Chapter 40: Iligan City

43 4 1
                                    

Nash's POV

Hindi ko akalaing pagdududahan ni Emi ang pagmamahal ko sa kanya, pero kahit ganon ay napatawad ko siya. Ganon talaga kapag mahal mo ang tao at isa pa hindi ko siya masisisi dahil hindi ko nga siya matawagan kahit sabihin nating pwedi naman ako manghiram at hindi ko din magawang ipaglaban 'tong relasyon namin. Nag-iisip kase ako ng paraan ng walang pagkakamali kung baga in halal way, alam ko din kase na galit na ata sa akin si Allah dahil sinuway ko siya kahit hindi naman kami ni Emi ay parang kami. Ibig sabihin ay wala din pinagkaiba don, parehong bawal.

Hindi niyo rin ako masisisi dahil pinalaki akong malaki ang takot kay Allah at hindi kaya ng konsensya ko kapag nakagawa ako ng kasalanan. Hindi din na duwag ako dahil magkaiba talaga ang paniniwala ng Christian at Muslim. Tuwing naiisip ko kung anong parusa ang hihinatnan ko kapag namatay ako ay gusto kong tumakas, mabigat kase ang parusa hindi lang iniihaw dahil tinutuklaw din ng ahas.

Nililitson ang taong nakikipaglandian at hindi lang yon hindi daw makakapasok sa paraiso ang taong yon at magkakaroon din ng anak na malaking butiki o maraming butiki kahit magkasintahan man o hindi kahit hanggang text lang at hindi naman kami makakapagyakapan o halikan . Dahil sa tuwing nagpapantasya ako kung anong future at kung ano kaya kung magkasama kami at dahil lalake pa rin ako may mga bagay pa rin akong naiisip kaya nagkakasala pa rin ako.

Naiisip ko lang yon ay hindi ko kaya at parang pasan ko ang daigdig. Simple lang ang pangarap ko yon ay maging asawa ko siya't maging reyna ko sa aking palasyo sa paraiso pero magkakaroon pa ba ako ng palasyo don kung sa impyerno pala ang bagsak namin?

Call me saint o whatever term it is, alam kong tao ako at nagkakamali din pero kung sinadya ay pagsisihan din sa huli.

"Nash, di ka tumetngtung! (means: Wag kang tulala!)" sermon ni Mamang " Gusto mo bang sapian ka ng masamang ispirito? O iblis?"

Hindi ko yon namalayang malayo ang nilipad ng utak ko. Pero hindi ba pweding mag-isip ng sulosyon o mga bagay? Ito ang masama sa walang masabihan ng problema.

"Matulog ka na para bukas ay makabyahe na tayo" sabi niya

Nakalimutan ko na palang magpapasama si Ate Jam para magcheck up sa pediatrician family doctor namin upang makita kung ano ang kasarian ng bata at kung anong lagay nito at saka maggrocery din kami para sa malalapit na Ramadhan. Sasama din sina Nisah, Yash at ang magulang nito para family bonding na rin, maiiwan si babo dahil bukod sa walang tao sa bahay ay matanda na siya't hindi kayang bumyahe at mamasyal.

Kinabukasan ay bumyahe na kami, Van ang sinakyan namin at habang nasa byahe ay nagkkwentuhan ang nakakatanda samantalang kami ay kumakain ng popcorn at nakikinig ng kanta. Wag niyong isiping sa amin tong van dahil hindi, ito kasi ang sasakyan sa terminal na papunta doon at saka hindi kaya nina aunty at Yash kung sa SUV pa kami sasakay.

"Kumusta na kayo ni Emi?" pabulong na tanong sa akin ni Yash.

"Okay lang naman, gari (mean: tawagan ng magkaibigang lalake sa maranao) I'll tell you a secret hindi ko na kase kayang itago sayo" sabi ko

Kahit madisappoint ko siya at least hindi niya ako huhusgahan at hindi niya sasabihin. Ang mga sekreto din niya ay sinasabi sa akin at dapat maging patas rin ako.

"Ano yon?" tanong niya

Inunahan naman ako ng kaba at hindi ko din kayang kamunhian niya ako. Kaya imbis na masabi ko ang dapat kung sabihin.

"Crush kita" sabi ko, nakatanggap ako ng sapak galing sa kanya at saka siya natawa.

"Seryoso ako" sabi ko pinipigilan kong mapangiti. Alam kong nakakakilabut at para ko rin sinabing bakla ako pero sa totoo lang ay hinahangaan ko si Yash. Napatigil siya sa kakatawa at sumeryoso ang mukha niya.

Till the endWhere stories live. Discover now