Perfect
"What do you want for lunch?" Tanong nya nung matapos ako sa paglalagay ng lotion sa likod nya. Pinagpawisan ako doon ah? Shemay! Nagiging manyak na talaga ako dito.
Ngumisi sya sa akin. Ewan ko ba kung halata nyang hindi ako mapakali nung nahawakan ko ang mainit nyang likod. I was about to wipe my sweat pero naunahan na nya ako.
Pinahid nya ng dala nyang isang tuyong tuwalya ang noo ko. Masyadong mainit ang kanyang haplos kaya iniwas ko ang aking noo sa kanya. Nagtaka sya at nagsalubong pa ang kanyang kilay dahil sa aking ginawa.
"Ano bang problema? Kanina ko pa yan napapansin ah? Galit ka ba sakin?" Ngumuso sya. Hindi ba nya alam? Urgh!
Umirap ako at nilagpasan sya pero agad nyang hinuli ang palapulsuhan ko at agad akong hinila papunta sa dibdib nya. Nauntog ako sa malakas at matigas nyang dibdib. Bakit ba tuwing magkalapit kami ay pakiramdam ko may mainit?
Nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa bewang ko. Pilit nya akong inilalapit sa kanya kahit na wala na namang espasyo. Naalala ko na naman ang nangyari sa dalampasigan. Mukha yatang hindi ko na malilimutan iyon sa aking tanang buhay!
"Ayaw mo ba ako... dito?"
Napatingin ako bigla sa kanyang mga mata. Ganyan ba ang iniisip nya? Bakit naman nya naisip na ganun?
"Hindi..." Sa totoo lang, gusto kitang laging kasama. Kung pwede nga lang sana. Kaso, mukhang hindi na mangyayari yun. Nakatadhana ka na sa iba eh.
Gamit ang isa nyang kamay na tinanggal sa bewang ko, inangat nya ang aking baba para magtama ang aming mata. Pagod na pagod ang kanyang itsura at hindi ko alam kung paano nya nakuha iyon.
"Hey..." Bahagya syang ngumisi. "You... have a problem?"
Namula ng pisngi ko at alam ko iyon dahil nag-init ito. Mas lalo syang lumapit sa akin. Bahagya ko syang naitulak dahil sa katanungan nya. Humagalpak sya ng tawa at hawak-hawak nya pa talaga ang tyan nya sa pagtawa. Ewan ko ba kung ano ang nakakatawa. Ewan ko din kung bakit ako inis na inis kanina pa.
Iniwan ko na sya dun pero sinundan nya ako pababa. Ano bang problema ng isang 'to? Kanina pa sya ah?
"Oh? May period ka ba?" Napatingin ako sa kanya na ngayon ay hindi pa'rin natatanggal ang ngisi nya. Bakit nya tinatanong? Are we going to do it... now?
Mas lalong lumapad ang ngisi nya ngayong natulala ako sa mukha nya.
Sabi nila, gross daw maki-pagsex kapag meron. At tsaka, mas double daw yung pain kaya hindi iyon nirerekomenda ng doktor para sa mga couple. Bakit nya ba tinatanong? Ano? Gagawin namin ngayon iyon?
Pakiramdam ko ay namula na naman ako ng parang kamatis. Sobrang init ng mukha ko at alam kong nakikita nya ang pagpula ng pisngi ko. Napakagat ako sa labi ko para mapigilan iyon, kaya dun sya tumingin.
Unti-unting nawala ang ngiti nya at biglang nagseryoso. Napanguso ako sa kanya dahil sa biglang pagbabago ng reaksyon nya. Baka naman sya ang may period ngayon. Moodswing eh!
"Fuck..." Mura nya at napahawak sa kanyang ulo. Pakiramdam ko ay hirap na hirap sya ngayon at hindi ko alam kung saang bagay ba sya nahihirapan. Gusto ko syang iwan na lamang doon kaso hindi ko magawa.
Iniiwasan nya ang tingin ko at gusto ko ngayong halikan ang malalambot na labi nya. I want to touch him kaso nakakapaso! I want to touch him kaso baka kung saan mapunta!
"Sabi ni Chanel, baka mamaya ay makapasyal tayo dito. Hindi ka ba nababagot?" Hindi pa'rin ako makatingin sa kanya ng diretso. Ano ba 'to? Abnormal na ba ako?
I nodded. "U-uhm... m-medyo." At bakit ka nauutal, Christine? Ugh! Umayos ka nga!
Marami pa ring tanong sa aking isipan. I just don't want to voice it out, baka mawala ang kaligayahan ko kapag ginawa ko iyon.
Napatulala ako. Trying to figure out their reasons.
Si Mama, gusto nyang masalba ang kompanya. Nakita nyang masaya si Ayesha kay Tao. Every mom wants the best for their children, kaya gusto nyang pakasalan ni Ayesha si Tao. Gusto din nyang makabawi para sa ilang taong nawala si Ayesha sa'min.
Siguro ay hiniling din iyon ni Ayesha. Kaya ayaw iyong iurong ni Mama.
Noon ay ako talaga ang binibigyan ng atensyon ni Mama. Talang tutok sya sa akin. Pero ngayon, bakit parang wala na syang pakealam sa akin? Nagkalamat na ba ang relasyon namin simula noong naging kami ni Tao?
Siguro nga ay kailangan ko lang magpaubaya, magbigay, magpalamang. Napatitig ako kay Tao na nagluluto na ngayon.
Pwede nyang hingiin sa akin lahat, lahat ng mayroon ako. Pero, parang awa na... huwag lang si Tao.
Noong gumabi, wala pa'rin si Ate Chanel ngunit naisipan naming mag-bonfire sa may dalampasigan dahil medyo malamig ang panahon ngayon. Doon na din namin naisipang kumain ng hapunan.
Napakasimple pero parang tumatalon na ang puso ko sa saya. Sobrang ligaya ko na makasama lang sya. Sapat na ito sa akin. Kung pwede nga lang ihinto na ang oras at ganito na lang kami palagi, gagawin ko.
Nakalatag ang isang mat sa buhangin at yun ang ginawa naming upuan. Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Tao habang sinusunog namin ang marshmallow sa bonfire para kainin.
Natigil ako noong tumapat sa mukha ko ang marshmallow na iniihaw ni Tao. Inangat ko ang ulo at napatingin sa kanya. "Say ahh!" Nakangiti nyang untag na parang nagpapakain ng bata. Dahil sa pagngiti nya ay nakita na naman ang perpektong puting ngipin nito. Mas lalo ding sumingkit ang mata nya at halos mawala iyon kapag tumatawa sya.
"Meron akong akin, Tao!" giit ko, tinatanggihan ang marshmallow nya. Meron naman ako at mauubusan sya kung ipapakain pa nya sa'kin yun. "Alam ko..."
"Kainin mo na yan! Ayos na 'tong sa'kin! Luto na nga, oh!" sabi ko at inangat ang marshmallow na inihaw ko sa bonfire.
"Say ahh..." Ngumiti na lang ako at tinanggap ang marshmallow na inaalok nya.
"Alam mo ba na kapag tumingin sa langit ang dalawang taong nagmamahalan, hindi pa'rin sila malalayo sa isa't-isa dahil awtomatikong maiisip nila na nasa iisang mundo pa naman sila." Nakangiti nyang saad. Napakunot ang noo ko doon. Sabagay, tama naman sya.
With only the crashing waves and our heartbeats, the fire that keeps burning, the full moon and it's bright stars. And me with Tao at my side, i think this is so perfect! Wala ng mas sasaya pa dito.
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
Fiksi PenggemarLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...