Kabanata XXVI

94 16 2
                                    

Bakit sya Umiiyak?

Pagkatapos ng laban nila ay lumabas ako at pumunta sa tagpuan namin ni Tao. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ni Tao. Baka nagshoshower lang o nakikipag-celebrate sa mga kabarkada nya.

Umupo ako sa isang bench doon. Halos wala ng tao dahil kanina pa naman natapos ang battle. Ang ilaw sa puno ang nagbibigay liwanag sa'kin.

Napapayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig na dulot ng hangin. Balak ko na sanang i-text si Tao nung may nakita ako sa aking harapan.

K-kyle?

Papunta sya sa direksyon ko. Kailangan ko ng umalis! Natatandaan ko ang huling ginawa nya noong huli naming pagkikita!

Hindi pa ako nakakalayo ay nakuha na nya ang kamay ko. "K-kyle..." Nanginginig na sinabi ko. Pinilit kong kumawala. Nanlalamig ako hindi lamang dahil sa ihip ng hangin kundi dahil din sa mga mata nyang sobrang lamig kung makatitig.

Unti-unti akong nanghihina at hinihingal pero hindi pa'rin nya ako pinapakawalan. Kasabay ng pagtaas-baba ng dibdib ko ay ang unti-unting pagbabago ng kanyang mata. Kung dati ay malamig ngayon ay uminit. Pumungay ang kanyang mga mata.

"Christine, let's talk..." Nanghina na ako ng tuluyan dahil sa nagsusumamo nyang mga mata. Napaupo ulit ako sa bench, ngunit sa pagkakataong ito ay kasama ko na sya.

"Christine, hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan," Pahayag nya. Ni hindi ko sya matingnan dahil sa galit ko sa kanya. He almost killed Tao! At ginamit nya pa ako.

Pero, heto ako ngayon. Pinagbibigyan pa sya. Umaasang matatapos na ang gulong ito. "Christine, i missed you..." Bulong nya.

Naningkit ako at napatingin sa kanya. "You missed me after what you did to me? I doubt that, Kyle..." Malamig na utas ko.

If this is the only way to get rid of this! Kung ito lang ang magiging susi para pabayaan nya ako at si Tao, gagawin ko!

"Christine..." Hinawakan nya ang kamay ko. Para akong napaso kaya inalis ko ang kamay ko sa kanya. "Don't touch me!"

Kumislap ang mata nya. "I'm really sorry, Christine. I'm really sorry..."

"Hindi ko alam na ganun ang mangyayari. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na itinuloy!" WTF?

"At hindi ko alam na kaya mong gawin yun. Kung alam ko lang edi sana hindi na kita pinagkatiwalaan!" Sigaw ko. Naluluha ako at nanghihina. Lahat ng pangyayari ay bumuhos sa'kin. Simula noong nanligaw sya at iniwan nya ako. Hindi ko na sya mahal ngunit masakit pa'rin sa akin dahil iniwan nya lang ako bigla!

"Christine, i'm really really sorry... Pumunta lang ako dito para kausapin ka sa huling pagkakataon! At maipaliwanag ang atin noon!" Umiling ako habang patuloy pa ang pagpatak ng luha ko. Anong ibig nyang sabihin?

"I didn't mean to leave you. Hindi ko ginustong ilayo ako sa'yo. Hindi ko talaga ginusto. Pero nagkakomplikasyon si Dad sa kanyang kalusugan. Kailangan nya ako dun, Christine. Pero, alam kong kailangan mo din ako!" Unti-unting pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Umiling ako at halos hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Bakit 'di mo hinayaang intindihin ko?" Kaya kong intindihin iyon! Kaya kong magtiis! Kaya kong magsakripisyo! Noon! Noong panahong mahal ko pa sya!

Lumuhod sya sa harap ko at mabilis na hinagod ang buhok nya. "I'm sorry, Christine. I'm sorry... I'm sorry... Masyado akong nanghina at nawalan ng lakas! Natakot ako! Natakot akong matapos lang ang relasyon natin dahil sa magkalayo lang tayo! Dahil hindi natin nakayanan!"

"Pero sana, naniwala ka sa'kin. Naniwala kang kaya ko, kaya mo. Basta magkasama tayo!" Patuloy na dumaloy ang luha sa aking mga mata. Thinking about those hell years!

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon