Kabanata XVI

120 17 3
                                    

Kissed

Balak akong ihatid ni Tao sa bahay. Sinabi kong huwag na dahil baka mabinat sya. Ngunit, talagang mapilit sya at sinabing ang driver daw nila ang magdadrive.

Pumayag ako sa kagustuhan nya tutal ay magagabi na naman at baka kung ano pang mangyari kapag babyahe pa ako. Habang nasa daan ay kita ko na ang pag-aagawan ng kulay orange at pink na haluan pa ng black ang langit.

Sinubsob ni Tao ang mukha nya sa leeg ko. Yinakap nya din akong mahigpit. Ayan na naman ang lintik kong puso.

"Uhm... Bango!" Aniya at inamoy-amoy pa ang leeg ko. Kalamay naman oh! Itutulak ko na sana sya dahil baka mapansin kami nung driver nya kaso mas lalo nyang hinigpitan.

"Baka mapansin tayo ng driver nyo!" Saway ko. Ngumuso sya. "Pake ba nya?" Ang sarap nyang tapyasin! Nilagay nya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

Tinanaw ko ang labas at laking gulat ko nung nasa bahay na kami. Mas lalong nalaglag ang panga ko dahil nakita ko si Mama at Lola sa labas na nakakunot ang noo.

Kinalas ko si Tao sa akin. Bumaba na ako kahit na sobrang kinakabahan ako. Alam ko na kung saan ito pupunta!

Bumaba ako at kumaway kay Tao mula sa labas. Laking gulat ko nung bumaba sya. Kita ko agad ang pag-iwas ng tingin ni Mama ngunit halatang galit. Rinig ko din ang pagsinghap ni Lola.

"Magandang hapon po, Madame Carmina at Madame Claveria. Pasensya na po kayo at ginabi ng uwi si Christine. Nagkasakit po kasi ako at pinilit ko po syang alagaan ako." Kumunot ang noo ko kay Tao. What? Hindi nya ako pinilit! Nahihibang na ba sya? Mas lalong mag-iinit ang ulo nina Mama sa kanya!

Walang sinabi ang dalawa at pumasok sa gate ng bahay namin. Tiningnan ko si Tao. Hinawakan ko ang kamay nya at bumuntong-hininga. "Tao-"

"Christine!" May awtoridad sa boses ni Mama at hindi ko maipagkakailang tumaas ang balahibo ko noong narinig ko yun.

Hinigpitan ko ang hawak ko kay Tao para makakuha ng lakas. Napatingin sya dun bago sa mukha ko. "Christine, pumasok ka na sa loob. Malamig at baka magkasakit ka pa. Maligo ka din ah? Baka nahawaan kita!" Itinaas nya ang kamay na para bang may balak gawin kaso unti-unti nya yung binaba. Ngumiti sya ng malungkot.

"Sige...Itetext na lang kita." Pagpayag ko. Lumingon sya sa likod ko. "Aalis na po ako, Madame Claveria at Madame Carmina. Maraming salamat po!" He smiled ngunit walang natanggap na kahit ano si Tao.

Nagtaka pa ako nung hindi pa sya gumagalaw. Sumenyas sya na pumasok ako. Nung nasa pinto ako ay saka pa lamang sya pumasok. Sumilip sya sa huling pagkakataon. I waved as goodbye. He smiled at me at pumasok na sya sa loob.

"Hindi talaga tumitigil si Theodoro sa paghihiganti nya! Desidido talaga syang gamitin ang apo nya para rito..." Napasalampak ako sa sofa dahil sa inis. Naiinis ako sa tinig ni Lola.

"He invited her to his condo. At pinilit pa syang alagaan sya?" Natatawa ngunit may pagkairita sa boses ni Mama.

"Hindi po sya ang nagpilit. Ako po ang nagpumilit. Kita nyo naman po na sinabi lang nya yun dahil ayaw nyang ako ang pag-initan nyo!" Giit ko. I know the truth!

"Bakit ba hindi na lang nila ito itigil? Balak pa nilang isangkot ang anak ko at ang salbahe nilang anak!" Napatingin ako ng matalim kay Mama. What did she just say? "Hindi salbahe si Tao, Ma! I know him!" Yes, he's been into Gang Fights. Yes, he's dating other girls. Pero, kilala ko sya. Mabuti syang tao. May mabuti syang puso!

"At ngayon ay sumasagot ka na? Nakikita mo ba ang sarili mo? Nilason na talaga ng Huang na yun ang utak mo!" Naghihysterical na si Mama. I stared at her blankly.

The Casanova's Greatest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon