Chapter 53: Ang desisyon ni Emi

59 4 0
                                    

Nash's POV

"Eh paano ka nga niya sasagutin kong bawal kang magkagirlfriend?" tanong ni Tita Esmeralda, ang nanay ni Emi.

Mejo ako kinabahan, ganito talaga siguro kapag nakaone on one interview sa magulang ng iyong mahal. Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ang tanong niya.

"At saka paano kung hindi ako papayag na magconvert ang anak ko?" sunod niyang tanong. Hindi ko akalaing may mas mahirap sagutin kesa sa oral recitation pero alam kong may pinakamahirap pa ritong sagutin.

"Gagawa ho ako ng paraan upang pumayag ka. Pero kung ayaw rin niya ay wala akong magagawa kundi tanggapin ba lang na hindi kami para sa isa't isa" may halong lungkot kong sinabi. "Tungkol naman ho na nauna niyong tanong ay hindi ko naman balak gawin kasintahan si Emi" sagot ko, nagtaka siya sa huling sagot ko.

"Kung ganon eh bakit mo siya nililigawan?" tanong niya ulit. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako pero gusto sanang supresahin si Emi kapag sinabi ko agad ang plano ko ay hindi na yon supresa. "Dahil yon ho ang proseso upang makilala niyo ako't para makapagdesisyon si Emi, kung gusto niyang magconvert o hindi" sagot ko na lang.

Nagpatuloy kami mag-usap at kumain, pagkatapos ay naglakad lakad kami ni Basher sa labas ng bahay ni Emi.

"Antonaa bs eh plano nga? (mean: Ano ba ang plano mo?)" tanong niya.

"Panganakan nga, miyatharo akn rka isako zong ta sii. (mean: Mag-akyat ng ligaw nga, nasabi ko na sayo nong papunta tayo rito)" sagot ko sa kanya. "Ang problema ay paano? Alam mo naman sila magkasintahan muna bago kasal. Isa pa first time ko ito, bakit ba kasi nakalimutan kong itanong kay Papang" paliwanag ko.

"Eh ino nga uto da tharoa ah pangaromaangka si Emi? (mean; Eh bakit hindi mo sinabing papakasalan mo si Emi?)" tanong niya, kami kasi kapag nag-akyat ng ligaw ay ibig sabihin ay hihingi kami ng permisyo sa magulang ng babae tapos ay magpapakilala kami. Gagawin namin ang lahat magustuhan lang kami ng magulang nito upang pumayag na maging asawa namin ang anak nila. Sa madaling salita ay sa tradisyonal na panliligaw ang gagawin ko, ipag-iigib ko siya ng tubig, magsisibak ng kahoy at kahit ano pa.

Madali lang sana pero ang problema paano kung ayaw magconvert si Emi? Masasayang ang effort ko tapos ako ang lalabas na masama dahil sa rason kong alam kong para sa kanila ay mababaw. Ang alam ng lahat ay pwedi kaming mga Muslim na mag-asawa ng Christian pero kung titingnan sa banal na Qur'an ay hindi pala pwedi. Kung gusto talaga ng lalake na maging asawa niya ang isang Christian ay dapat ay magconvert muna ang babae dahil paparusahan kami kapag lumabag sa utos Niya.

"Hindi madali dahil hindi ko alam kong gusto ni Emi na magconvert" paliwanag ko. "Then gumawa ka ng paraan" sabi niya. "Kaya nga ko nga binibigyan ng lesson tungkol sa Islam" paliwanag ko.

Lumipas ang limang araw na pamamalagi namin ay marami na akong naituro kay Emi, itinuro ko rin sa kanya kung paano magbasa ng Arabic Alphabet at Arabic words. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila, nakatingin sa malawak na lupain na tinataiman ng palay. Naisip kong ito na siguro ang oras na tanungin ko siya tungkol sa pagcoconvert niya dahil hindi naman kami rito dapat magtagal lalo na si Basher, sobra ko na siyang naiisturbo kelangan pa naman siya sa kanila.

"Ahm, May itatanong ako sa'yo" pagsimula ko. Bumaling siya sa akin, "Ano yon?" tanong niya. "Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ko. Kinakabahan ako sa magiging desisyon niya.

"Sa totoo lang ay nahihirapan akong magdesisyon at ilan beses ko nang mapag-isipan" pag-amin niya, ngumiti siya sa akin. "Hindi ko akalaing ngayon mo ako tatanungin tungkol dito"

Till the endWhere stories live. Discover now