Dysmenorrhea
Linggo ng umaga ay ang sakit-sakit ng puson ko. Lahat sila ay nag-out of town. Ako lang ang hindi kasama dahil sa lintik na puson ko!
Sobrang sakit at feeling ko ay bumubulwak tuwing may nalabas na dugo. Hindi ko na halos mahagip ang cellphone ko na kanina pang tumutunog. Kahit anong tayo ko ay masakit ang puson ko at ang likod ko.
Biglang may tumawag sa cellphone ko pero hindi ko maabot. Masyadong masakit ang puson ko at feeling ko ay parang pinuputol ito.
Ang kama ay puno na ng dugo. Ganoon din ang aking pantulog. Kapag sumisigaw ako ay mas lalo lamang itong sumasakit. Kaya hindi na rin ako nag-effort para sumigaw. Wala din namang makakarinig sa akin. Hindi naman ganito kalakas at kasakit noong iniwan nila ako dito.
Nagising ako nung may lumapat na mainit na kamay sa braso ko. Minulat ko ang mga mata ko. Andun na naman ang sakit ng puson ko. Unti-unting naglinaw sa akin ang imahe ni Tao. "Tao? Anong ginagawa mo dito?" Nakagat ko ang labi ko noong naramdaman ko na naman ang sakit.
"Anong nangyari sayo?" Aniya at sinilip ang kama kung saan ay punong-puno na ng dugo.
"L-lalaki ka, Tao." Hindi nya kailanman iyon maiintindihan dahil lalaki sya! At nakakahiya na isa pang lalaki ang makasaksi nito.
"Kailangan mong magpalit!" What?
"Ha?" Magpoprotesta pa sana ako kaso binuhat na nya ako papunta sa banyo. Agad kong naramdaman ang sakit noong inangat nya ako. "Tao, m-masakit..." Impit kong ungol.
"Shh. Sorry, baby..." Alo nya sa akin.
Nangamba pa ako na baka madungisan pa sya. Mamahalin pa man din ang suot nya, nakakahiya naman kung madudungisan ko.
"Tao, baka magdumi ang suot mo." Hindi nya ako sinagot. Tuloy pa'rin sya sa paglalakad papunta sa banyo at successful naman nya akong nadala doon. Napapikit ulit ak noong maramdaman ko ang sakit.
"Wala akong pakialam kung madumihan ang suot ko," mababang-tonong sabi nya. His voice is husky, it's always been like that. "May kailangan ka ba?" Nakatitig nyang tanong. Ngayon ay alalang-alala sya. Normal lang naman ang ganito sa babae at hindi ko alam kung bakit nahihimigan ko sya ng takot.
"Are you really okay? Do you want me to send you to hospital?" Napatigil ako sa pag-inda ng sakit ng puson. Ospital? Agad-agad?
"This is normal, Tao. Kaya ko 'to," Kaya ko 'to kahit na ang sakit sakit na. Gosh!
He kissed my forehead. "I don't want to see you in pain," aniya sa malambing na tono.
Pakiramdam ko ay namula ako at heto na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Sya lang talaga ang nakakapagparamdam sa'kin nito. "Umalis ka muna. Magpapalit lang ako!"
Kahit na mukhang nag-aalala. Tumango-tango sya palabas ng banyo. Napansin kong wala nga pala akong pamalit kaya tinawag ko sya. "T-tao!"
Agad naman syang lumingon. Nag-aalala syang lumapit sa akin. "B-bakit? M-masakit ba?" Chineck nya ako pero wala naman syang napansin pang iba. Ngumiti ako sa kanya. Sa tanang buhay ko, hindi ko inakalang kakailanganin ko ng tulong ng isang lalaki para dito.
"Pakikuha naman ng panibagong shorts, undies at napkin oh?" Nahihiya kong sambit.
My face is now red. Kung meron man lang isa pang tao dito ay hindi ako hihingi ng tulong kay Tao. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero ugh... nakakahiya!
"Okay. Uhm... gusto mo bang ako ang magpalit sa'yo?" Hindi ko alam kung seryoso ba sya dun o ano.
Kumunot ang noo ko. I was about to curse him but then, he laughed "I'm just kidding! May kailangan ka pa ba?" aniya na natatawa na ngayon dahil sa reaksyon ko.
Jusko! Mauubusan yata ako ng dugo dahil sa mga pinagsasabi nya!
Umiling na lamang ako at hindi pa'rin maka-recover dahil sa mga pinagsasabi nya. Agad na syang umalis doon bago ko pa sya mahampas.
