Kabanata XXIX

93 15 4
                                    

Paano ako?

Simple lang ang naging takbo ng buhay ko sa tatlong araw na dumaan. Gigising ako, kakain ng walang kasabay, papasok ng walang pinapansin, uuwi na pagod, magpapadala ng hapunan, gagawa ng gagawin at tutulog.

Sina Mama ay nagtataka sa mga inaakto ko. Sinasabi kong wala lang ito. Ayaw kong malaman nila ang nangyayari and besides wala naman silang ideya na dahil ito sa relasyon namin ni Tao.

Maraming beses akong tinetext ni Tao kaya hindi ko na binunuhay ang cellphone ko. Palagi syang inaaway ni Luhan kapag lumalapit sya sa'kin.

Tumulo na naman ang luha ko na agad kong pinunasan. Kailangan kong maging matapang! Kasi sa panahong 'to pakiramdam ko ako lang! Wala akong kasama o ano! Wala akong masasandalan! Hindi ko pwedeng sandalan ang mga kaibigan ko, may koneksyon sila sa dalawa kaya ayoko!

Gusto ko na lang sanang kalimutan ang lahat pero paano? Lagi kong nakikita si Ayesha dito sa bahay at hindi naman tumigil si Tao sa pangugulo sa akin!

May kumatok kaya tamad akong tumayo at pinagbuksan si Mama na nakangiti. Pinilit kong ngumiti para sa kanya. "Ma!" I kissed her forehead.

"Napapunta ka dito?" Puna ko. Pumalakpak sya sa harap ko at para talagang tuwang-tuwa sa sasabihin nya.

"Anak, get ready okay? May pupuntahan ulit tayo!" Excited na parang teenager na sinabi ni Mama. Ngumiti ulit ako at tumango sa kanya.

Pumapalakpak ulit sya at umalis. Hindi ko alam kung bakit sya tuwang-tuwa. I think, there's really something special. At ang espesyal na iyon ang nakapagpakaba sa akin.

Ilang oras yata akong nakatitig lamang sa kisame. Iniisip kung ano ang nangyari sa loob ng tatlong araw. Tumulo na naman ang luha ko. Bakit tuwing naiisip ko iyon ay naluluha ako? Bumibigat na naman pakiramdam ko at ayaw ko nito!

Huminga ako ng malalim at pumikit bago bumangon. Kung nagmamahalan man sila ay wala na akong magagawa. Pero kung malaman kong hindi mahal ni Tao si Ayesha, ipaglalaban ko sya. Kung ako ang mahal ni Tao, mamahalin ko din sya kahit na may masagasaan pa kami.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin habang nag-aayos. Tanging ilaw lang ng salamin ang lumiliwanag sa kwarto ko. Naka-messy bun lang ang buhok ko at naka kulay beige na dress lang ako na talaga namang kumakapit sa katawan ko. Hanggang gitna lang ito ng hita ko kaya kitang-kita ang legs ko.

I was about to put an earring when i saw a reflection of a man standing in my back. Natamaan ng ilaw ang kanyang mukha ngunit kahit hindi iyon mangyari ay kilala ko na sya. Kilalang-kilala ko sya kahit na naka-tuxedo sya ngayon.

Hindi ko sya pinansin kahit na naalibadbaran ako sa titig nya. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang titig nya sa damit ko. Napatigil pa sya sa hita ko kaya pinagtaasan ko sya ng kilay. "What?"

Suminghap sya at tinitigan na ako sa mukha. "I want us to talk!"

Umigting ang panga ko at pinilig ko ang ulo ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at parang gusto ko na lamang syang takbuhin at yakapin. "Wala na tayong dapat pag-usapan..."

Huminga sya ng malalim nung hinarap ko sya. Binaling nya sa iba ang paningin nya at nakita ko na naman na kumislap ang gilid ng kanyang mga mata. "Wala nang tayo, ganoon?" Sarkastikong sabi nya. Umiwas ulit ako ng tingin at kinagat ang labi. I want us to happen again, Tao. Pero masyado na akong nilalamon ng galit ko.

"Wala nang tayo..." Mahina kong tugon. Kumikislap na din ang gilid ng mga mata ko at ayaw kong makita nya yun.

Tumawa sya at umiling. "Ayaw ko!"

Napatayo ako dahil sa mala-tuso na tinig nya. "WTF, TAO? AYAW KO NA! KAYA PWEDE BA?"

"Ayaw mo na, pero gusto ko pa. Hindi lang sa'yo nakasalalay ang relasyon natin. May karapatan din akong magdesisyon!" Kinagat ko ang labi ko. Pinipigilan ko na ang sarili ko na yakapin sya at hilahin pabalik sa akin. Bakit ganito ko sya mabilis mapatawad? Bakit hindi ako makatagal ng galit sa kanya?

Napatigil ako ngunit hindi ko sya hinaharap. Ayaw kong harapin sya dahil baka tuluyan ng masira ang pader na binuo ko sa pagitan namin.

"Ganun lang ba kadali sa'yo? Mahal kita, Christine. Mahal na mahal... Huwag namang ganito..." Nagulat ako nung marinig ko ang pagpiyok nya sa huli. Naiyak ba sya? Tiningnan ko ang repleksyon nya sa salamin at kita ko na ang luha sa kanyang pisngi.

Hinarap ko sya para kumpirmahin kung totoo nga at napatakip ako sa bibig ko nung nakita kong ganun nga!

Naisip ko nung niyakap ako ni Kyle. Agad nya akong pinatawad. Madali lang para sa kanya kasi mahal nya ako.

Hindi ko alam kung sino ang nagtulak sa akin para puntahan sya at yakapin. Hindi ko kaya! Iniisip ko pa lang na mawawala sa akin si Tao, hindi ko kaya!

Tanga na kung tanga dahil pinatawad ko agad sya, pero mahal na mahal ko sya. At di ko kayang mawala sya sa'kin...

Lumuha sya para sa'kin. Kitang-kita ko sa luha nya na ayaw nya akong mawalan. There's a love and passion in that tears... Ganun nya ba ako kamahal? Mahal nya din ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya?

"Sorry, Tao... Nadala lang ako ng galit ko!" Tuluyan na nga... Tuluyan na ngang nasira ang pader na binuo ko. I really really love him at ngayon ko lang naranasan 'to.

"I understand, Christine... Ako dapat ang mag-sorry. Promise, i will never do that again. Never ever..." Hinarap nya ako. "Kasi mahirap... Sobrang hirap. Para akong pinapatay tuwing nilalayuan mo 'ko."

Napabitaw ako nung magliwanag ang kwarto ko. There... I saw my Mom standing near at my room's door. What is she doing here?

Pakiramdam ko ay namutla ako. Nakita nya kaya kami ni Tao?

Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. Ayaw kong masira ang imahe ni Tao kay Mama. Ayaw kong mabulgar muna sa kanila ang katotohanan na kami ni Tao, dahil pag-iinitan nila ito. I know my mother...

"Ma, sinusundo nya daw ako. Ako na lang pala ang hinihintay!" I said then i forced a laugh to erase the awkwardness in the atmosphere. My mom did just nod so i decided to go downstairs and run to the car immediately.

I don't know which car we will be using. Wala na akong nagawa kundi intayin na lang sina Tao. Kasama nya si Ayesha sa pagbaba at hindi ko maiwasang bumuntong-hininga dahil sa selos na nararamdaman. Ulit. Oo na! Aminado na akong nagseselos na ako!

Pinagbuksan nya si Ayesha sa passenger seat. Nilingon ko sina Mama at nakapasok na sila sa Prado namin. Hindi ko alam kung kanino ako sasabay ngunit huli na ang lahat at pinagbuksan ako ni Tao sa front seat. Umalis na sina Mama bago pa ako sumakay. Kita kong nakahinga si Tao dahil sa ginawa ko. Akala nya yata hindi ako sasakay.

Tumigil kami sa stop light at nakita ko na naman ang titig nya sa hita ko. "Your dress is too short!" Napanguso ako at hindi na lang sya pinansin dahil baka mag-away pa kami.

Nakarating kami sa isang restaurant. Agad iginiya sa amin ang VIP Room. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay kasama pa namin si Tao. Kasama ba sya sa dinner? Kinakabahan ako, naiisip ko pa lamang na kasama nga sya. And it's strange... very strange.

Nanlaki ang mga mata ko nung naandon ang lahat ng Huang. Andito din ang lahat ng mga Jung. Sina Lolo, Tito Tom, Tita Helena, Tita Tammy, Tito Aries, si Andrei kasama ang anak at asawa nya ay pare-parehong nakangiti sa akin. What's happening?

Nakatingin naman sa kilos ko sina Ate Chanel, Tito Cain, Tita Mariana, Xiumin, Tito Mike, Tita Leonora at Lola sa akin. Napapabuntong-hininga sya habang nakatingin sa akin.

Umupo na kaming lahat. May sinabi si Papa pero hindi ko iyon masundan dahil sa abala ako kakatingin sa mga pamilya ni Tao.

"Kasabay ng pagsasama ng dalawang kompanya, ang Huang Group of Companies at Park Group of Companies. Aking tinatawagan ang natatanging tagapagmana ng Huang Group of Companies, Zeijano Tao Huang!" Napaangat ako ng tingin sa nakakunot na noo na si Tao na tumabi na kay Papa. Pumalakpak ako kasama nila. "At ang aking anak, Camilla Frizzae Park. Para inaanunsyo na sila ay malapit ng ikakasal..." Natigil ako sa pagpalakpak.

Napatingin ang angkan ni Tao sa akin na parang nagtataka. Ngunit, wala doon ang atensyon ko. Ikakasal? What?

Umiling ako. No...

Tiningnan ko si Tao at nakita ko ang mga mata nyang may bahid ng pag-aalala at pagtataka. Nagkibit-balikat sya. Ikakasal sina Ayesha at Tao. Bakit? Paano nangyari? Paano?

Tiningnan ko sina Mommy na naawang nakatingin sa'kin. Si Daddy na pilit na ngumingiti. Nangigilid ang luha ko. Hindi... Hindi pwede. Paano ako?

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon