Chapter 24: Summer Vacation at Beach Resort

93 9 2
                                    

Emily's POV

Nakasakay ako ngayon sa Isang Van para sa bonding kasama ang mga katrabaho ko, papunta kami ngayon sa isang sikat na resort. May naglalambingan kasi malaman nagkadevelopan. Si Bryan at Lisa ayon nagbabangayan naman, si Carol naman katawagan ang jowa at tela nagkaLQ na naman samantalang ako ito katext na naman si Nash.

From Nash~cute:  Baka mamaya iisa pala tayo ng pupuntahan hahaha

Pansin ko napakabait niya, gentleman, matalino din siya at base sa mga porma niya mukhang mamahalin ang mga gamit. Ang gwapo pa niya kaya nga ako'y nagkacrush sa kanya. I reply..

To Nash~cute: Eh di masaya kapag nagkataon :)

From Nash~cute: Yeah, sa totoo lang pangalawang beses namin itong pumunta sa resorts or beach.

Tinanong ko kung bakit mejo natagalan ang pagreply niya.

From Nash~cute: Long story

Mejo natagalan tapos yon lang? Magantihan nga mejo tinagalan ko ang pagreply ko.

"Maria andito ako pero sa cellphone ang iyong atensyon" sabi ni Bryan

"Katext mo naman si Nash noh? Talaga bang magkaibigan lang kayo?" tanong ni Carol. Tumango lang ako.

"Sus, nanliligaw ba? Kung magkatext kayo'y 24 hours aba'y iba na yan" sabi ni Lisa

"Tama siya't non humingi ng tawad ay parang boyfriend na humihingi ng tawad sa girlfriend. Naalala ko din kayo'y nagkayakap sa labas ng boarding house" sabi ni Carol

"Tss, sumatsansing ang mokong. Maria, gusto mo ba siya?" tanong ni Bryan "kung gusto mo siya bakit? Alam kong babaero ako pero nagbago na ako. Pero siya hindi mo siya kilala at Muslim pa."

"Wag mo ngang siraan ang tao kay Mari, palibhasa nakikita mong mas lamang si Nash-cutie kesa sa'yo" sabi ni Lisa

Nagvibrate ang cellphone ko. Nagtext ulit si Nash, nakalimutan ko.

From Nash~cute: Emi?

Nagvibrate ulit.

From Nash~cute: Nakatulog ka ata sa byahe.

To Nash~cute: Ay sorry, nag-uusap kasi kami hindi agad ako nakareply.

"See she ignore you hahaha uy Maria, ingat din ha baka mahulog ka tapos hindi sinalo" sabi ni Lisa

Ngumiti ako, tama si Lisa parang natatakot na akong mahulog kay Nash kasi paano kung ganon talaga siya sa mga kaibigan niya? Maiiwasan ko kaya pero paano, perfect package ata si Nash eh. Sana wag madagdagan ang kasweetan niya baka mahulog ako, sa ngayon crush lang.

Till the endWhere stories live. Discover now