Chapter 21: Bonding with them

106 11 5
                                    

Emily POV

Maaga akong gumising, sinuot ko ang  puting dress na  hanggang tuhod lang. Ang totoo ayaw ko itong isuot pero dahil kinulit ako ni Carol na ito daw ang isuot ko ang sabi "Yan ang isuot mo Mari, at tiyak magagandahan sayo si Nash" at kilig na kilig siya. Dahil sa sobrang kulit niya kaya napilitan ako, pinag make up pa ako ni Carol. Light make up at lip balm para simple daw. Nasa sala ako ngayon saglit akong napatingin sa salamin.

Maganda kaya ako? Ok lang ba talaga itong suot ko? Magugstuhan kaya ni Nash ang suot ko? Ah, nakakabaliw hindi kasi ako kumportable sa mga ganito. Weh? Talaga eh lagi ka nga nakashort sabat ng konsensya ko. Totoo naman pero kapag sa bahay lang. Hindi nagtagal may kumatok sa pinto.

"Tao po? Emi, si Nash 'to" sabi ni Nash

"Anjan na pala ang kadate mo" sabi ni Carol

Pinagbuksan niya si Nash, lumabas naman ako. Nakatitig lang sakin si Nash. Namula tuloy ako, maganda talaga kaya ako?

"Ahm, wala ka bang pantalon?" tanong niya.

"Huh? Meron bakit mo naitanong?" pagtataka kong sagot.

"Ahh wala, tara" sabi niya

"Ok" 'no ba yan. Bakit parang di niya ata nagustuhan tong suot ko.

"Yash!" sigaw ni Nash. Yas as in Yasmin? Wag mo sabihing may kasama siyang babae? May nakita akong lalake, matangkad ito at mas matangkad siya kesa kay Nash! Humarap siya samin at napatingin siya sakin.

"Siya nga pala si Emi, yong katext ko. At the same time kaibigan ko" masayang pagkilala ni Nash sakin. Tumango lang ito.

"Emi, si Yasser o Yash for short. My best friend and cousin."

"Ah, h-hi?" ngumiti ako sa kanya.

"So, skanian eh tour guide ta?" sabi niya. Hindi ko naitindihan ang sinabi niya.

"Hai, tayo na?"

"Inoto? Babay skanian na mama ta" sabi naman ni Yash. Hindi ko talaga naitindihan.

(A/N: mean #1 siya ba ang tour guide natin? #2Bakit? Babae siya, lalake tayo. Yon ho ang meaning.)

"Kabaya akn na pd ta skanian? Ago skanian bo eh katawan akn" sabi ni Nash. Magdudugo ata ang utak ko dito hindi ko sila naiitindihan. Tumango lang si Yash.

(A/N: #3 Gusto ko kasama siya? At saka siya lang ang kilala ko dito. Yon po ang sinabi ni Nash. Pansensya na kayo kung may mga new words kayo ditong nababasa sakapagkat, Muslim Maranaw sina Nash at Yash)

"Ano ba ang sakayan dito papuntang MOA?" tanong sakin ni Nash. Sinabi ko sa kanya, bago kami maglakad papuntang sakayan ng jeep.

"Sure ka bang yan ang isusuot mo? Dress? Magpantalon ka kaya?" sabi niya.

"Ayaw mo ba sa suot ko?" tanong ko pabalik. Hindi ba siya nagandahan? Nag-effort naman si Carol.

"Exactly, kita ang kalahating legs mo. Buti lang kung mahaba ang palda" sabi niya.

"Eh, anong problema doon?" naiinis na ako ah.

"Boys well see your legs at mamanyakan ka sa isip nila.-" sabi niya, may sasabihin pa ata pero di ko pinatapos, yon pala. Minamanyak ata niya ako sa isip niya!

Padabog akong umalis at pumasok ulit sa boarding house.

"Huh? Bakit andito ka?" Tanong ni Carol.

"Ayaw niya sa suot ko. Hmp! At minamanyak ata ako sa isip niya!" inis na sabi ko.

"Emi, hindi kita minayanyak. I'm just concern to you, ayaw kong may magmanyak sayo sa daan" sabi ni Nash. Sinundan pala niya ako.

"Yon lang pala teh. Ahehehe sensya Nash ha? Ako kasi ang pumulit na isuot yan ni Maria" sabi ni Carol

Till the endWhere stories live. Discover now