Nash's POV
Nagising ako, nakita kong nakaupo si Emi sa tabi ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Ok na. Salamat at sensya sa abala"
Pinaipit ko sa kanya ang thermometer para malaman kung bumaba o wala na siyang lagnat.
"May sinat ka pa kaya wag kang maligo, magpunas ka na lang para guminhawa ang pakiramdam mo"
"Opo boss haha"
"Nagbreakfast kana?"
"Hindi pa, hinintay kita" sabi niya na tela nahihiya pa.
"Then, magbreakfast na tayo"
Ginawa ko ang dapat gawin. Hmmm... may nakalimutan ata ako. Tiningnan ko ang oras 7:05 ng umaga. 7 pala...
Bigla kong naalala,Astaghfirullah! Hindi pala ako nakapagpray ng suboh. Para sakin hindi kompleto ang araw ko kung may salah (arabic language, tawag sa prayer ng Muslim) na nakalimutan ko't di nagawa.
Nakita kong nagkakape sila pati si Emi, bakit kadamihan kape ang breakfast? Ako kasi oo nakakape din pero may kapares wag lang pandesal.
"May malapit ba ditong restaurant?"
"Dito ka na magbreakfast, gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" Sabi ni Emi.
"Oo nga pogi , dito ka na" sabi ng kaboardmate niya. Hindi siya yong tumawag sakin kagabi.
"Wala ba kayong pagkain?"
"Meron, hotdog" sabi ulit ng kaboardmate niya. Kung idedescribe ko siya. Katamtaman ang mata, matangos ang ilong, at hanggang leeg ang buhok niyang straight.
"Emi, ibili na lang kita ng pagkain sa labas. Di pweding kape lang dapat may laman ang tiyan mo"
"Wag na, mamaya na ako kakain"
Narinig kong nagbumulongan yong mga kasama niya.
"Deadma ka teh, kinakausap mo pero si Maria ang niyaya"
"Magjowa ata yan. In fairness, gwapo ang bf ni Maria"
Hindi ko pinansin, tiningnan ko ang sout ni Emi. Nakapajama siya, ok na pwedi siyang lumabas. Bumolong ako sa kanya.
"Then, samahan mo ako sa labas. Sabay na tayo magbreakfast."
Tiningnan ko siya sa mata, pumayag ka please. Papayag na yan kung hindi kukulitin ko siyang mag breakfast.
"Sige na nga magbibihis lang ako"
Tumango ako, tingingnan ko ang cellphone ko. May text pala si mamang.
1* Don't forget to pray. Mag breakfast ka din. Uwi ka ng maaga.
"Tayo na" sabi ni Emi. I look at her, she's wearing a fitted tshirt at maong pant. Umiwas ako ng tingin, I nodded.
"Sexy mo talaga, Maria."
"Hindi naman, mataba nga ako"
Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon. Hindi siya mataba, di din payat. Di tulad ko ang payat ko. May parte sakin na gusto kong sabihin sa kanya na magjacket siya pero baka over na ako. We just friend tapos kung umasta ako parang.... Ano tawag doon? Ah basta, di ko naman siya kapamilya at saka Christian siya, natural na yan.
Kumain kami sa malapit na kalenderya. Buti may gulay dito, pero ano kaya ang nilagay nila dito na seasoning? May pork seasoning diba? Bawal yon samin. Dahil di ko din alam kumain na ako kesa maginarte o choosy alam ko naman na nasa manila ako.
"Nash, paano mo nalaman na mataas ang lagnat ko?"
"Tumawag yong kaibigan mo, yong kulot"
"Ah si Carol, sensya talaga sa abala"
"Di ka naman nakaabala, ang totoo nga nag-alala ako"
"Bakit?"
"Dahil magkaibigan tayo, close friends"
Tama, we're close friends kaya ganon nag-alala ako.
/weh? Talaga, bakit 1st time?/ conscience
1st time nga, siguro siya lang ang close friend ko. Nang tapos kami, hinatid ko siya at umuwi ako.
"Magimpake ka na, Pupunta tayo kina aunty Jannah niyo."
"Tita, pwedi naman kayo dito"
"Gusto ko puntahan ang kapatid ko."
"Sasamahan ko kayo doon"
"Wag na Akisa, kaya namin"
I sense something, siguro narinig niya si Tita Hayma. Nagimpake na ako, si Akisa sadyang makulit kaya ayon dala ang bag ni Nisah. Nagtaxi kami... sigh... malayo kaya si Aunty?
"Mamang, saan ba banda papunta kina ate Jannah?"
"Malapit lang, jan lang sa malapit sa palengki"
Bigla ako napangiti... iwan ko kung bakit pero ang alam ko mejo malapit yong boarding house sa palengki. Bakit ngayon pa? Sa katunayan, dapat kina Ate Jannah kami nagstay.
Nang nakarating kami, ang problema lang ay masikip. Pero dahil may bakante ay nagrent na lang kami. Ok na 'to. Pero magastos di naman kami mayaman baka di kami makauwi dahil kapos.
"Madidi ka (mabuti naman) napag-isipan niyong dito tumoloy. Sabi ko naman sayo Ate na dito na kayo pero ang tigas ng ulo mo. Alam mo naman ayaw sayo ni Hayma"
Tama si ate, sometime Mali ang desisyon ni Mama. Pero para sa kanya, tama yon.
=============
Hanggang dito ang pumasok sa utak ko, hope mahaba na to.
Si Nash ang nasa picture→
♣PrinceJalil
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...