Kabanata III

195 17 6
                                    

Napakadamot

Nakalipas agad ang isang buwan naming pagpasok. Tuwang-tuwa ang barkada nung natapos na ang isang linggo naming pagsasakripisyo sa paaralan. Nakaalis na din si Tita Mariana, hinatid pa namin sya kanina sa airport.

Ayesha:

Let's bond! Let's celebrate too! Akalain nyo yun? Nakaraos tayo sa isang buwan sa school?

Chat ni Ayesha sa Group Chat. Sabado ng umaga.

Rayah:

Saan naman?

Luhan:

Try natin sa bar? Payag ba?

Xiumin:

Ayos ako dyan! Basta ba kasama si Babe!

Luhan:

Babantayan ko ang akin. Hahaha!

Tao:

Sasama ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Online pala sya? Agad akong nagtipa ng chat.

Ako:

Kailan? Saan?

Tao:

Sasama ka?

Napabangon ako sa higaan ko. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.

Ako:

Maybe..It depends!

Ayesha:

Mamaya. 8 pm. Sa bar nina Luhan. Hanggang dun palang tayo kasi menor de edad pa ang iba sa atin.

Ako:

Okay. Game!

Ngumuso ako nung hindi agad sila nagreply. Kumatok si Mama. Sinaraduhan ko muna ang laptop saka sya pinagbuksan.

"Yes, Ma?" Tanong ko. Ngumiti sya sa'kin.

Niyakap nya ako. "May nakapagsabi na there's a big possibility na dinala ng mga Ochoa ang kapatid mo sa America!"

Kitang-kita ko ang ngiti nya. Ang mga Ochoa ang kumidnap sa kapatid ko noong nag- 4 years old ako!

Nakakapagtaka nga noon dahil bigla silang nawala! Nagniningning ang kanyang mga mata. Ganun din naman ako.

There's a big possibility na makakasama ulit namin sya! There's a possibility na magiging buo ulit kami!

"I'm going to America! Mga 5 days din siguro iyon. Para ito sa kapatid mo. I hope you understand, Tine!" Tumango ako.

"I understand, Mom. Wag kang mag-alala. I will be fine here. Basta hanapin mo lang si Camilla!" Sabi ko sabay palis ng luha. Naluha dahil sa sobrang saya.

"Alam na ba 'to ni Dad, Ma?" Tanong ko. Hinaplos nya ang buhok ko "He's going there too!" Isang ingay ang narinig namin.

"Nasa labas na yata ang private plane na pinadala ng Papa mo. I will miss you, anak. I love you. Always take care!" Aniya sabay halik sa noo ko.

"Ma, aalis nga po kami ng mga kaibigan ko mamaya." Pahabol ko na agad naman nyang sinang-ayunan. Hinatid ko sya palabas at naroon na nga ang private plane namin.

I waved as goodbye. Kumaway din si Mama noong umandar na ang private plane.

Bumalik ako sa taas at binuksan ulit ang laptop. Una kong nakita ang message ni Luhan.

Luhan:

Haha! Basted ka ngayon, pre!

Nag-back read ako at napatakip sa bibig noong mabasa ang chat ni Tao.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon