Kabanata XXXVI

80 16 0
                                    


Kompleto

Tanging agos ng dagat lang ang aking naririnig nung bumaba ako sa bahay nina Ate Chanel para maligo. Madaling-araw na noong dumating ako dito.

Naandito ako ngayon sa isang Private Property ng pamilya nila Ate Chanel sa Nasugbu, Batangas. Kung saan payapa at tahimik. Hindi man gaanong malayo sa Manila, tahimik naman dito at makaka-relax ako!

Gusto ko na lang munang makapagpahinga at hayaan sila sa mga plano nila doon. Wala na din naman akong magagawa di'ba? I wiped my tears. Nag-uumpisa na naman ito sa pagtulo.

Tumayo ako. Sisisid na lang siguro muna ako para mawala ito. Tama! Yun na nga ang gagawin ko!

Inalis ko ang robe na nakayakap sa aking balat. Revealing my black two piece. Para sa akin ay ayos lang naman itong katawan ko. Hindi nga lang pang-model, pero ayos na!

Sumisid ako ngunit hanggang sa mababang parte lang ako dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Hindi gaanong mataas ang sikat ng araw kaya hindi masyado masakit sa balat. Umahon ako mula sa pagkakasisid para makakuha ng tamang hangin. Sumisid ulit ako pagkatapos niyon.

Aahon na sana ulit ako ngunit sa kasamaang palad ay hindi maabot ng mga paa ko ang buhangin. Napapunta yata ako sa malalim na parte! Shit! Tinaas ko ang dalawa kong kamay kahit na alam kong walang makakakita niyon. Ang mga body guard nina Ate Chanel ay naandon sa may gate. Si Ate Chanel siguro'y natutulog pa dahil sa pagod sa pagsundo sa akin. Wala din syang katulong dito kaya iilan lang kami! Shit! Gustong-gusto ng sistema ko ng hangin ngunit hindi ako makalanghap.

Patuloy ko pa'ring tinaas ang mga kamay ko. Alam kong may tutulong sa akin!

Unti-unti ng nanghihina ang aking sistema. Inipon ko ang konti kong lakas para maiwagayway pa ang kamay ko.

Until someone snaked his/her arms around me. Hindi ko na alam kung sino iyon. Basta gusto ko na lamang makalanghap ng sariwang hangin na kanya namang ginawa noong inangat nya ako.

Dali-dali nya akong nilapag sa buhangin. I gasp for more air. Masyadong mabigat ang talukap ng aking mata kaya ako nakapikit.

"Shit! Baby..." Tumindig ang balahibo ko noong narinig ko ang boses ng mabuting samaritanong ito. Kilalang-kilala ko iyon at sya lang ang tumatawag sa akin niyon!

Unti-unti kong minulat ang aking mata na biglang nanlaki. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at ngayon ay gusto ko na lamang na lumanghap pa ng maraming hangin.

Nagkagulo-gulo na naman ang sistema ko. Mas magulo pa noong nalulunod ako!

Hinawi ni Tao ang buhok kong tumabig sa aking mukha. Nanlalaki pa'rin ang mga mata ko. Bakit sya nandito? Bakit? Paano nya nalamang andito ako?

Tinuko nya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang side ko. Hindi ako makagalaw. Kahit na gusto kong itulak sya palayo ay hindi ko magawa dahil masyado akong nanghihina. Wala pang isang araw ngunit miss na miss ko na agad sya. Hindi ko iyon itatangi!

"Hmmm... Who told you to wear two piece here?" Aniya at inamoy-amoy ang aking leeg. Shit! Feeling ko ay nagsitayuan ang balahibo ko. Bakit ba ganito ang epekto nya sa'kin? Kayang-kaya nya talagang guluhin ang sistema ko! At yun ang dapat kong iwasan! Hindi pwedeng ganto dahil nakatadhana na sya para sa iba!

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon