Mrs. Huang
Nagising ako dahil sa hakbang na mahina. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakatapis lang na si Tao. Agang-aga ang sarap ng ulam! Ang sarap ng nakahain! Kitang-kita ko ang paglandas ng basa-basang tubig sa bawat bitak ng katawan nya. Ang swerte nung mga yun!
"Bakit ang aga mo? Saturday ngayon!" Paalala ko sabay tawa. Baka akala nya ay Friday pa lang, kaya maaga.
"Tawa ka dyan! Out of town daw tayo ng barkada!" Aniya at sinuot na ang boxers nya habang nakatapis pa'rin. Noong nasuot na nya iyon ay kinuha nya ang towel at kinuskos sa ulo nya.
Umupo sya sa paanan ko. Kita ko pa ang ilang parteng 'di nya napunasan. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. Binitawan nya pansamantala ang towel nya dahil kinuha nya ang cellphone nya at may tinext. Nakita kong si Xiumin iyon.
Kinuha ko ang towel at ang ilang parte ay tinuyo ko. Pinunasan ko din ang balikat nya kaya napatingin sya sa'kin. Ngumisi sya at hinila ako pahiga sa kama.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Napakalapit nya sa'kin! Ramdam ko din ang init ng katawan nya. Nasa ibabaw ko sya at pinipigilan ng kanyang binti ang paggalaw ng aking binti. Tinutulak ko sya palayo ngunit mas lalo naman syang lumalapit at tinititigan pa ako na parang ako lang ang babae sa mundo nya.
"Sige, itulak mo 'ko palayo. Mas lalo akong lalapit, Christine. Sige, subukan mo..."
Natahimik ako sa boses nya. Hindi na ako gumalaw pa dahil natakot ako sa banta nya. Ayaw kong lumapit ang katawan ko sa kanya. I gulped when i felt his hardness on my tummy. Fvck!
Napatingin sya sa labi ko. Ganun din ako sa kanya. Ang labing naangkin ko na kagabi. Ang labing malalambot at masarap halikan. Ang labing pagmamay-ari ng lalaking mahal ko.
And yes, matagal ko ng inaamin. Na mahal ko siya. Mahal ko na si Tao!
Unti-unti syang lumapit. Magkalapit na ang mga ilong namin. Natawa pa ako dahil hindi maglalapat ang labi namin dahil ng ilong namin.
Tinagilid nya ang ulo nya. Trying to kiss me. Shit! Nawawalan na yata ako ng supply ng hininga!
He met my lips. This time it's slow. Para bang may iniingatan sya. Para bang may mababasag kapag binilisan nya. I did just closed my eyes and savoured the moment. Hinahalikan nya iyon, palalim ng palalim ngunit walang pinagbago dahil mabagal pa'rin ito.
"WE'RE HERE--WHAT THE HECK ARE YOU DOING GUYS?" Tumindig ang balahibo ko sa sigaw ni Yesha. Shit! Naitulak ko si Tao at nagpatulak naman sya.
Nakangisi syang lumapit sa apat. Kita ko pa ang pagtingin nila sa katawan ni Tao at ang pagpasada ng tingin nila sa nakalaylay kong spaghetti strap. Inayos ko iyon. Masyado yata akong na-carried away at mismong yun ay hindi ko napansin.
"Shower lang ako!" Paalam ko sa kanila na pare-parehong nakanganga maliban kay Tao na abot tenga ang ngiti.
Nagulat ako nung pagkatapos kong maligo ay nandun pa'rin si Tao na nakahalukipkip sa may pintuan. Good thing, nakasuot na ako ng undies ko.
"Asan ang susuotin mo?" Tinuro ko sa kanya ang high waist short at tsaka ang t-shirt kong puti na may anghel.
"Okay na 'tong t-shirt. Yung shorts lang talaga. Sobrang iksi nyan!" Ano na namang problema nito? Panira sa OOTD eh!
"Ano? Wala namang dresscode ah? Wag ka ngang KJ!"
"Ayaw ko nyan, Tine... Sobrang ikli nyan! Di yan pwede sa'kin!" aniya na para bang sobra syang nahihirapan dahil ganito ang isusuot ko.
Sinunod ko na lamang sya dahil hindi nya talaga ako payagang lumabas hangga't hindi ako nagjejeans.
Habang nasa sasakyan kami ay kita ko ang mapanuyang titig ng barkada sa aming dalawa. Tila may gustong itanong ngunit 'di lamang nakakapagsalita at mas pinili na manmanan ang mga kilos namin.

BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...