Pag-iisipan ko
Hinawakan ni Tao ang kamay ko at pinaghahalikan iyon. My heart melts because of what i see. Mahal na mahal ko sya at gusto ko syang ipaglaban. Baliw na nga yata ako at hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon lang ako nagkaganito.
Humiga sya sa lap ko at titig na titig pa'rin sa magkahawak naming kamay. "I always dream of this. Tayo... Magkahawak kamay. Nagmamahalan. Handang harapin ang problema ng magkasama..." Mahinang-pahayag nya.
Hinaplos-haplos nya ang buhok ko. "Christine, mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita kaya hindi kita bibitawan. Ipaglalaban ko 'to hanggang huli. Ipaglalaban ko 'to, Christine kahit na talikuran ko ang buong mundo..."
Kung ano man ang nararamdaman ni Tao ay ganun din ang nararamdaman ko. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay. I will never let go of his hand. We will both fight for this!
His eyes sparkled habang nakatingin sa langit. Napatingin din ako dun at hinayaan ang mga mata kong namnamin ang ganda niyon. "Mamatay na ang lahat ng bituin sa langit ngunit hindi ang pagmamahal ko sa'yo. I know it's crazy pero alam kong ang nararamdaman kong ito ay panghabambuhay na..."
Natawa sya sa kanyang sinabi. "I'm being corny here!" Malamig na untag nya. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Isa lang talaga ang nakumpirma ko, tulad ng sinabi ni Tao, ang nararamdaman kong ito ay panghabambuhay na...
"Why are there so many body guards outside?" Tanong ko kay Mama na busy sa pagpirma ng mga papeles. Papasok na sana ako kaso nakita kong marami ang mga taong nasa labas. Malalaki ang mga pangangatawan at nakakatakot. Mas marami talaga sila ngayon kumpara noong pinabantayan ako ni Mama noon.
Binaba nya pansamantala ang kanyang salamin at humalukipkip. "Why? Alam kong hindi ka aalis sa tabi ng Huang na iyon!" Nag-igting ang panga ko at gusto ko na lamang sumabog dahil sa inis. Ano na naman ba ang gusto nyang mangyari?
Umalis na ako dun bago ko pa mapagsalitaan ng kung ano-ano si Mama. Hawak-hawak ko ang ulo ko at sumakay na lang sa Prado namin. Tinext ko na din si Tao na huwag na nya akong sunduin.
Bababa na sana ako ng Prado ko nung nakita ko si Tao sa may gate at nakahalukipkip. Nanlaki ang mga mata nya nung nakita ang Prado namin. Kita kong bumaba agad ang mga body guards ko mula sa kabilang sasakyan. Para akong Kinder!
Kita ko sa peripheral eye view ko na umambang lalapit si Tao. Agad ding umaksyon ang isa kong body guard. Bahagya akong umalis at hindi ko pinansin si Tao para lubayan sya nung body guard.
Hindi ba sila nag-iisip? I can text Tao. Kaya ko ding tumakas tulad noong huli. Magkatabi din kami at magkaklase sa lahat ng subject. Ano pa bang bisa nito?
Nakangisi ako habang pumapasok sa room. Itinext ko si Tao.
Tao:
Sorry. Gusto ko lang layuan ka nung mga body guard na yun. Tumabi ka sa'kin lagi ha? I love you.
Pagkababa ko ng cellphone ko ay nakita ko na ang madalas na inuupuan namin ni Tao. Nagulat ako dahil meron ng pangalan doon. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Luhan na nakangisi na sa'kin at nakapangalumbaba. Iniiwasan tingnan ang katabi nya.
Tao, Christine. Yun ang nakalagay sa dalwang upuan. Sino ang may gawa nito? Si Luhan?
"Hindi ako. Yung boyfriend mo!" Ani Luhan habang nagkulunwaring may sino-shoot na bola sa ring. Hobby nya yan, kapag walang magawa.
"Mag-usap tayo mamaya..." Mahina nyang sabi ngunit sapat na para marinig ko. Kita ko si Ayesha na napasulyap kay Luhan bago sa akin. Tumikhim sya at nag-iwas ng tingin. May epekto pa'rin sa kanya si Luhan?
BINABASA MO ANG
The Casanova's Greatest Love
FanfictionLahat ng lalaki ay pinapangarap at tinitingala si Christine. Christine Faye Park is beautiful, talented, rich, smart, and kind. Kayang-kaya nyang tumayo sa sariling paa. She's the daughter of one of the major business tycoon in their country. Ano pa...