Kabanata XXXV

88 16 0
                                    

Ate

Siguro nga ay dapat yun na lang ang gawin ko. Pero ayaw ko. Hindi ko kaya...

"Ma'am Christine, isuot nyo na po ang gown nyo!" Napabalikwas ako sa pagbabalik ng baklang nag-ayos sa'kin.

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumayo na sa chair na inuupuan ko. Lumapit ako sa kanya at iginiya nya sa'kin ang dressing room kahit na alam ko naman kung saan. Lumulutang ako habang naglalakad. Wala doon ang utak ko at hindi ko alam kung saan nagpunta.

Nung pumasok ako doon ay laking gulat ko dahil naandon pa'rin ang kapatid ko. Umiikot-ikot ng marahan sa harap ng salamin. Tinitingnan kung may mali ba sa suot nya.

She looks so perfect. Magkamukha din kami at bahagya akong natawa. Maraming tao ang nagsasabi noon bago ko pa malaman na magkapatid kami, ngayon ko lang talaga napansin na totoo nga.

Lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko sya sa repleksyon ng salamin. Di sya nakatingin sa'kin. Patuloy lang sya sa pagchecheck ng mali sa gown nya. Binabalewala nya ang presensya ko. Ayaw nyang pansinin ang presensya ko.

Ito ang taong pakakasalan ni Tao, mismong kapatid ko. How ironic right? Naninikip ang dibdib ko pag naiisip ko iyon. Takot ako sa posibleng mangyari kapag pinili ko si Tao. Ngunit, mas takot ako kapag nawalay sa akin si Tao! I can take the risk! Just to win him! Hindi ko alam na magiging ganto ako! Hindi ko inakalang kaya kong magmakaawa na palayain kami ni Tao!

"Iurong mo ang engagement..." I said. Tiningnan ko si Ayesha na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Napatigil sa paninitig sa sarili sa salamin. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Alam kong mahal pa'rin nya si Luhan. Hindi ko alam kung bakit sya pumayag sa kasalang ito. May plano kami noon na magtutulungan kami ngunit bakit parang umayaw na sya ngayon?

Napakagat ako ng labi ko. Ako na nga lang ba talaga ang lumalaban para dito?

Umangat ang gilid ng labi nya. "Why would i?" Nagulat ako sa tanong nyang iyon. Akala ko papayag sya! Akala ko lalaban din sya! Akala ko...

"What?" No! Sya na lang ang tanging pag-asa ko. I don't care about anything right now! I don't care if our company fails! I don't care if they will got mad at me! Si Tao lang ngayon ang iniisip ko!

Umiling ako. "Cancel that engagement,
Ayesha! Ikaw na lang ang pag-asa ko! Ano bang nangyari sa'yo? Akala ko ba tutulungan mo kami?"

Hinarap nya ako. "Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon, Ate? Hindi mo ba naiintindihan? Papalubog na ang kompanya pero puro puso pa'rin ang inuuna mo!" Nangigigil nyang sabi. Bakit hindi nya makansela itong kasalan na ito? Talaga bang ganun nga? Dahil sa kompanya? O nahulog na din sya kay Tao kaya ganito?

Ibang-iba sya sa Ayesha na nakilala ko. Hindi ko sya kilala ngayon. Bakit bigla syang nagbago? Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya! Puro puso na nga ba talaga ang inuuna ko? Masyado na nga ba talaga akong tanga?

Tinawag sya noong organizer nitong party na ito. Nakatunganga lang ako doon hanggang sa lumabas sya. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi nya! Lumapit ang bakla sa akin at in-assist ako sa pagsusuot ng gown ko.

Maganda ang gown na iyon. Si Ayesha ang pumili at sinukatan lang ako. May fashion sense talaga itong si Ayesha. Alam nya kung bagay ba sa isang tao iyon o hindi. Kung may dapat bang idagdag o wala. Kaso, hindi ko kayang matuwa ngayon. There's a hollow space in my heart.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon