Heard
He's happy. He's really happy. I can tell that by looking at his eyes.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan noong tumakbo ang dalawang bata sa tunay nilang ama. Siguro, sa sobrang saya kaya ako nasasaktan.
It feels so light. Para bang nawala ang tinik sa dibdib ko. Para bang yung mabigat kong dinadala, unti-unting nababawasan.
"Really, Mommy?" ani Tharina na kanina ay malungkot pa.
Hindi man nagsasalita si Troy ay alam kong sobrang saya din niya. Ang lukso nga naman ng dugo!
Tumango ako sa kanila at pasimpleng pinunasan ang luha ko dahil sa sobrang saya.
One reason why I don't want to be with them for a month, I want them to spend more time together. Ayokong mahati ang oras ng mga bata. Gusto kong para lamang ang isang buwan na iyon kay Tao.
Because, it will be their first and last...
He hugged them again, I also saw how his eyes glittered. He mouthed 'thank you' before he kissed the two of them in their head.
With the sunset as their background, it reminds me of our date before. At katulad niyon, I want to stay like this. I want to be this happy. I want to treasure this moment.
I really want to stop the time. If I just can.
"Tito, sakay po tayo doon, o!" ani Troy na akala ko ay pagod na at hindi na makakasakay pa.
Tao looked at me, alam kong iyon din ang gusto niyang gawin kaya tumango ako at pinayagan siya.
Tao smiled, pagkatapos humingi ng approval sa akin ay sa mga anak naman niya humarap. "Ofcourse..."
Si Tharina naman ay lumapit sa akin. My carbon copy... She smiled, mukhang masayang-masaya siya ngayon. "Mommy, sama ka po sa amin!"
Umiling ako. "I am afraid of heights," pagsisinungaling ko. Kita kong ang ferris wheel ang itinuro nila.
Kumunot ang noo niya. "Hindi po ba nakakasakay naman kayo doon kapag naandito tayo?"
Natawa ako sa panlalaglag sa akin ng anak ko. Tumingin ako kay Tao,ngayon ako naman ang humihingi ng permiso.
Ayaw ko siyang sapawan. Gusto kong sa kaniya na lamang muna ang mga bata.
Nakangiti pa rin siya. "Let's go,"
Tumayo ako sa bench na inuupuan ko. Kinuha ni Tharina ang kamay ko habang si Troy naman ang may hawak sa kamay ni Tao.
Tao is watching my every step, ganoon din ako at tinitingnan siya habang palapit ako.
Noong nagkapantay na kami, bumaba ang tingin namin sa mga bata noong sila naman ang naghawak ng kamay. I cried a little. This is just so perfect.
Sa lahat ng mga bagay na itinuro ko sa kanila, ang pagmamahal nila sa isa't-isa ang talagang nangingibabaw. Alam kong kung mawawala man ako ngayon, magiging maayos sila. Magiging maayos sila kahit na wala na ako dahil meron silang isa't-isa.
Nag-angat ulit ang tingin ko kay Tao, nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nakaawang ang labi. I assured him that I was okay, that I am just overly happy.
"Why are you crying, Mommy?" Tharina asked. Nakatingin na pala silang lahat sa akin.
I crouched, nagpantay kami ni Tharina. Tiningnan ko din si Troy sa likuran niya na nakangiti habang tinatanaw din ako.
She wiped my tears. "Are you not feeling well?" nag-aalala pa niyang tanong.
"No, baby. I am fine. I am just happy. Let's go?"
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...