Chapter 34: Guilt

41 7 0
                                    

Nash's POV

Pagkatapos nilang tumawag ay pumasok ako sa akin kwarto, di nagtagal ay pinuntahan ako ni Mamang.

"Sino ang katawagan mo kanina?" tanong niya

"Mga kaklase ko" sagot ko

"Myanug akn so bitiara iyo (mean: Narinig ko ang usapan niyo)" sabi niya na nagpakaba sa akin. Bakit ba nawala sa isip ko na matalas ang pandinig niya?

"Sino ba kase talaga ang katext mo? Sinabi ko na sa'yo noon na nakakasama sa'yo ang ganyan" tanong niya.

"Kaibigan ko po" malumay kong sagot.

Lumapit siya sa akin at umupo sa kama.

"Kung sino man yan ay tigilan mo na siyang itext, nihindi mo ata yan kilala. Paano kung binubuking ka lang? Niluluko? Ayaw kong matulad ka sa Kuya mo" pagsesermon niya sa akin

Hindi ako nagsalita o tumango hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag tumango ako ibig sabihin ay susundin ko siya, kapag nagsalita ako parang sinasagot ko siya. Ang sinasabi ng puso ko ay hindi ko magagawa ang pakikiusap ni Mamang.

"Paano kung makaratin ito sa Papang mo at sa mga kamag-anak natin? Iisipin nila na lalong ka, na katulad mo din ang mga kabataan ngayon na nakikipagtextmate. Alam kong hindi yan basta basta kaibigan dahil sa nakikita ko pagtetext yan ng magjowa" tuloy na pagsesermon niya.

Humalipkip lang ako at nakinig o sabihin natin natatamaan ako. Hindi ko magawang ilabas sa kabilag tenga ang mga sinasabi niya dahil may punto siya. Hindi normal ang palitan ng message namin ni Emi, I even send her song lyrics which hindi ko ginagawa sa iba.

"Pero Nash, oh pkhabayaan ka ginan ah katext ka na tharowan ka eh antawaa skanian. ( mean: Kung iniibig mo yang katext mo, sabihin mo kung sino siya.)" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. "Lalake ka kaya normal na yan na naghahanap ka, wag mong ilihim sa akin dahil hindi naman kita ipapabugbog kapag sinabi mo sa akin"

Napabuntong hininga ako, kaya ko nga mahal na mahal si Mamang. Dahil kung hindi naman masama ang desisyon namin ay susuportahan niya kami, niyakap ko siya. Kung pwedi nga kami ni Emi ay sinabi ko na ng matagal pero alam kong hindi kami pwedi dahil magkaiba kami ng relihiyon. Sa lahat pa ng relihiyon ay yon pang mortal na magkaaway.

"Sasabihin ko po kapag sure ako sa akin nadarama, I'm confuse Mamang. Paano kung paghanga lang ito o di kaya'y wala lang pala. Magkaibigan po kami non, ako na po ang kusang titigil kapag may mali na talaga." sabi ko

"Na sige alam ko naman na matino ka at mabuting anak" sabi niya sabay yakap sa akin.

Mejo nakahinga ako ng maluwang, pero nandoon pa rin ang pangambang magagalit siya kapag malaman niyang Christian pala ang katext ko. Kumalas siya sa pagkayakap sa akin ganon din ako.

"Magsasaing na ako ng makakain" sabi niya "Bumili ka ng ulam kina Khalil" utos niya sa akin saka ibinigay ang pera.

"Ano ang bibilhin ko?" tanong ko

"Kahit anong natipunan mo doon, hindi naman ako choosy sa pagkain" sabi niya

Tumingin ako sa salamin at inayos ang gusot ng damit ko. Saka na akong lumabas para bumili ng ulam. Sa daan ay nakasalubong ko si Nehara, naalala ko na malapit lang ang bahay nila. Bibili din siya ng ulam sa karenderya ni Khalil, lumapit ako sa kanya.

"Pabili ng isang mangkok na badak at fried chicken" order niya

Nilagay sa supot ang inorder niya, kinuha niya yon. Nag-order din ako ng ulam doon siya napatingin sa akin, ningitian ko siya.

Till the endWhere stories live. Discover now