Pumasok ulit sya doon pagkatapos ng ilang segundo, dala-dala ang mga pinapakuha ko sa kanya. I smiled. Good thing, he's here. Kung wala sya baka maghapon akong nakahiga doon at iniinda ang sakit.
Nilagay nya iyon sa isang tabi. "Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka," At lumabas na sya.
Inumpisahan ko na ang pag-aayos kahit na sobrang sakit ng puson ko, minsan ay nadadamay pa ang likod ko dahil sa sakit.
Nang natapos na ako ay hindi ako nag-abalang tawagan pa si Tao. Hawak-hawak ang dingding, unti-unti akong lumalabas sa banyo.
Dali-dali syang pumunta sa akin kahit na inaayos nya pa ang cover ng kama kong nadumihan. "Oh? Bakit hindi mo ako tinawagan?" Aniya at agad akong inalalayan.
"Doon na muna tayo sa salas. I bet you're still not taking your breakfast. Ipagluluto kita, doon ka na mag-intay." Napangiti ako. Inalalayan nya ulit ako pababa.
"Priceless ang mukha mo kanina!" At tinawanan ko pa sya.
I saw a hint of smile before he answered, "I'll probably lose my mind that time," His perfect teeth showed up noong tumingin sya sa'kin. Para bang tumigil ang mundo ko. Napawi din ang ngiti nya at tila nagseryoso.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Sya lang ang nagpaparamdam sa'kin nito, normal ba iyon?
Binasa nya ang labi nya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pinaupo nya ako doon sa salas. Sumakit ang puson ko noong nabaluktot iyon. "O-ouch!"
Nilagay ni Tao ang isang unan sa likod ko at pagkatapos niyon ay hinalikan nya ako sa noo. Napaayos naman ako ng upo dahil doon.
"Wait me here. Magluluto lang ako. I know you're hungry." Ngumiti na naman sya ng nakakaloko. Sinamaan ko sya ng tingin kaya mas lalo syang natuwa. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nya talaga akong asarin lagi. Hindi pa nya yata naalis iyon sa hobby nya pero ayos lang!
Umalis na sya at nagpunta na ng kitchen. Hindi ko alam pero awtomatiko akong napangiti. Ewan ko ba kung bakit. Baliw na nga yata ako.
Dumating sya kaagad kaya inakala kong tapos na syang magluto ngunit inabot nya sa akin ang bote na nababalot sa may kakapalang tuwalya.
"P-para saan yan?" Kahit na may ideya na naman ako kung para saan iyon.
"Ilagay mo sa puson mo. It will help you to feel better." Sya ang nagdampi niyon noong una pero inagaw ko na sa kanya.
Tuwing dumadampi ang balat nya sa'kin, parang may tumatama sa aking kidlat at the same time, para akong kinikiliti. Hindi ko alam kung bakit ganun. Parang laging bago. Baka nga hindi na ako masanay pa.
"Magluluto lang ulit ako." Kumunot ang noo ko pagkaalis nya. He's caring. Hindi ko din alam kung paano nya nalaman ang mga ginagawa nya sa'kin ngayon.
May babae na din kaya syang naalagaan na ganto?
Well, baka nga. Hindi lang naman ako ang babae sa buhay nya. At hindi din naman ako ang una nya. Kung magbabalik-tanaw ka, talagang maraming naging girlfriend si Tao. Baka isa doon, dalawa o higit pa ay naalagaan nya ng mas higit pa sa'kin.
Dumating na sya kasama ang niluto nyang noodles, hotdog at kanin. Wooah! Ang bango!
I was about to move but the pain attacked again. Kita iyon ni Tao. Medyo bumuti naman ang lagay ko dahil noong bote kaso medyo masakit pa'rin.
"Akin na ang pagkain ko!" Umiling sya at ngumiti. Kumuha sya ng tamang amount ng pagkain at hinarap sa mukha ko.
"H-ha?" Kunwaring nagtataka kong tanong ngunit alam ko na kung saan papunta ito.
"Susubuan kita..." Aniya. Hinarap nya ulit yun sa mukha ko.
Wala na akong magawa kundi ngumanga at hayaan sya. Jusko! May dysmenorrhea lang ako, susubuan nya ako? My goodness!
Ano? Masarap bang magka-dysmenorrhea? Oo! Basta si Tao ang nag-aalaga! Charot!
![](https://img.wattpad.com/cover/33718327-288-k339653.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
Fiksi PenggemarLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...