Chapter 25: Another suitor?

91 8 0
                                        

Emily's POV

Pagkagising ko ay may text na si Nash sa akin.

From Nash~cute: Good morning =)

Laging ganyan simula nang magkatextmate friends kami, last day pala namin dito sa resort. Mamamasyal lang kami at pwedi din bumili ng kahit ano. Nag-agahan kami at nag-ayos.

"Magandang umaga Maria" bati sa akin ni Bryan, nasa kainan kami ngumiti na lang ako sa kanya pabalik.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong samin ni Manager Maria Christine, siya ang nagmamanage sa amin branch may asawa na't mga anak. Mabait siya at responsable.

"Syempre naman po ma'am" sabi ng mga kasama ko.

"Nga pala ipakilala ko sa inyo ang aking anak. Pababa na daw siya" sabi niya

Ilang sandali ay may lumapit kay Ma'am na lalake, matangkad siya't halatang anak mayaman.

"Siya ang anak kong si Gerald, still single hahaha" sabi ni Ma'am.

"Yes! Sana mapansin ako" bulong ni Lisa

"Ang hot naman at gwapo" bulong ng katrabaho ko.

Nagbulong-bulongan sila tungkol sa anak ni Ma'am, may mga nagtatanong din sa kanya. Pinagpatuloy ko kumain, may naramdaman akong nakatingin sa akin kaya napalingon ako. Nakita kong nakatitig sa akin yong anak ni Ma'am at ngumiti ito, umiwas ako ng tingin.

"Maria, gusto mo pa ba?" tanong ni Bryan sabay lahad ng hotdog. Umiling ako bilang sagot.

Nang nakatapos kami ay napagdisesyonan namin tumambay muna sa labas. Umupo ako sa isang bench at pinagmasdan ang paligid. Nasaan kaya si Nash? Biglang nagvibrate ang cellphone ko tiningnan ko yon.

From Nash~cute: Where are thou? Do you already ate your breakfast?

Napangiti ako habang nagreply.

To Nash~cute: Here outside. I already ate my breakfast, you?

Sinabi niyang kakain pa lang siya kasama ang pamilya. Iginala ko ulit ang tingin ko nagulat ako nang nasa tabi ko yong anak ni Ma'am.

"Hi, what's your name?" ngiti niyang sabi. Tumungin ako kung may kasama kami pero nasa kabila sina Carol. "Oh sorry, I didn't introduce myself first. My rudeness, I'm Gerald by the way"

"Maria" sabi ko na lang.

Hindi siya nakapaniwalang magkasing pangalan kami ni Ma'am. Nalaman ko rin lumaki siya sa America kaya palang English speaking siya.

Hindi siya humiwalay sa akin nang naglibot kami sa resort.

"Do you have a boyfriend?" tanong niya. Umiling ako, "Really? You're beautiful. I can't believe it" sumingit si Bryan.

'Kanina pa yan ah, pumupormahan ka Maria. Kainis naman oo, dalawa na ang rival ko" reklamo niya. Inakbayan niya si Gerald at inilayo sa akin, nagvibrate ang cellphone ko. May 5 receive message ako galing lahat kay Nash.

1st message: Done, what you do?

2nd: Emi, are you busy?

3rd: Busy ka nga, enjoy.

4th: Sino ang kasama mo?

5th: Nag-eenjoy kang kausap ang kasama mo. You forgot 'bout me.

Nalaglag ang panga ko sa huling text niya. Agad ko siyang nireplyan.

To Nash~cute: Hala sorry, ayaw ko kasing maging rude kay Sir Gerald.

Till the endWhere stories live. Discover now