Kabanata XXI

100 16 5
                                    

Mahal na Mahal ko sya

Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya. "Camilla..." Iyak ko. She hugged me back. "Ate..." Umiyak din sya.

All this time, nasa paligid ko lang pala ang matagal ko ng hinahanap, ang matagal ko ng inaasam na makasama. Masyado yata akong bulag at 'di ko napansin iyon.

Sa likod nya ay nandun ang pamilya ko, namin. "Christine, meet your sister Camilla," Ani Mama at hinagod ang likod ko.

"Ma'am Christine, tawag na po kayo sa hapag!" Pinagbuksan ko ng pintuan si Manang. Kitang-kita ko ang kanyang kumukulubot na balat at ang kanyang maputing buhok. Matagal na nga din syang nanglilingkod sa amin. Ngumiti ako. Pinakita ko lang naman na handa na ako.

Sabay na kaming pumunta sa baba ni Manang. Naabutan ko silang nagtatawanan na. Umupo ako at natahimik sila.

Alam nilang may tensyon sa pagitan namin ni Mama. Ngunit, hindi naman iyon siguro sinasabi ni Mama kay Papa. Ayaw sigurong maungkat ang nakaraan!

Tahimik lang ako habang sila ay parang pamilyang sobrang saya. Natapos ang kain namin na hindi ako nagsasalita. Nagpaalam lang ako sa kanila na aalis na ako. Hindi ako makahinga tuwing sila ang kasama ko. Pupunta na muna ako sa condo ni Tao.

At dahil naandito si Papa, walang mga body guards. Syempre, mautak si Mama! Alam nyang magtataka si Papa kung bakit meron nun, at ayaw nyang malalaman ni Papa ang tunay na dahilan.

Habang nagtatraffic ay nagtext ako kay Tao.

Christine:

Tao, dyan na lang muna ako sa condo mo. Pwede ba?

Ngumuso ako at pinindot ang 'Send' button. Sana naman ay pwede. Wala pang minuto ay nagreply na sya.

Tao:

Dalhin mo na lahat ng gamit mo at dito ka na tumira. Wait! Susunduin kita!

Feeling ko ay namula ako sa unang sentence na sinabi nya. Shit! Bakit ba ganito ang epekto nya sa'kin.

Christine:

I'm driving now.

Tao:

Pasaway! Ano bang sabi ko sa'yo? I can be your driver, Tine. But yeah! Wala na akong magagawa. Don't drive too fast, alright? I love you. I can't wait to see you.

Christine:

Alright, Babe. I love you too.

Nagreply agad sya.

Tao:

I love you most. Wag na pong magreply. Focus!

Umayos na ang trapik at nakarating na agad ako sa condo ni Tao. May susi ako dun kaya 'di na ako nag-abalang kumatok pa.

Pagkadating ko ay walang tao. Tahimik at walang bakas ni Tao. Asan yun? Alam naman nyang pupunta ako, di'ba?

"Got you..." Mainit na hininga ang naramdaman ko sa leeg ko. Naramdaman ko din ang marahang-haplos nya sa tyan ko. Ngumiti ako at hinarap si Tao. Niyakap nya ako at inangat. Nilagay nya ako sa sofa nya. "Diba sabi ko magdala ka na ng damit mo?" Halakhak nya sa tenga ko.

Tinampal ko ang dibdib nya. "Ewan ko sa'yo, Tao!" Feeling ko ay namumula na naman ang pisngi ko. Binuksan nya ang TV at naghanap sya ng channel. Napunta sya sa HBO at saktong ang paborito kong love story ang palabas!

"So... Bakit ka pumunta dito?" Seryoso nyang tanong sa'kin. Nakakalong pa'rin ako sa kanya kaya madali lang akong nakalingon. Mula sa TV napalipat sa'kin ang kanyang mga mata.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon