Epilogo

8 1 0
                                    

This is the epilogue. I hope you will watch or listen to the media while reading. Ang kantang iyan ay madalas kong ipinapatugtog ngayon ngunit hindi ko alam na magagamit ito mismo sa istoryang ito. It was meant for my other story but I think this song fits more for Christine and Tao. No matter how far they go, how long they reach, they will always get back at each other's arm. They are now each other's home.

-----

The more I see that she's happy without me, the more I am convinced that maybe things ended between us. Na baka nga hanggang doon na lamang. Na baka iyon na talaga ang huli. That was the end between us.

I don't have any against it. Kung saan siya masaya, doon ako. Palaging kasiyahan niya ang pipiliin ko.

Her happiness. Even if it means pain and grief for me.

Hindi ako kontra sa kanila ni Kyle at wala din naman akong karapatan na kumontra kahit na kasal kami.

I remembered what happened when I was eleven years old. Nagising ako sa malakas na sigawan sa labas ng kuwarto ko. Isa na naman iyon sa mga gabing nag-aaway ang mga magulang ko ngunit hindi katulad ngayon, halatang malala na sa lakas ng sigawan. Kadalasan ay pinipigilan pa nila ang lakas ng boses nila para hindi ko marinig.

"Hindi ko na alam kung kaya ko pang paniwalaan ka!" sigaw ni Mama.

Bumaba ako para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas at nakita kong nagkalat ang mga damit ni Mama at mga damit ko habang pilit niyang pinagkakasya iyon sa isang malaking maleta.

Patuloy siyang inaalo ni Papa, kita ko ang marahas na pagpunas ni Mama sa luha niya. Binawi niya ang kamay niya sa hawak ni Papa. Umiling-iling siya at ayaw nang pakinggan pa si Papa.

"Nag-usap lang kami, Zenita. Tinapos ko na ang lahat ng meron sa amin. Huwag mo namang gawin sa akin ito," Papa hugged Mama from the back. Hindi man tumutulo ang luha ay kita ko pa rin ang lungkot at takot na iwan siya ni Mama.

"Sa tingin mo, tapos na rin ba sa kaniya ang lahat? Mahal na mahal ka pa rin niya hanggang ngayon!"

Kumawala si Mama sa pagkakayakap kay Papa.

"Ano naman ngayon? Kung mahal niya ako, hindi na mahalaga iyon-"

"Hindi mo rin talaga naiintindihan, ano? Ako ang sumira sa inyo. Kung wala ako, siguro kayo na ang nagkatuluyan! At huwag mo akong niloloko, dahil alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon," Napaupo na sa sahig at nanghihina na si Mama.

Hindi ko mapigilang magalit. As a kid, I am smart. Noong pitong taong gulang pa lamang ako ay alam ko na. Alam na alam ko na kung ano ang nangyayari dahil kahit saan din naman ay naririnig ko iyon. My Papa had a past with someone. At galit na galit ako sa babaeng iyon dahil sa ginawa niyang pagsira sa pamilya ko.

"Ako na ang mag-aalaga kay Tao. Hindi mo na kami kailangang ipagtabuyan dahil kami na ang lalayo," ani Mama at tumayo muli kahit nangangatog ang tuhod.

Alam kong sa oras na iyon ay mahuhuli na nila akong nakikinig sa kanila ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko para tumakbo o umalis sa kinatatayuan ko, o baka dahil ayaw ko din naman talagang gumalaw para malaman nila na naandoon ako at nakita ko lahat.

Na naandoon ako at nasasaktan. Baka kapag makita nilang nasasaktan ako, magiging maayos pa ang relasyon nila. Baka mapilit pa nilang magsama para lang sa akin, para lang sa anak nila.

"Tao..." My mother was stunned when he saw me. Pilit pa rin siyang ngumiti at binalewala ang lahat na parang walang nangyari.

Bumalik ang tingin ko kay Papa at nakita kong nahihiya siyang tumingin sa akin, patuloy na nakatungo.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon