Kabanata XXIV

114 16 5
                                    

Kailan Kaya?

Yakap-yakap pa ako ni Tao habang nanonood na naman kami ng isang palabas. Napasigaw ako sa sakit ng puson ko. Hinawakan nya mabuti ang boteng ibinigay nya sa'kin kanina at hinilot-hilot pa ang puson ko.

Tumigil sya dun noong huminahon na ako. Binraid nya ang buhok ko. Nagtaasan pa ang mga balahibo ko. Naalala ko ang isang movie about romance. Binraid muna ng lalaki ang buhok ng babae bago nila iyon ginawa! What's happening to me? Dumudumi na yata ang utak ko!

Pasalamat ko noong naghapon ay umayos na ang pakiramdam ko.

"Birthday nga pala ni Lolo. May kaonting salu-salo sa bahay. Inaanyayahan ka nya. Nasabi yata nina Mommy na nakasalo ka nila noong isang araw. Pero kung masakit pa ang puson mo, okay lang kahit 'di na tayo pumunta!" Seryosong-saad nya. Tumango-tango ako. Wala naman akong gagawin mamayang gabi. At tsaka, nabobore ako dito sa bahay. At ang alam ko, bukas pa ng gabi ang balik nina Mama. Baguio iyong pinuntahan nila at hindi naman nila iyon masusulit kung isang araw lang sila doon.

"Ayos na ako! At tsaka, anong tayo?"

"Babantayan kita kapag masakit pa. Maiintindihan naman nila ako." Umiling kaagad ako.

"Ipagpapaalam kita kay Ma'am Carmina!"

"Ako na!"

Kaya noong nag-alas siyete, maayos na ako. Sabi ni Tao, hindi ko na daw kailangang maging pormal. Kaya naman, simpleng dress lang ang sinuot ko. Nag-doll shoes lang ako. Light make-up at kinulot ko ang dulo ng buhok ko.

Bumaba na ako at agad akong inalalayan ni Tao. "You sure you're okay?"

Tumango ako sa kanya. Sinabi ko kay Mama na may pupuntahan lang kami ng classmate ko. Pumayag naman sya. Hindi naman sa ayaw kong malaman nyang si Tao ang kasama ko. Kaso kasi, baka magalit lang sya lalo kay Tao. Lalo na ngayong kami na...

Nagulat ako nung kiniss nya ako sa cheeks bago nya isara ang pintuan. Tinampal ko sya nung nakasakay na sya. "Ang manyak mo!" Tawa ko.

Ngumuso sya. "Kanina ka pang 'di nagsasalita!"

"Pasensya na po, aking mahal na Hari. May iniisip lang po ang inyong Reyna!" Sabay tawa ko. Tinaasan nya ako ng kilay habang nakangisi. Tila tuwang-tuwa dahil sa narinig. "Maari po bang sabihin ng mahal na Reyna ang kanyang iniisip sa kanyang mahal na Hari?"

Natawa ako lalo. Para kaming baliw. "Ang iniisip po ng mahal na Reyna ay ang gwapo nyang Hari!" Kinurot ko ang pisngi nya.

"Mahal na Reyna, baka po mabangga tayo!" Tawa nya ngunit nakadirekta ang tingin sa daan.

Nagstop kami sa may intersection dahil binigyan ng pagkakataon na umandar ang mga sasakyan sa kaliwa. Tao grab that chance to pinch my cheeks too. Pinagkikiliti nya pa ako kaya muntik na akong mauntok.

"Mahal na mahal ng Reyna ang Hari, oh!" Pang-aasar nya. Inirapan ko sya. "Syempre," Mahinang-sagot ko.

Bigla syang sumeryoso kaya sya tumigil sa pangingiliti. Tiningnan ko sya at nakita ko ang masaya nyang mga mata. Napatingin ako sa labi nya at ganun din sya sa labi ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Closing the little space between us.

Dadampi na sana kung wala lang sanang pumitada sa likudan. Natawa ulit ako. Sya naman ay napamura ng mahina. Chance na pala naming makadaan. Sayang!

Agad kaming nakarating sa mansyon ng mga Huang. Agad din syang nilapitan ng isang babae at lalaki na nag-aantay sa labas. Dumiretso ang lalaki sa sasakyan ni Tao, samantalang ang babae ay iginiya kami sa likod ng bahay nila.

