Nash's POV
Gabi na ngayon, lahat sila ay nannunod ng teleserye samantalang nandito ako sa loob ng aking kwarto. Gusto ko lang makapag-isa at mag-isip ng mga nangyayare sa akin nitong nakaraang araw, iniisip ko din kung anong solusyon sa aking mga problema. Nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni ay may kumatok.
"Bukas yan" sabi ko. Gumawi ang tingin ko sa pintuan at nakita ko si Yash na nakisilip, nakangiti ito sa akin at may dala siyang mga papel. Homework niya siguro, sinenyasan ko siyang pumasok. Pumasok naman siya't sinarado ang pintuan bago ito lumapit sa akin saka umupo sa tabi ko.
"Narinig ko ang pinag-uusapan nila" tumigil muna siya't tiningnan ako sa mata "Nirereto ka pala kay Akisa at alam na nila ang tungkol sa inyo ni Emi, anong plano mo?" tanong niya. Napabuntung hininga ako bago ko siyang sagutin "Hindi ko papakasalan si Akisa, bukod sa magpinsan kami ay kinikilabutan ako tuwing naiisip ko yon."
"Sabagay, kahit ako kung irereto din ako sa pinsan ay kinikilabutan ako" sabi niya "So, antonaa eh plano nga? Ngayon alam nilang may iniibig kang Christian? (mean: anong plano mo?)" tanong niya ulit.
"Look umibig man ako kay Emi pero matagal nang hindi kami nakakapag-usap. Tatlong buwan na, Yash." madrama kong sabi sa kanya.
"Iyon pala, sabihin mo sa Mamang mo" sabi niya.
"Nasabi ko na sa kanya pero pinagdududahan pa niya ata ako" malungkot kong sabi "Kahit gaano ko siyang namiss ay hindi ko pa rin siya maitext kahit pwedi ko naman tingnan sa facebook ang number niya, hindi ko pa rin kayang mas lalong magalit sa akin si Mamang" napuno na ata ako sa kakaisip at pagmukmok kaya ganito ako magdrama sa harap niya.
"Sabihin mo lang kay aunty, maiitindihan ka non dahil pinakikinggan ka" payo niya sa akin "Maswerte ka nga eh" ngumiti ako sa kanya. I think I have to tell him what my plan, baka matulungan niya ako o mappayohan ng magandang gagawin.
"Sa totoo lang umaasa pa rin ako na magiging kami ni Emi" sabi ko.
"Ano? Are you insane?! Kapag nalaman yan ng mamang mo ay mas lalo siyang magagalit sa'yo." pangaral niya sa akin " Alam mo naman na bawal sa atin na magkaroon ng kasintahan o makapag-asawa ng Christian, huwag na huwag mong gagayahin ang iba jan"
"Alam ko at wag kang mag-alala, wala akong balak na gumaya sa kanila" sabi ko "Umaasa lang ako, alam kong may sulosyon ito at iyon ay magbalik Islam siya. Hindi nga lang ako sigurado kung maniniwala pa siyang si Allah ang diyos"
"Pero walang kasiguradohan yang plano mo" sabi niya. Alam ko naman yon pero mali bang umasa? Umasang marealise niyang gusto niyang magbalik Islam at maniwalang si Allah lang ang diyos? Wala naman imposible dahil marami din Christian na nagbalik Islam.
"Alam ko nga pero hindi naman masamang sumubok" sabi ko, tela nairita siya sa akin. Tumayo siya "Bahala ka nga, gagawa pa ako ng thesis" saka siyang lumabas sa aking kwarto.
Nagtataka kayo kung bakit 'balik-Islam' kung ang isang Christian o iba ang tawag sa naniwalang si Allah lang ang diyos dahil ayon sa mga ulama, pinanganak tayong Muslim hanggang hindi umabot ng puberty ang tao ay muslim ito pero kapag lumaki ito at Christian ang relihiyon ay isa na siyang Christian.
Hindi naman pinipilit na maniwala ang iba dahil may kalayaan tayong mamili pero yon nga lang sa amin ay paparusahan ang hindi naniwala. Si Allah na ang bahala doon, kaya wala akong planong ipilit si Emi na magbalik-Islam ito gusto ko ay buong puso siyang maniwala.
Kaya naman ay puro Hadith at Islamic sayings ang pinopost ko sa aking facebook, umaasa kasi akong magkaroon siya ng interest doon at magtanong sa akin tungkol sa Islam. Hanggang sa kusa na siyang maniwala na si Allah lang ang diyos, hindi naman sa nilalason o minamanipulate ko siya dahil nasa kanya pa rin ang desisyon at kapag nabigo ako ay tatanggapin kong hindi nga kami para sa isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/11629931-288-k440645.jpg)
YOU ARE READING
Till the end
RomanceGENRE: Romance, humor, non-teen fiction. Isang muslim boy at isang Christian girl na na in love sa isa't isa. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Magiging sila ba sa huli? Paano, yon ang alamin niyo sa kwentong ito. ------- Sana magustoha...