Chapter 39: Pagdududa at Panghihinala

52 6 2
                                    


Sumingit lang ako, napansin ko kasing parang wala naman atang nagbabasa rito o kahit meron ay hindi nagpaparamdam. Sana naman ay may magcomment para malaman ko kung nagagandahan kayo rito kahit hindi niyo nagustuhan ay okay naman sa akin.

♣PrinceJalil

♥♥♥♥

Emily's POV

Itong nakaraan araw ay lagi na lang kami may hindi pagkakaintindihan. Parang nabawasan ang pagiging masayahin ko sa ganitong set up naming relasyon. Isang relasyong walang label lang man at malayo kami sa isa't isa. Minsan naiisip ko mahal niya ba talaga ako? Bakit parang hindi siya gumagawa ng paraan para matawagan niya ako o kahit ano tumibay lang 'tong relasyon namin at maging kami sa huli.

Pero paano mangyayari yon kung nililihim niya ang relasyon namin sa kanyang pamilya at mga kaibigan? Ang dahilan ay ayaw daw niya na baka magalit sila sa kanya. Bakit hindi niya magawang ipaglaban ang relasyon namin? Ako lang ata ang nagmamahal dito dahil pinagmamalaki ko siya sa mga kaibigan ko pati sa pamilya ko ay alam nila ang tungkol sa amin.

Kapag nagalit ako sa kanya o di kaya'y nagtampo kung hindi niya mahuhupa sa paglalambing ang tampo ko ay paparusahan niya ang sarili niya sa pamamagitan ng hindi siya kakain o kapag umuulan naman sa kanila ay napapaulan siya. Kaya hindi ko siya matitiis dahil alam kong madali siyang magkasakit, ayaw ko pa sa lahat ay yong nagkakasakit siya.

Wala naman akong masabihan sa problema ko dahil ayaw ko naman isali sa problema ko ang mga kaibigan ko at saka may sarili din silang problema. Kahit ganon ay pinipilit kong maging masaya at makuntento kung anong meron sa amin ni Nash. Isang hapon ay nagkomento siya sa pinost kong picture sa Facebook.

"You're beautiful" yon ang komento niya.

"Hahaha bolero" reply ko sa komento niya.

"Hindi yon bola, totoong maganda ka" sabi niya na siyang ikinakilig ko.

"Hindi naman eh ang pangit ko kaya" reply ko sa kanya

Hindi sa hindi ako naniniwala sa kanya pero hindi kase ako mahangin at saka gustong gusto ko kasing sinasabihan niya ako na maganda ako sa paningin niya. Sino ba naman ang ayaw icomplement ng mahal niya? Kaya yon iginigiit kong pangit ako.

"Maganda ka yan ang tandaan mo. Hindi ka man kasing ganda ng beauty queens para sa akin ay maganda ka" komento niya.

"Hmp! Kung ganon nagagandahan ka sa mga beauty queens?"

"Mejo pero wala naman akong pakialam sa kanila. Para sa akin talaga ay ikaw ang maganda" reply niya

Nakakakilig, he's so sweet , caring and mapagmahal. Napapaconyo tuloy ako, may pagkataglish din kase si Nash kaya nahawa ako. Biglang may sumingit sa usapan namin. Sa comment box kase kami nag-uusap, kinausap niya si Nash pero hindi siya pinapansin at ako lang ang kinakausap at kung kausapin man yong nagcomment ay tungkol sa akin.

Natawa tuloy ako, kinausap ko tuloy si Nash sa private message nahalata ko kasing papansin yong sumingit na nagpapansin kay Nash. Aba, aagawin niya ata sa akin si Nash.

"Aliw na aliw ka sa kausap mo ah at kung pag-usapan niyo ako parang hindi ko nababasa yong usapan niyo" sabi ko

"Don't be jealous aein ko. Ikaw naman ang topic at pinapahalata ko naman na hindi ako interesado sa kanya" paglalambing niya sa akin

Sayang dahil hindi kami nagkikita. I miss him already kahit nakakausap ko siya sa texts. Sinuggest kong inisin namin yong nagkomento at sumangayon siya sa akin.

Till the endWhere stories live. Discover now