Naandun at nagtitipon-tipon ang mga Huang. Naandon si Mommy, Daddy, Don Theodoro, isang dalagang nasa high school siguro at dalawang pares ng mag-asawa.

Lumapit na kami doon. Natahimik sila at kinabahan ako noong nakatingin silang lahat sa akin. Nabasag ang katahimikan noong tumawa si Don Theodoro. "Naandito na sila! I can hear the wedding bells!"

"Lolo!" Natatawang saway ni Tao sabay lagay ng kamay sa balikat ko.

"So, umpisahan na natin?" Tanong ni Don Theodoro. Umupo na kaming lahat.

"Who's that girl, Kuya?" Tanong nung babaeng sa tingin ko ay high school. Makikinis ang kanyang mapuputing balat, singkit, ang kanyang labing parang kay Tao, pinkish ngunit ito ay manipis. Lagi ding nakatawa! Matatangos ang ilong at well-formed ang kilay. Straight din ang brown nyang buhok na bumabagay sa kanya.

"U-uhm. This beautiful lady beside me is Christine Faye Park. Anak po ni Carmina at Francis Park. She's my wife!" Ngisi nya. Napa-'o' shaped ang bibig nung katabi ng babaeng maganda, sa tingin ko ay nanay nya yun.

"I'm Helena Ortiz-Huang. You can call me 'Tita Helena'. And this is my husband, Tom. You can call him 'Tito Tom'," Nakatawang-saad ni Ma'am Helena. Tinuro nya pa ang lalaking katabi nya. Inayos nito ang salamin nya at ngumiti sya sa akin.

"I hope you know me, Christine..." Tawa ng isang Ginang sa tabi ng batang babae. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang natawa. "Tita Tammy at Tito Aries, kayo po pala..." Tumayo ako at nagbeso kay Tita Tammy. Hinug ko si Tito Aries. Kilala nila ako dahil madalas kaming mag-overnight kina Yesha.

"Maayos ba si Ayesha sa inyo?" Nakatawang-saad nya.

Nakabalik na ako at hinarap ko sila. Nagkatitigan pa kami ni Tao dahil sa tanong ni Tita Tammy. "Opo. Masayang-masaya nga po sina Dad at nahanap na nila si Ayesha,"

"I miss my baby girl. Kahit ang Kuya Andrei nya na lagi nyang kabangayan, miss na din sya." Hinanakit nya. Ngumiti lang ako sa kanya. I didn't know what to say. "Pero masaya ako para sa kanya," Tawa nya sa akin.

"Hi, Ate! Ako naman si Zophia Haidee Trixia Ortiz-Huang. Oo! Mahaba! You can call me 'Zofia' or anything. If that whats you make comfortable!" Ngiti nya sa akin. Nakalahad pa sa'kin ang kamay nya na agad kong tinanggap.

The dinner went well. Naging komportable ako. Puro biruan at tawanan ang naririnig dahil nung mga lalaki.

"Pasensya ka na at talagang masaya lang kami! Akalain mo ba naman na si Tao ay magpapakilala ng babae?" Tawa ni Tita Helena.

"Yes, Mommy! Puro laro lang kasi sa babae ang alam nya eh! At tsaka we made a promise. Kung magdadala man kami ng babae o lalaki. Dapat sya na talaga hanggang huli!" Sang-ayon ni Zophia na kinukulot-kulot pa ang buhok nya. Namula ang pisngi ko. Kami nga ba hanggang huli? I know, i love him more than anything. Pero, hindi porket mahal mo o nagmamahalan kayo ay kayo na hanggang dulo. Bakit si Travis at Mama?

"Nung una ay si Andrei ang nagpakilala ng babae, nagkaapo sa tuhod agad ako! At ngayon, gusto ko na ng pangalawang apo sa tuhod. Feeling ko malapit na ang katapusan ko!" Ani Lolo. Yes, he asked me to call him 'Lolo' a while ago. Muntik na akong mabilaukan. Agad syang sinaway ng tatay ni Tao kahit na natatawa.

Meeting his family is one of the best feeling in the world. It's really such an honor. It's really my pleasure. Habang tinitingnan ko ang pamilya nila... Hindi ko maiwasang isipin na, kailan ko kaya maipakikilala si Tao kina Mama? Kailan kaya maayos ang lahat? Kailan kaya?

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon