Kabanata IX

108 15 1
                                    

Saksak

"Bullshit, Kyle! Tigilan mo na ako! Hindi na kita mamahalin pa!" sigaw ko. Humigop sya sa kanyang hawak-hawak na sigarilyo at agad niya iyong tinapon.

Lumapit ulit sya sa'kin. "Gusto mong kumain?" Hindi ako sumagot kahit na nangangalam na sa gutom ang sikmura ko. "Syempre kahit nakakulong ka dito, ituturing pa din kitang Prinsesa! Sabihin mo na sa'kin kung anong gusto mong kainin.."

"Wala! Ang gusto ko makaalis na ako dito! Pakawalan mo 'ko, Kyle!" Nagpumiglas ulit ako. Inirapan ko sya nung nakita kong parang wala syang pake.

"May kailangan pa akong pagbayarin. Syempre, pupunta yun dito at magpapaka-prince charming para iligtas ka!" He can't hide the bitterness in his tone.

Hindi ko iyon inalintana. Iniisip ko kung sino ang itinutukoy nya. Hanggang sa nakakuha ko ng ideya kung sino iyon. Kita nya kung paano kami naging attach sa isa't-isa noong laro!

"Huwag mong isali si Tao dito!" sigaw ko. Not that one. Not Tao!

"Lahat na ay inagaw nya sa'kin! Ang basketball, ang rank ng gang, pati ba naman ikaw?" Aniya at umikot-ikit sa kinauupuan ko. "Hindi nya ako inagaw! Ikaw ang nawala! Iniwan mo nga kasi ako kaya ganoon ang nangyari!" Nanlisik ang kanyang mga mata.

"Kaya ngayon, pagbabayarin ko sya." Aniya na parang 'di naapektuhan sa sinabi ko.

"Pupunta yun dito, mahal na mahal ka noon eh!" Tumawa ulit sya. Tumindig ang balahibo ko at napapikit na lang. Hindi sya pupunta! Hindi pupunta si Tao! Tao, huwag kang pumunta!

"Kyle!" Napangiti ako nung marinig ang boses nya ngunit agad ding napawi. Andito sya? Shit! Mapapahamak sya!

Agad lumapit sa'kin si Kyle at ang isa nyang kasama. Hinawakan nya ang legs ko. Gustong-gusto ko syang sapakin sa ginawa nya. "Putangina mo, Kyle!" nangangalaiting sigaw ni Tao.

"Tao...Bakit ka pa pumunta d-dito? Mapapahamak ka!" Nangingilid na ang luha ko. Umiling sya. "Wala akong pake kung magkalat man ang dugo ko dito, mailigtas lang kita!" Nanghihina nyang sabi.

Tiningnan nya ng matalim si Kyle. "Ang yabang ah? Ano pang iniintay nyo? Sugurin nyo na sya!" Utos ni Kyle.

"I will save you, baby... Don't worry. I'll be fine here!" Umiling ako. Wala syang kasama for God Sake!

Napalunok ako ng sarili kong laway nung naiwasan nya ang dalawang lalaking patutumbahin sana siya. Sunod-sunod ang ginawa nyang pagsipa, pagsuntok at kung ano-ano pa sa kalaban.

"Tao! Sa kanan mo!" Kita ko kung paano nya nailagan ang tabla na sana'y ipapalo sa kanya. Napasinghap ako nung kinuha sya ng tatlong lalaki. "Shit, Tao!"

Yung dalwa pa nilang kasama ang nagsusuntok kay Tao. Habang sinusuntok sya ay bumabagsak ang luha. "Putangina Kyle! Ako na lang! Ako na lang!" Pagmamakaawa ko sa kanya na nakangisi lamang habang pinapanood si Tao.

Gustong-gusto kong lapitan si Tao. Gusto kong kumawala dito at tulungan sya! Pinilit kong umalis kahit na dumudugo na ang aking palapulsuhan dahil sa ginagawa ko. Naiiyak ako sa hapdi niyon.

