Chapter 30: Falling again

50 5 1
                                    

Emily's POV

1 week and 3 days nang nakalipas mula nong umuwi si Nash sa kanila. Miss na miss ko na siya tapos kahapon ay pinasahan ko siya ng load. Wala raw siyang pangload, namiss ko na agad kaya naisipan kong pasahan siya ng load. Balak ko sanang ilihim pero nalaman din niya, hindi ko alam kung paano niya nalaman.

Ni hindi ko siya matawagan dahil ayaw niya ang reason ay maririnig daw ng mama niya't mapapagalitan daw siya, ako naman naniwala. Ayaw ko kasi na ako ang maging dahilan ng pag-aaway nila, baka masira ko pa ng di oras ang samahan nilang mag-ina.

Kapag nasa labas naman hindi ko siya matawagan dahil busy siya o di kaya'y ako naman ang busy. Ang unfair naman pero umaasa ako na matatawagan ko siya. Nandito ako ngayon sa bus terminal para umuwi sa amin probinsya. Nagleave ako dahil nahohomesick ako, miss ko na ang family ko.

From Nashcute~

           Ingat sa byahe, bumili ka din ng makakain at tubig.

He's always concerned to me, lalo na kung pagdating sa akin kalusugan pero minsan nakakainis dahil hindi niya inaalagaan ng mabuti ang kanyang sarili. Minsan hindi siya naglulunch.

Ang sweet pa niya, ang totoo niyan ay nahulog na ako sa kanya. Mahal ko na siya, pero hindi ko maamin kasi babae ako at saka baka mabusted ako then iwasan niya ako. Kaya kahit friendzone ang peg ko ok lang at least nakakausap ko siya.

Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakausap, hindi din ako makatulog kapag hindi niya ako nasendhan ng lyrics. Kung pwedi lang din eh tawagan niya ako't kantahan.

Ang pagiging sweet and caring niya ang naging dahilan ng pagkahulog ko sa kanya. Hindi lang yon, gwapo siya. Mas maputi nga siya kesa sa akin, ang linis pa niyang tingnan, ang mga kamay ay halatang anak mayaman pero sabi niya hindi siya mayaman. Makadiyos din siya, wala din siyang bisyo halata naman kasi hindi siya amoy sigarilyo at napakagentleman. Nirerespekto niya ako, yon ang gusto ko sa lalake.

Pero hindi ko din maiwasan masaktan dahil Muslim siya, alam natin maraming asawa ang isang muslim. Matanong nga kung bakit ganon, kahit masaktan ako.

To Nashcute~

       Thanks. Nga pala matanong ko lang, bakit sa inyong Muslim ay maraming asawa?

May konting kirot ang naramdaman ko sa akin puso. Ang malas ko naman sa pag-ibig, niluko ako ng Ex ko tapos unrequited  love pa ito kahit maging kami, hindi maiwasan mambabae siya.

From Nashcute~:

           We oblige to, kaming mga lalake ay pweding mag-asawa ng apat.

Ang sakit, apat pa.

(AN/ CP convo)

Emi: Bakit ganon diba makasalanan ang magkaroon ng kabit?

Nash: Magkaroon ng kabit na hindi kasal ay bawal. Pero ang magkaroon ng apat na asawa ay hindi bawal, Yon ang sa amin.

Emi: Ganon.

Nash : Ye.

Hindi pa kami, magkaibigan lang ay ang sakit isipin mag-aasawa siya ng apat. Ayaw ko ng may kahati. Kaya ko bang sumugal? Sa ngayon ay hindi, wag ko muna isipin.

Nash: But it depends, kung kaya ng lalake na buhayin sila.

Emi: Ayaw ko ng ganyan.

Till the endWhere stories live. Discover now