Best Day
Nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto. "Tao..." Ang madilim nyang ekspresyon ay unti-unting lumiwanag. "Ah. D-Daddy, tinatawag na po kayo ni M-mommy. Aalis na po yata kayo." Tumango si Daddy at umalis na. Nagpaalam muna sya bago kami iniwan ni Tao.
Aalis na din sana ako nung hinigit ako ni Tao at niyakap. "Narinig mo ba?" Hinawakan nya ang magkabilang-braso ko. Tumango ako. Bumuga sya ng hininga at unti-unting nanghina. Para bang nahihirapan sya sa sitwasyon na ito.
"Narinig mo naman ang sinabi ko, diba?" Aniya. Kumikislap na naman ang singkit nyang mga mata.
Tumango ako. Oo! Narinig ko. At natatakot ako kasi alam kong lumalalim na ng lumalalim ang nararamdaman ko para sa'yo! Natatakot ako dahil pakiramdam ko ay kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo!
"Are you mad?" Hinawakan nya ang pisngi ko. Hinawakan ko din ang pisngi nya. Umiling ako. "No! Natatakot lang ako..." Pag-amin ko.
Naningkit lalo ang mga mata nya. Hindi ko maiwasang mapansin na kahit anong anggulo ay gwapo sya. Sumeryoso man sya o nakatawa, napapakabog nya pa'rin ang puso ko.
"Bakit?"
"Natatakot ako dahil sa tingin ko ay kapag lumalalim na ang nararamdaman ko para sa'yo ay hindi na ako makakaahon pa!" Pag-amin ko. Umamin ako para makampante sya. Nagulat ako nung tinulak nya ako sa malapit na dingding. May bumagsak pang frame kaya tiningnan ko. Ngunit, agad nyang hinuli ang tingin ko. Inangat nya ang baba ko. Nanlalaki ang mga mata ko nung unti-unti syang lumapit. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Gustong-gusto ko talaga 'pag may nasasabi kang nakakapagpabilis ng abnormal kong puso!" Aniya at ngumisi.
Hinaplos-haplos nya ang babang labi ko. Dinampian nya lang yun ng mababaw na halik. Shit! I want more! Ngunit, di na ako pumalag. Baka mas lalo ko lamang kaadikan!
"Malapit tayo sa kama ko, kaya hindi pwede!" Ngisi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay ulit kaming umupo sa sofa.
Hanggang sa naisip ko. We're doing a real couple thing. Nasabi na naming mahal namin ang isa't-isa. We kissed too, hindi ko na mabilang kung ilang beses nya. We're sweet as candy!
"Tao..." Naka-focus ako sa TV nila nung tinawag ko sya. Kita kong napatingin sya sa'kin. He kissed my hand na hawak nya. "What is it, my Queen?" Ngumisi ulit sya. Napakagat ako sa labi ko at feeling ko ay nagtaasan ang balahibo ko dahil sa tinawag nya.
Bumuntong-hininga ako. Kailangan ko talagang itanong 'to para manahimik na ako! Wala ng hiyaan! "Tao, ano ba tayo?"
Nagseryoso sya bigla at tila may inisip. "N-nanliligaw ako sa'yo! Matagal na!" Aniya sabay ngisi na para bang nakalimutan ko.
"Ha? Hindi ko alam! Wala kang sinasabi!" Tumawa sya at nilagay ang kamay ko sa pisngi nya. "Action speaks louder than words!"
Tumikhim ako. Inalis nya ang kamay ko. Nag-focus na lang ako sa panonood ng Action Movie sa Fox na pinili ni Tao. Namumula na naman yata ako! Wala syang sinasabi na nanliligaw sya! Hindi ko alam!
Hinawakan nya ang isa kong kamay at pinaharap nya ako sa kanya. "Christine..." Sya naman ngayon ang tumawag sa pangalan ko.
Tinaasan ko sya ng kilay. Bumuga sya ng hininga. "It's my first time asking a girl to be with me. So please, bear with me..."
"Eh, si Ate Chanel?" Tanong ko sabay nguso. Feeling ko binobola ako nito. Hindi ba nya ito naitanong kay Ate Chanel noon? Imposible, nanligaw sya noon sa kanya! Paanong hindi?
"Hindi naman dumating sa punto na tinanong ko sya,"Giit nya. Tumango na lang ako at pinagtaasan ulit sya ng kilay.
Bumuntong-hininga sya. "Christine, i know you see me how to flirt with other girls, having my bad habits, see me how to fight. But, kaya kong mawala yun lahat sa akin basta ikaw ang kapalit. I know it's weird. Bigla ko na lang naramdaman ang pagtibok ng puso ko sa'yo. Ilang beses na ba kitang nakasama? Ilang beses na ba kitang inasar? At ngayon ko lamang ito naramdaman! Nakakatawa diba?"
"Pero, ngayon. This jackass is going to be serious. This jackass can leave his bad habits for you. And this jackass, is asking you to be his girl!" Tumawa sya at may nilabas na isang kahon. Nagulat ako at napatakip sa bibig ko. Tumulo ang luha ko. Parang inaalok nya lang ako na magpakasal sa kanya.
"Can you be my girl, Christine Faye Park-Huang?" Tumawa sya. Hinampas ko ang braso nya dahil sa idinugtong nya sa pangalan ko.
Hindi ako makapaniwala. Sobrang saya ko! Daig ko pa ang nanalo sa lotto! "Yes, Tao. Yes..." Niyakap ko sya. Alam kong mabilis. Ngunit, talagang mahal ko sya.
Iba pala talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa'yo. Noon, akala ko sa romantic drama lang meron nito. Ngunit, talagang nagbago. Dahil andito sya sa harap ko.
"I love you, Baby..." Aniya at yinakap ako. Halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay pareho kami ng nararamdaman. Pakiramdam ko ay sobrang saya nya.
"I love you too, Baby..." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. Sobrang saya ko dahil ngayon, may pinanghahawakan na ako sa kanya. Parang napakasarap tawagin na, Girlfriend ni Tao Huang!
"Date tayo!" Anyaya nya.
"Saan?"
Ngumisi sya. "Sa Star City?" WTF? Hahaha. Pumayag ako dahil masaya naman ang mga rides doon.
Hawak-hawak nya ang kamay ko pagbaba namin sa sasakyan. Ito ang pinakauna naming date at talagang excited ako. Nakakapasyal naman kami noon ni Kyle ngunit bakit parang iba ngayong si Tao?
Agad nya akong hinila sa bilihan ng ticket. Tuwang-tuwa sya at parang batang ngayon lang nakapamasyal. Pinicturan nya pa ang mga kamay namin na may tatak. Dami nyang alam.
Hinila nya ako sa Gabi ng Lagim. Nakangiti pa sya at kita ko na naman ang mga babae sa gilid na nangingisay sa kilig. Bakit kahit nasa akin ang atensyon nito ay nakaka-attract parin sya? Well, he's too handsome to ignore.
Kinuha ko ang braso nya at agad ko iyong pinulupot sa braso ko. Sorry, girls! This handsome boy you're drooling at is already mine! Ngumisi ako nung narinig ko ang bigo nilang hinaing.
Nag-neon ang suot namin pagpasok namin. Kita ko pa'rin ang ngisi nya sa akin. Nagulat ako dahil may sumigaw bigla don.
"AHH!" Nakalabas ako ng puro tili lang. Tawa ng tawa si Tao nung nakalabas kami. Actually, hindi naman nakakatakot. Sadyang nakakagulat lang.
"Mapupunit na ang damit ko sa kakakapit mo!" Halakhak nya. Inirapan ko sya. "Ang inaasahan ko kasi ay yung parang nasa perya. Malay ko bang manequin lang at naka-max yata ang volume kaya nakakagulat!"
Tawa pa'rin sya ng tawa hanggang sa nakalabas na kami. "Jungle Splash" Basa ko dun sa isang karatola. Kita ko kung paano bumagsak ang log sa tubig. Muntik na akong mabasa niyon. Ang lakas! Gusto kong subukan.
Agad kong hinila si Tao papunta dun. Natatawa pa'rin sya at hindi daw makaget-over sa mukha ko nung nasa Horror House kami. Nakakuha pa daw sya ng picture.
Inalalayan nya ako pasakay sa log. Nagtaka pa ako kung bakit hindi ako tinulungan noong lalaking staff na nagpapasakay sa log. Sumakay din si Tao sa harap ko ng walang kahirap-hirap. Itinulak na kami nung lalaki kaya napasigaw ako sa excite.
Una naming station ay yung mababa lang. Hindi ko in-expect na parang naiwan ang puso ko pagbaba namin sa first station. Hindi pa ganon kataas tulad ng pangalawang station pero dahil sa biglaan at mabilis na paggalaw ng log ay parang gusto ko ng sumuko.
Tatawa-tawa na naman si Tao at binuhusan pa ako ng tubig. Kumuha din ako at binuhos ko sa kanya. Nakarating na kami sa pangalawang station at salamat ko nung tumigil kami sa taas. Nag-stock!
"Kumapit ka!" Binelatan ko lang si Tao na ngayon ay seryoso na. Binebelatan ko pa lamang sya nung biglang gumalaw ang log. "TAO!" sigaw ko at napayapos sa kanya ng sobrang higpit. "Sabing kumapit eh!"
Kung naiwan ang puso ko sa pang-unang station, dito naman pati kaluluwa ko na!
Nabasa kami ng bahagya dahil sa malakas na pagbagsak ng log. Natawa pa kami. Nasundan pa iyon ng mga ibang rides. Hanggang sa nakita namin ang sunset. Kitang-kita pa namin dahil nasa ferris wheel kami. Hinawakan nya ang kamay ko. Hinawakan nya din ang pisngi ko gamit ang isang kamay nya. Ngumiti sya sa'kin. Kita kong tumama sa mukha nya ang sinag ng araw.
This is the best day of my life!
![](https://img.wattpad.com/cover/33718327-288-k339653.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...