Kabanata XXXIX

83 14 4
                                    

Realidad

Tinanaw ko na lamang ang mga nagniningning na bituin sa langit mula sa sasakyang aking lulan. Bumibilis ang takbo ng sasakyan dahil siguro sa sobrang luwag naman ng daan.

Paano nagniningning muli ang bituin kung ang ilan ay papatay na?

I smiled at the thought. My way in asking is very harsh, i know. Sabi nina Mama noon, ang mga bituin at buwan daw ang nagsisilbing gabay natin sa kadiliman. Sinabi pa nga nila noon na ang mga bituin na iyon, maaring isa doon ay ang mga taong mahal natin na pumanaw na. Hindi naman ako naniwala noon. Pero naniniwala ako na ang mga bituin ay ginawa para pagkonektahin ang dalawang taong nagmamahalan.

Sabi nga ng taong nasa aking alaala, kapag tumitingin tayo sa langit at buwan, pakiramdam natin ay iisa lang ang dalawang pusong nagmamahalan. Magkahiwalay nga pero kung titingnan mo ang kalangitan, maiisip mo na nasa iisang mundo pa naman kayo.

It's funny how the things changed upside down in the past seven years. Maraming nagbago, maraming nawala. Maraming natapos...

At kapag may natapos, may nagsisimula. Noong natapos ang isang yugto ng aking buhay, nagsimula ang kasunod na yugto nito. Natapos man iyon, nagpapasalamat pa'rin ako. Kahit naging masakit at mahirap iyon sa akin, nagpapasalamat pa'rin ako.

"Mommy!" Piyagak ng aking isang anak habang natutulog sya. Agad kong hinaplos ang kanyang ulo at hinalikan iyon. It's 3 o' clock am now. Nakikita pa'rin ang mga bituin dahil madilim pa naman.

I sighed when she calm down. Halos araw-araw na syang binabangungot. At paulit-ulit lamang ang panaginip nyang iyon. Isang lalaki, na pilit syang kinukuha.

Naglaho ang kunot sa noo ni Catharina at unti-unting umayos ang kanyang paghinga. "Anong nangyari kay Tharina?" Nagising si Kyle na nasa unahan na nakaupo.

Umiling ako para balewalain na lamang nya iyon dahil mukhang naabala pa sya. "Nanaginip lang sya pero ayos na naman. Matulog ka na ulit!" Pansamantalang ang driver muna nila ang nagmamaneho dahil nagpapahinga si Kyle. Salitan kasi sila ng driver sa pagmamaneho.

"Ikaw ang dapat matulog. Anong oras na at bakit gising ka pa?" Ngumiti lamang ako sa kanya napangisi din sya sa akin.

Kyle is my fiancee. Ang sabi, magpapakasal sana kami kaso naaksidente lang ako. I suffered from Amnesia. I guess they are telling me the truth. Siguro naman... Pero, hindi ko din alam?

Sabi nila, bata pa lang daw kami ni Kyle ay mahal na namin ang isa't-isa. Nagkalayo, ngunit pinagtagpo pa'rin ng tadhana. Naging kami daw ulit at nagkaanak kami. Balak na nya sanang magpropose, kaso naaksidente ako.

Pero bakit ganun? Parang may kakaiba? Iba ang nakikita ko sa mga panaginip ko! Bakit mas ramdam ko iyon? Bakit sa tingin ko yun ang totoo?

O baka pagkatapos noon ay saka ko ulit nahanap ang sarili ko kay Kyle? Pero bakit mas malakas ang pakiramdam kong niloloko nila ako? Niloloko nila akong lahat?

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa likod ng backrest nya. Unti-unti nyang binaba iyon para mas mahawakan ng maayos. Napatingin ako doon. Finding the same feeling when i'm with the man in my dreams... pero nabigo lamang ako. B-bakit wala?

Matagal ko na iyong napapansin pero...

Inalis ko ang kamay nya. Bahagya syang nagtaka pero hindi ko na iyon pinansin. Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko. I browsed my facebook account.

I searched for 'Tao Huang' pero wala akong makitang resulta. Did he blocked me or what? I searched again. This time it's 'Zeijano Tao Huang'. At doon pa lamang may lumabas.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon