Nash's POV
Cause the more you're sweet to me and the more you send those lyrics... I'm falling so deeply in love with you.
Paulit-ulit ko yan binabasa, sinisigurado kung tama ang nabasa ko, pero ganon pa rin ang reply niya sa akin. Ramdam ko naman na mahal na niya ako pero hindi ko yon pinapansin dahil baka nag-aasume lang ako. I never expect to confess her feeling to me, we're just the same.
May parte sa akin na masaya at meron naman nangangamba. Dahil alam ko na puro problema ito kung magiging kami at tiyak maraming magagalit at madidissappoint sa akin. Thinking of what problems the result is, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Paano at bakit ka nain love sa akin?" yon ang reply ko. Malay ko baka joke lang yon.
"Hindi ko alam kung paano at bakit, basta kapag sweet ka sa akin ay kinikilig ako. Lagi kitang naiisip at namimiss, ibig sabihin ay in love nga ako sayo" mahaba niyang sabi.
"Then wala ka nang nararamdaman sa Ex mo?" tanong ko
Hindi kase ako makapaniwala, 2 and half months lang nang naghiwalay sila.
"Oo, hindi ko na nga siya namimiss o naiisip" sabi niya
That makes me more happy, the feeling is mutual. Dapat ay ako ang unang umamin, well dinadaan ko kase sa song lyrics. Natotorpe siguro ako o di kaya'y dahil alam kong mas nangingibabaw ang pag-alala ko at mama's boy. Kilala ko kase si Mamang, once she hate that person she will forget that person exists.
Ayaw kong maging rebel na anak, ayaw kong matulad kay Kuya. Naalala ko naman siya kahit kase may pagkarebel yon eh mabait naman siya. Naging mabuting Kuya siya't makadiyos din yon, halos araw-araw ay binabasa niya ang Qur'an kapag wala kaming pambili ng ulam. May dala siya sa pag-uwi, well nagbibinta kase siya ng mga isda.
"Nash... okay lang kung binabasted mo na ako. Ganon talaga hindi naman nalilimos ang love" sabi ni Emi knowing that I made her sad, my heart aches."Kaw ha pinapa-iyak mo ako haha"
"Emi, don't cry. Sinong may sabing binabasted kita?" pagcheer up ko sa kanya.
There I indirect said it that our feelings is mutual. Pagdating talaga sa kanya ay puso ko ang nasusunod hindi utak, maybe I change my mind. Na subukan kong baka mag-work itong pagmamahalan namin kahit malabo atang magkatuluyan kami. But who knows, only Allah knows baka mag-work nga.
"Ibig mong sabihin ay.. Mahal mo rin ako? That you're in love with me too?" hindi siya makapaniwala.
"Ye, kaya huwag kang umiyak" sabi ko
"Talaga? Hindi ito joke o hindi mo ba ako jinojoke time?" tanong niya
"Talagang talaga, diba lagi kitang sinesendhan ng song lyrics? At iba ang trato ko sayo? Ibig sabihin lang din yon ay Mahal kita" pag-amin ko
I know its not so romantic kapag sa cellphone mismo nag-aminan pero anong magagawa ko? Nasa Manila siya't ako naman ay andito sa Marawi, kaya hindi ako basta basta makakapunta doon kahit kelan ko gusto. At isa pa bawal sa amin mga muslim ang girlfriend/ boyfriend relationship.
Alam yon ni Emi kaya kahit pareho kami ng nararamdaman ay hindi magiging kami kaya ang kinalabasan ay naging M.U kami. Hindi ko sinabi kay Yash ang pag-amin sa akin ni Emi lalo na ang nararamdaman ko kay Emi.
Ang mga lyrics na sinesend ko ay naging love songs na hindi tulad noon na may halong friendship song or inspiration lang.
"Alam mo ba, ikaw lang ang laging nagsesend sa akin ng lyrics. Yong Ex ko kasi kung hindi ko siya itetext hindi siya sa akin magtetext" pagkkwento niya sa akin.
Parang gusto ko tuloy lampasan ang ex niya't gusto kong makalimutan niya ang lalaking yon. Mas lalong mapadalas ang pagtetext namin yon nga lang sadyang may mga oras na hindi kami makakapag-usap dahil busy kami.
Narinig kong may bisita at nagsalita si Babo ( mean: Aunty)
"Kauto so pagidaan ka hehe” ( mean: Ayon ang jowa mo hehe) pagbibiro niya. Maya-maya ay nakita ko si Sannia ang pinsan ko sa mother side.
"Na ska bs anan" sabi ko (mean: ikaw pala yan)
"Mag-eencode ako, khapakay?" (Mean: Pwedi) sabi niya
"Oway, song ka roo sa study room" sabay turo sa study room (mean: Oo, punta ka sa study room)
Itong nakaraan araw ay lagi siyang bumibisita rito para lang mag-encode ng assignments.
"Nga pala couz, pansin ko lang ha. Adn ah katext ka?" tanong niya (mean: may katext ka?)
"Pssst.. secret. Wag mong ikalat kundi ikakalat ko din ang secret mo" sabi ko
"Hahaha oway" pumunta na siya sa study room, tinulongan ko din siya gumawa ng assignment.
"Blooming ah" puna niya sa akin at tumawa lang ako.
Emily's POV
Hindi ako makapaniwalang pareho pala kami ng narraramdaman pero nang tinanong ko siya kung ano kami..
"Friends? with romantic feeling." sabi niya
Hindi ko man masabi sa kanya na kung pweding maging magjowa kami dahil babae ako at saka nasabi na niya sa akin na bawal sa kanila ang ganon relasyon.
Kaya natatakot ako na baka mas lumalim ang pagkahulog ko dahil walang kasiguradohan kung magiging kami o hindi. Kung siya ba ang makakatuloyan ko o isa lang siya sa magiging parte ng buhay ko?
Sa tuwing naiisip ko yon ay nasasaktan ako, bakit ba kase pinagbawal sa kanila ang magkaroon ng girlfriend o boyfriend? Kaya tinanong ko siya kung bakit at ang sagot niya.
"Dahil nafifitna kami, ang ibig kong sabihin ay katulad din yon ng nagtatalikan na hindi pa kasal. Isang malaking kasalanan yon, sa inyo din diba ganon din pero sadyang maraming matigas ang ulo at yong iba ay isinawalang bahala lang" mahaba niyang paliwanag.
Kaya nga ako nagka-crush sa kanya dahil bihira lang ang isang tulad niyang mabait, makadiyos at matinong lalake pero hindi ko akalain na maiinlove ako sa kanya.
Hindi kami sina Romeo at Juliet pero daig namin sila na hindi sila pwedi magmahalan.
♣♣♣♣♣
Short update, super busy ako ngayon kaya pagpasensyahan niyo na.
*PrinceJalil
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...