindi ko na sya pinakinggan. Masyado na yata akong pagod para sa araw na iyon na kahit na may malay ako, nakatulog na lang ako bigla.

Nagising ako nung sumikat ang araw sa mukha ko. Pagkabangon ko ay sumakit ang ulo ko. Dahil siguro sa kakaiyak buong magdamag.

Mga alas-diyes na ako nagising. Dahil din siguro sa puyat pag-aantay sa kanila kagabi at dahil na rin sa pag-iyak.

Pakiramdam ko ay muli na namang bubuhos ang luha ko. Hindi ko talaga iyon mapigilan.

Lumingon ako sa bedside table ko. Naandon ang isang sulat.

I hope you'll forgive me... I'm really sorry, baby.

Umiling na lamang ako at hindi na nga napigilan ang luha ko. Bakit ganon? Gusto kong pumunta sa kanya! Gusto kong magkaayos kami! Gusto kong magkasama ulit kami!

Ganon ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? O talagang tanga lang ako?

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon