Kabanata XIII

142 16 1
                                    

Iiwan

Babaling na sana ako kay Tao ngunit nagsalita sya sa tatay nya. "I know her, Dad," Nagpigil akong umirap sa sinabi nya.

Napatingin silang lahat sa'min nasa mesa. "Anak, 'di mo naman nababanggit, magkakilala pala kayo?" Ngiti ni Mama sa akin. Nangangatog na naman ang kanyang labi.

"Just a friend of friend, Ma. Hindi naman kami masyadong close, kaya ganoon..." Kibit-balikat ko. Pinanliitan ako ng mga mata ni Tao. Para syang na-offend sa sinabi ko. Bahala na sya sa buhay nya.

Ramdam ko ang mabibigat na titig nya sa'kin. Hindi ko na lang sya nilingon at nakinig na lang sa usapan nina Papa na puro business na naman. Well, what do i expect?

Alam ba ni Papa ang tungkol sa relasyon ni Travis at Mama noon? Bakit parang hindi?

Narinig ko din ang usapan nila na kamukhang-kamukha ko daw si Lola at Mama nung mga kabataan nila. Fuck!

Nagsimula ang event. Maraming nag-speech sa harap at halos kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman sila naiintindihan!

Tumayo kaming lahat para makipag-toss ng wine. Umupo agad ako nung natapos iyon.

"Nasaan si Xiumin?" Hindi ko na sana papansinin si Tao kaso tumigil pa si Mama para makinig sa usapan namin.

I smiled. Fake smile, by the way. "Hindi ko alam!"

Alam kong naririto din ang ibang barkada kaso sa libo ng tao dito ay imposible ng mahanap ko pa ang mga iyon.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Pumunta ako sa dancefloor at binalewala sya doon. I just want to dance. May lalaking sumulpot sa harap ko. "Wanna dance?" Anyaya nya. I smirked. Tatanggapin ko na sana iyon kaso may tumabig sa kamay nya.

Gustong-gusto kong murahin si Tao na tumabig sa kamay noong lalaki "What are you doing to my girlfriend?" Tanong nya. Gago! Ano bang pinagpuputok ng butsi nito?

Ngumiti ang lalaki. "I thought she's alone. Sasamahan ko lang sana sa pagsasayaw," Umalis na ito ng pandilatan na sya ni Tao.

Hinarap agad ako ni Tao "Sa tingin mo ba gusto kong makita kang makipagsayaw sa ibang lalaki? Tangina, mababaliw ako!" Hindi ko sya pinansin. Bahala sya dyan!

Hinigit nya ang braso ko. "Let's talk, please..." Nagmamakaawa na sya.

Umiling ako at halos hindi makapaniwala sa sinabi nya. "Ayoko!" May diin na sabi ko. Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Lumakas na naman ang pintig ng lintik kong puso. Nanghihina na ako at gusto ko ng umalis.

"Ayaw mo, huh?" May paghahamon sa boses nya. Kinuha nya ang wine na hawak ko at tinapon sa kanya. Agad nya yung binalik sakin. What the hell?

Pumunta na lang ako sa table namin dahil sa inis. Ramdam ko ang pagsunod nya sa'kin na 'di ko pinansin.

"Anong nangyari sa tuxedo mo, anak?" Tanong ni Mrs. Huang. Napatingin ako sa tuxedo nyang mapula ngayon dahil sa wine na binuhos nya sa kanyang sarili.

"Natapunan po ni Christine, Ma. Habang nagsasayaw kami," Nakita ko ang pagkunot ng noo nilang lahat sa akin. Tangina! Ako pa ang pinagbintangan? Ngunit sa halip na maipagtanggol ang sarili ay hinarap ko si Mama na gulat na gulat. "Uuwi na 'ko, Ma. I'm not feeling well.."

Tinanguan ako ni Mama. Lalapit na sana ako kay Papa noong may sinabi sya. "Ibili mo muna ng damit si Tao, anak. Nakakahiya naman at natapunan mo pa," Halos mapairap ako dahil nakita kong nakangisi si Tao. Planado! Malinis! Galing mo! Idolo na kita!

Papa handed me his money. "Dumaan muna kayong mall at bilhan mo sya ng damit." Umiling si Travis. "Hindi mo kailangang gawin yan, Francis. Hayaan mo ng madumi ang anak ko." Napakunot ang noo ko at iba ang naisip sa sinabi nya. Masyado na yatang mahalay ang utak ko?

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon