Hindi Ko Kaya
Inabot ko ang noodles kahit na para syang lintang nakadikit sa'kin ni hindi ko man lang magawang alisin dahil mismong ako ay nagugustuhan ko iyon. Para syang batang naglalambing.
Sinalin ko sa isang bowl ang noodles. "Kumalas ka na muna.." Mahinahon kong sabi. Kumalas naman sya at umupo na lang sa silya at humalukipkip. He really looks so cute at gusto ko na lamang na pisilin ang pisngi nya!
Habang inaantay na medyo lumamig ang noodles ay kinuha ko muna ang temperatura nya. "39? Shit, Tao! Kaylangan mo ng pumunta sa ospital!"
Hindi sya nakinig sa akin. Umob-ob lang sya at 'di ako pinansin. "Tao!" Tawag ko. Kahit kailan! Ang tigas ng ulo.
Di sya kumibo. "Tao... Pumunta na tayo ng ospital. Ang taas ng lagnat mo!"
Nakaub-ob pa'rin sya at tila walang narinig. Tulog na ba ang isang 'to? Tulog na agad? Pagod kaya ito?
Hinawakan ko ng dahan-dahan ang ulo nya. Pagod na nga siguro...
Muntik na akong mapatalon nung hinawakan nya ang kamay ko. Dahan-dahan nya itong binaba. Tumaas ang kilay ko para pagtakpan ang libu-libong boltahe ng kuryenteng aking nararamdaman.
Pinagsalikop nya ang daliri namin. Inangat nya. Hinalikan nya ng marahan ang likod ng aking kamay. Shit! Tangina! Yung puso ko! Pwede na yata akong magsuka sa init ng tyan ko!
"U-uy...Tao!" Fvck! Nauutal ako!
"Hmm?" His voice was husky. Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang balahibo. Nag-iinit ako. Shit!
Napalunok ako. What if? What if binubuhay na sya ng pagnanasa? What if gusto na nyang gawin iyon? What if yayain nya ako? Shit! Papayag ba ako? Am i ready? Kaya ko bang ibigay yun sa kanya? Shit lang!
Namula ang pisngi ko. Nakailang mura na ba 'ko? Yung puso kong lintik! Ano ba 'to? Tinagilid nya ang ulo nya na para bang sinusuri ako. Tinagilid nya ulit ang ulo nya sa kabilang direksyon naman. "Bakit mapula ka?"
Tangina! Tinatanong pa ba yan? "Ha? N-namumula ako?"
"And you're stuttering too.." Ngumuso sya. Tiningnan nya ulit ang mga kamay naming magkahawak. Tinitigan nya iyon na para bang isa iyong himala. Isa iyong milagro. Isang magic. Isang pangyayaring imposible. "Kahit na gusto kong gawin 'iyon' para maangkin ka, hindi ko muna gagawin yun. Syempre, nirerespeto kita. Magagawa ko din naman yan, sa tamang panahon..."
"Kaya humanda ka 'pag dumating ang tamang panahon na yun. Papagurin talaga kita. Hindi ako magsasawa..." Halakhak nya. Sinapak ko na.
"Hindi talaga ako magsasawa. Hanggang sa maging adik ka at hahanap-hanapin mo 'ko..." Ayaw ko ng magmura. Simula yata nung naging close kami ay puro mura na lang ang lumalabas sa bibig ko!
Inirapan ko sya. Adik na ako at hinahanap-hanap na kita, kahit 'di mo pa yan nagagawa! Kumunot ang noo ko. Ano ba ang mga pinagsasabi ko? Ni hindi ko man lang 'to naisip noon kay Kyle!
"Tumigil ka nga!" Agad naman akong nakawala dahil pinakawalan nya ako habang natatawa pa'rin. Ang sigla! Ganyan ba sya 'pag maysakit?
Dinampian ko ang braso nya ng tuwalyang basa. Napasigaw naman sya. Aniya ay malamig daw.
"Gagaling ka agad kapag pinunasan mo ang katawan mo nito!"
Inirapan nya ako. At sya pa ang nagtaray? Pupunasan ko sana ang kili-kili nya ngunit iniwas nya iyon sa akin habang natatawa.
May kiliti siya sa kili-kili!?
Nag-evil smile ako kaya napanguso sya. Mas lalo ko syang kiniliti. He grumped in annoyance. Kikilitiin ko na sana ulit sya kaso kinuha nya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Napaupo ako sa lap nya. Hinarap ko sya para sumbatan kaso na-realize ko na sobrang lapit namin sa isa't-isa!
Ilalayo ko na sana ang ang mukha ko nung hinila nya ulit ako. Nakatitig sya sa mga mata ko at gusto kong mag-iwas ng tingin dahil sa init ng mga mata nya.
"Tao..." Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit. Na para bang mawawala ako kinabukasan.
"Mahahawaan talaga kita 'pag hinalikan kita." Sinaway ko ulit sya dahil hindi kami matatapos nito kung makulit sya. Kinukulit-kulit nya pa ako at sinasabing subuan ko daw dapat sya. May sakit daw sya at nanghihina, kahit 'di naman halata na ganun. Pero dahil sa 39°c na lagnat nya, sinubuan ko sya.
Ngising-ngisi sya habang sinusubuan ko. Nung nilapit ko sa kanya ang kutsara ay dumaing ito dahil mainit daw. Inirapan ko sya at ako na mismo ang naghipan noon para sa kanya.
Napatingin ako sa kanya habang ginagawa ko iyon. His mouth is half-open. Nakatitig din sya sa bibig ko. Tumikhim ako kaya sa mata ko nabaling ang atensyon nya.
"Bakit ba kasi kailangang mainit pa 'yang noodles na yan?" Masama ang tingin nya sa'kin at ganun din ako sa kanya.
Iritadong-iritado! Parang matanda sa ligalig! "Para po pagpawisan po kayo!"
Ngumisi sya. May masama na namang sasabihin yan, panigurado! "May alam akong routine na makakapagpapawis sa'kin. Yung tipo bang mapapasigaw ka sa sarap-" Binatukan ko na. Namumula na ako at tuwang-tuwa sya 'pag ganun ang reaksyon ko. Napakamanyak talaga ni Tao!
Inasar nya ako ng inasar hanggang sa matapos ang pagkain nya. Tumayo na ako at naghugas ng pinggan. Habang ginagawa ko iyon ay may yumakap sa tyan ko. Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. Gumalaw pa ako dahil nakiliti ako. Ayan na naman si Tao! Naglalambing na parang bata!
"Punta ka na sa sofa..." Malambing nyang sabi. Hinawakan ko ang kamay nya at kinalas iyon. "Di'ba sabi ko pumunta ka na sofa? Susunod ako!" Saway ko sa makulit na si Tao.
"Gusto kitang kasama. Baka kasi may mangyaring masama sa'kin dun, natatakot ako!" Umiling na lang ako at pumayag sa kagustuhan nya kahit alam kong nagsisinungaling sya.
Noong natapos na akong magligpit, hinila nya kaagad ako sa sofa. Pareho kaming umupo doon at nagulat ako noong humiga sya sa lap ko habang nanonood kami ng romantic movie.
Dun na sa part na nagma-make love sila. I disturb myself. Hindi naman talaga ako tumitingin sa ganun. Kinuha ko ang thermometer na automatic sa lamesa sa harap ko at nilagay ko ulit kay Tao. "Tingnan mo yung lalaki..." Utos nya na ginawa ko naman.
"Oh?" Tanong ko ng naguguluhan habang nakatingin sa lalaking half-naked na ngayon.
"Puro lust lang yung nasa mata nya. Wala akong nakikitang pagmamahal." I want to ask him kung paano nya nalaman ang mga iyon, pero naisip ko din na dahil expert sya kaya ganun.
"Anong point?" Bakit nya 'to sinasabi sa'kin ngayon?
"Wala... Baka kasi dumating ang panahon na hindi rin naman ako... para alam mo ang hitsura ng lalaking mahal ka kapag iyan ang ginagawa niyo. Baka lokohin ka lang ng iba," And now he's concerned, huh?
"Ng iba? Bakit? Di mo ba ako lolokohin?" Ngumisi ako sa kanya. Nakatitig sya sa'kin at walang pagbibiro sa kanyang mga mata. Nawala ang ngisi ko. Masyadong mainit ang mga titig nya at hindi ko maipagkakailang bumilis ang takbo ng puso ko!
Tumunog ang thermometer kaya tiningnan ko iyon. 36°c na lang! Thanks God!
Nakangiti pa ako dun ng bigla syang nagsalita. "I can't promise pero..."
"Hindi... Hindi ko kaya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/33718327-288-k339653.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanficLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...