Bumuga ng dugo si Tao. Punong-puno na sya ng sugat at 'di ko maatim na wala akong maggawa para sa kanya!

Tuwang-tuwa sila na makitang nagdudusa si Tao. Malakas sya ngunit napakaimposibleng matalo mo ang 12 tao laban lamang sa isa!

"Tigilan nyo na sya! Nagmamakaawa ako!" Sigaw ko at humagulhol sa iyak. Gumagapang papunta sa'kin si Tao. Gustong-gusto kong maabot nya ako! Gusto ko syang hawakan! Napasandal sya sa tuhod ko. Kita ko pa ang dugo nya sa palda ko ngunit wala na akong pakealam dun.

"Baby, are you okay?" Tanong nya. Bumagsak na naman ang luha ko. Sya yung sugatan at ako pa ang inaalala nya!

"Okay ako, baby. Ok lang ako! Ikaw ang hindi okay! Shit, this is all my fault! I'm sorry, baby!" Gusto kong haplusin ang mukha nya at dalhin sya sa ospital. Sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita ko ang mga sugat nya.

"Wag mong s-sisihin ang s-sarili mo. A-ako ang m-may kasalanan. K-kung hindi l-lang kita pinabay-yaan-"

"Wag ka ng magsalita. Mas lalo kang naghihina..." Pag-aalala ko. Pumalakpak si Kyle na tuwang-tuwa pa'rin sa nakikita. Inilingan ko sya. Ramdam ko ang kumukulong dugo ko para sa taong minsan ko ng minahal!

"Ang sarap nyong panooring nagdudusa. Alam nyo yun?" Aniya sabay hila ulit kay Tao palayo. Pinaningkitan ko ulit sya ng mata. Putangina mo, Kyle! Panigurado akong magbabayad ka kapag nakalabas kami dito!

"Yun na ba yung Rank 2 sa Gang World? Nagtatawag lang ng isa! Tapos palalabanin sa 13 miyembro nila?" Pamilyar ang boses na iyon. Nagtaka ako, maging si Kyle. Saan galing iyon?

Hanggang sa unti-unti silang lumapit. Naaninag ko na kung sino sila. "Exo?" Ngumisi si Kai sa akin. Kita ko pang tinapon ni Chen ang sigarilyo sa gilid.

"Ang bakla naman yata noon, pre?" Sabi ni Luhan kay Sehun na syang nagsalita noong una. Nagkaroon ng liwanag ang mukha ko. They can save us!

"'Di kayo marunong lumaban ng patas, alam nyo yun?" Nakapamulsa pa si Kris noong sinabi iyon. Tumawa ito at tinaas pa ang kilay.

"Rami nyo pang satsat! Umpisahan na lang natin 'to! Nangangati na akong matapos ito!" Ani Baekhyun sabay gulo ng buhok at sinuntok sa isang lalaking susugod sa kanya.

Wala ang pinsan ko at yun ang pinagtataka ko. Magtatanong pa sana ako nung naramdaman kong may nagkalas ng tali ko. Nginisian ko ang seryoso kong pinsan. "Kapag sinabi kong umalis ka na, umalis ka na! Dun ka dumaan sa likod. Mamaya andun na sina Chen!" Bulong nya.

"Paano si Tao?" Di nya ko sinagot. Umigting ang panga nya. "Umalis ka na!" Sabi nya sa'kin. Umiling ako. Tingnan ko sana si Tao at nakita kong may papalapit sa kanyang lalaki na may dala-dalang panaksak.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang tawagin o ano. Ngunit sa huli, pinili kong tumakbo sa kanya kahit na nanghihina ako.

Tumawa ako kay Tao at nabigla sya sa ginawa ko. Naramdaman ko ang pagkamanhid ng aking likod. Sa halip na si Tao ang masaksak ng lalaki, yinakap ko siya para ako naman. Masyadong marami na ang kaniyang nagawa.

Nanlaki ang mga mata ni Tao. Nagmura sya at agad akong kinuha. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha bago ko isara ang aking mga mata.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon